Chapter 12

827 29 0
                                    

Chapter 12

Nandito na ako ngayon sa kwarto ni Deia habang sini-sink in ang lahat ng nangyari.

It's obvious that Waquim Dimitri told Deia's dad na nahihilo kuno ako at dinala sa bahay nila with the help of his sister—Hestia.

Nakapagtataka nga lang na basta na lang tinanggap ng Gobernador ang rason na yun without proper claim.

are they close?

I never wrote this kind of closeness between them,weird.

By the way,yung tungkol sa batas Henrietta na sinabi ni Waquimay ay totoo.

Muntik ko nang makalimutan.

Unang batas ay dapat marunong dumistansya ang babae sa lalaki ganun rin ang lalaki sa mga babae.

Pangalawa,hindi kaaya-ayang tingnan na umiinom ang isang babae kaya't pinagbabawal rin ito.

Pangatlo,kapag magkaroon ng ugnayan ang lalaki at babae kahit walang relasyon ay maaaring ipakasal sila.

Marami pang iba.

Nakakahilo diba?

Ba't pa kasi sinulat ko iyun?

Humiga na lang ako sa kama ko at nagpagulong-gulong hanggang sa muli akong nakatulog.

_

Napakunot ang noo ko ng makarinig ng yabag.

Nakatalukbong ako ng kumot habang nakahiga pa rin sa kama at agad napamulat ng makarinig ng yabag ng tao.

Pinakiramdaman ko ng maigi ang paligid at maingat na kinuha ang maliit na patalim sa likod ng unan ko.I always have it.

Ng maramdaman na malapit na ito ay saka ako mabilis na bumangon at hinarap ang kung sinong tao.

Doon ay nakita ko ang animo'y lalaking may itim na talukbong sa mukha.May kaliitan ito sa akin.

Tinutok ko ang patalim ko sa kaniya at akmang sasaksakin ako nito ay agad kong pinatid ang paa nito at agaran naman itong nadapa.

Sinakyan ko ito sa likod at tinutok ang patalim sa leeg nito.Nanginginig naman ang lalaki.

Sinong nagpadala sayo rito?”matigas kong sabi at lalong tinusok ang patalim sa leeg niya kaya't napaigik ito.

Tinanggal ko ang talukbong nito sa mukha at agad bumungad sa akin ang kayumanggi nitong buhok.Mahaba at magulo.

“Parang awa niyo na po,napag-utusan lang.”saad nito sa naghihirap na boses kaya't binitiwan ko na lamang ito pero nakatutok pa rin ang patalim sa kaniya.

Huminga ito ng malalim at ako naman ay nakatayo lang sa harapan niya.

Ipakita mo sakin ang mukha mo.”utos ko rito at dahan-dahan namang sinunod nito.

Napatitig ako sa lalaki at napapaisip kung sino ba siya.

Kayumanggi ang mahabang buhok na hanggang balikat,bata pa na nasa disisyete pa ata ang edad.Kayumanggi rin ang singkit na mata,mestizo at maliit na lalaki—teenager pa ata.

Napapitik ako ng maalala kung sino ito.

“Koa Gael Sarmiento,tama!”

Mabilis kong saad at napatulala naman sakin ang batang lalaki.

P-Pano niyo po nalaman?”nalilitong tanong nito,batid pa sa inosenteng mukha nito.

I know him.

Napangisi ako at nilapitan ito,umatras naman siya at takot na tumingin sakin.

Ng tuluyang makalapit ay maingat kong hinawi ang buhok nito sa may gilid ng leeg gamit ang patalim at mas lalong napangisi ng makita kung anong meron rito.

siya nga.







Abangan ang susunod>>

Sino kaya ang batang yun?

Governor's DaughterWhere stories live. Discover now