Chapter 18

641 25 1
                                    

Chapter 18

“LET'S GO INSIDE!”

Excited kong aya sa kaniya at hinila siya ngunit hindi ito gumalaw at natigil lang sa harapan ng resto.

Nilingon ko ito.

Matagal na ng huling makatikim ako ng seafood at isa to sa ni-lulookforward kong kainin rito sa Villa De Ferrer.Kaya tara na!Uy,Waquim Dimitri?”

Nakatitig lamang ito sa akin at kalaunan ay nauna na sa loob.

Kumunot na lamang ang noo ko sa paiba-iba nitong mood.

Pero sumunod na rin at agad siyang sinabayan sa lakad.

Ang ganda ng resto,ang taas ng ceiling at kumikinang ang mailaw na chandelier.Maganda ang ambiance dahil humahalo sa kulay ng karagatan ang theme nito.

Agad kong hinila si Waquim Dimitri sa may sulok kung saan naroon may magandang space ng table and chairs.

Umupo agad ako at ganun rin siya.

Agad lumapit sa amin ang waiter at tinanong ang order namin.

Halos seafoods ang nasa menu kaya't iyon na ang inorder ko.Matagal-tagal na rin ng huli akong nakakain ng seafood dahil may kalayuan ang mga seafood store area sa tinitirha namin.

Habang nakangiting sinabi ang gusto at napatingin ako sa kasama ko na walang imik.

Umalis na ang waiter kaya't kinalabit ko ang lalaki.

Uy.”

Tumingin naman ito sa akin.

“Ba't antahimik mo?”curious kong tanong rito nakinatikhim niya lamang at pinakatitigan ako na medyo, slight na kinailang ko naman.

“About the ki—”

“Ang bagal ng food,tomguts na ako.”

“Um...the thing that happened earl—”

“Ang ganda ng panahon ngayon,noh.Eh nu nga pala tinatanong mo?”

Napahilot sa sintido ang lalaki at umiling.

“Nah...”

Palihim akong napa-yes.

I was very embarrassed sa ginawa ko kanina kaya hanggang kaya ko ay sinusubukan kong hindi ito pag-usapan.

Magsasalita na sana ulit ako ng makita ang dalawang taong nasa likuran ni Waquim Dimitri.

Napatingin sa akin ito at agad akong nginitian.

Si Eulalia at Lysander.

Lumapit ito sa amin at bumati.

“Good day to the two of you.”saad ni Lysander sa amin at tumango rin ako habang wala namang kibo si Waquim Dimitri.

“Dito rin pala kayo kakain.”nakangiting sabi ko at tumango si Eula.

Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon