Chapter 06

843 40 2
                                    

Chapter 06

“MISS KAI,WHAT'S WRONG?”

Nag-aalalang tanong nito sa akin at inabutan ako ng tissue.Nakangiwi naman akong umiling rito.

“M-May nakain lang akong di ko gusto,saka ganda pala ng name mo.”nasabi ko na lang.

Ngumiti naman ito at nagpasalamat.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaalam naman ang lalaki at umalis na.Pero heto ako ngayon patuloy pa ring isini-sink in ang pangyayari.

Shet naman talaga oh.

_

Nakauwi na ako sa mansion at swerteng nagkaroon pa ng enerhiyang bumili ng susuotin sa party.

Ng makapasok na sa kwarto ay agad akong tumalon sa kama at nagpagulong-gulong.

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako.

_

Tanghali na ng magising ako.Masyado kasing nastress ang katawan ko kahapon eh.

Kasalukuyan na rin akong inaayusan ng makeup artist na pinapunta para sa amin ng Gobernador.

Fresh look lang ang pinagawa ko.

At ng matapos ay tumingin na ako sa salamin.

“Ang ganda-ganda niyo po,Miss Deia.”opinyon ng nag ayos sakin.

At masaya naman akong sumang-ayon rito.

Suot ang kulay rose gold na gown ay tumingkad ang kaputian ng balat ko sa  semi-sweetheart body con dress na may ruffles sleeve.

Ang fresh ko rin rito.

Habang ang buhok ay messy bun na may little flowers na designs.

Umikot ako sa salamin at muling ngumiti.

Tonight's gonna be exciting.

_

Gabi na ngayon at papunta na kami sa venue ng party.Magkakaibang sasakyan ang gagamitin naming tatlo nina Amara at thankful naman ako roon dahil baka matulak ko sila palabas ng kotse ng wala sa oras.

Kumukulo pa naman dugo ko roon.

Ng makasakay sa limousine ay agad akong sumandal saka pinikit ang mga mata.

Ngayon na kilala ko na ang dalawang lalaki sa kwento na sina Lysander Eros Ferrer na anak ng isang politiko at ngayon ay isang heneral at ang bida sa kwento.Siya ang makakatuluyan ng bidang babae na si Eulalia Soleil Cleo.

Saka ang kontrabida—walang iba kundi si Waquim Dimitri Zacreus.Isang businessman na may kinalaman sa black market.Ito rin ang head ng mga expert na assassin sa buong Henrietta kaya't iwas-iwas talaga sa kaniya kung ayaw niyong mamatay ng wala sa oras.

Kilala ko na rin ang ama ni Deia at fake sister nito.Surebols rin na mamaya ay makikita ko na ang ibang supporting character sa nobela.Which is very exciting.

_

THIRD PERSON POV:

Nagkakasiyahan lahat ng mga bisita sa birthday party ng anak ng businessman na si Mr.Cleo na si Eula Cleo.

Lahat ng naimbitahan ay puros mayayaman at may kaya lamang.

Naroon na rin ang magkapatid na Amara at Adrasteia sa isang mesa kasama ang mga kaibigan nito.

“Hey,gaganda ng gowns niyo sis.”saad ng isa sa babaeng kasama nila.

Tumikhim si Amara at ngumiti ng matamis.

“Ofcourse.It's Eula birthday noh.”saad nito.

“Yeah so dapat.Naayon rin ang clothes natin.”saad din ni Adrasteia at mayuming ngumiti.

Agad namang nagsing-ayunan ang mga kasama nito.

Sa kabilang banda naman ay naroon si Waquim Dimitri Zacreus kasama ang kaniyang secretary na si William sa isang table at ang kapatid nitong babae na si Hestia Dawn Zacreus.

“Such a lame party,bro.”reklamo nito sa nakakatandang kapatid pero di man lang ito tinapunan ng tingin ng lalaki hanggang sa sumilaw ang bandang pasukan ng bisita ng dahil sa cameras at dun ay pumasok si Kaideia habang taas noong naglalakad sa gold na carpet.

Lahat ay napatingin at napatitig sa kaniyang angking kagandahan.At maging ang malamig na presensiya ni Waquim Dimitri ay nakuha niya.





Abangan ang susunod>>

Governor's DaughterWhere stories live. Discover now