Chapter 19

614 28 1
                                    

Chapter 19

Mag-isa akong bumyahe pauwi.

Lutang at kulang ako sa tulog.Pinakaiisip ang mangyayari mamaya na sa isang tao lang nakasalalay.

Narito ako ngayon sa aking silid habang nakaupo sa kama.Napahilot ako sa sintido sa matinding pangungunsume.

-

Third Person Pov:

Binalita sa iba't-ibang programa at dyaryo ang muntikang pagpaslang sa anak ng Gobernador sa kabilang bahagi ng Henrietta.

Ang nag-iisang anak ni Gobernador Easton Cleo at Selina Victorina Cleo na si Lady Eulalia Soleil Cleo at kalat na kalat na ito ngayon sa buong Henrietta.

Walang ibang nakalap na inpormasyon ang mga reporter sa kung ano na nga ba ang kalagayan ng dalaga.

Sa kabilag banda ay tigagal naman at nag-aalala ang binatang si Lysander sa dalagang ipinagkatiwala sa kaniya ng Gobernador na ama nito.

At agad nakatanggap ng tawag mula sa kaniyag ama.

Habang di mapakali ang lahat lalo na ang mag-asawang Cleo ay naroon sa tuktok ng mansyon ng mga Zacreus si Waquim Dimitri habang may hawak na mamahaling alak sa kamay.

Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa hardin nitong puno ng nagagandahang puting tulips.

Mula sa kwartong ito lamang na pagmamay-ari niya matatanaw ang hardin na ito sapagkag mahigpit na pinagbabawal niyang pasukin ito ng kung sino kaya't pinagawaan niya ito ng matataas na pader at may mga gwardyang nakapalibot.Ganoon ka-importante ang hardin na iyun.

Nakalipas...

Sa mainit na sikat ng araw ay tumatakbo ang batang lalaki sa pamilihan.Tinatakbuhan niya ang mga tao ng kaniyang lolo dahil sa hindi matanggap na pangyayari na kaniyang nalaman.

Ng patuloy na tumatakbo ito ay nakarating siya sa lugar na karaniwan na lamang ang bahay at wari niya ay isa itong private property.

Napaupo siya sa gilid ng kalsada at walang buha ang mga matang nakatingin sa madumi nang sapatos.

Ilanh sandali ay napansin niya ang dalawang pares ng malinis at magandang sapatos na pambabae sa kaniyang harapan.

Tumingala siya at nakita ang batang babae na may magagandang pares ng luntian na mga mata.Naroon ang kakaibang kislap roon na kinahiwagaan niya.

May hawak itong isang bulaklak na gawa sa makapal na sinulid—puting tulip.

Mahaba ang buhok ng babaeng may kasing-kulay ng papalubog na araw at kasing puti ng perlas ang kutis.Matangkad rin ito na sa tingin niya ay nasa leeg na niya ito.

Tantiya niyang bata pa ito sa kaniya ng dalawang taon sapagkat siya'y trese anyos na.

Ngumiti sa kaniya ang batang babae at nilatag ang kamay nito sa kaniya.

“Tara?”

Walang hesitasyon niya itong inabot at tumayo.

Bakit ka narito?”

Tanong ng batang babae at doon nagsimula ang magaan nilang pag-uusap habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay ng batang si Waquim.

Ng makarating ay dumaan sila sa likod na tarangkahan ng mga Zacreus na hinayaan lang ng mga gwardya dahil kilala nito ang nag-iisang anak ng mag-asawang Zacreus.

“Wag ka ng malungkot,Waquim Dimitri.Sapagkat kahit nasa langit na ang iyung magulang ay iyong pakatandaan na sila'y narito lang at binabantayan tayo.”inosenteng saad ng batang babae rito.

Maliit na ngumiti amsi Waquim at kahit papanu ay nakaramdam siya ng ginhawa.Lahat ng sakit ay nasabi niya sa kasama.

“Isa pa pala bago ako umalis.Nais kong ibigay ito sayo,ginawa ko ito kaninang umaga kasama ang aking ina kaya regalo ko na lamang ito sayo.Upang di mo rin malimutan ang pagkikita natin.”nakangiting binigay ng bata kay Waquim iyun at nakangiting tinanggap niya yun.

Bakit pala hindi tunay na tulips ang dala-dala mo?”takang tanong ni Waquim na ngitian lang ng bata.

“Hindi sila namamatay at hindi mahirap alagaan ngunit pangarap kong magkaroon ng malawak na hardin ng tulips.”kwento nito na kinatango ni Waquim.

“Kung ganun maraming salamat rito at ano palang pangalan mo?”

“K-Kai iyan ang pangalan ko...”

Nagpaalam na ang bata ng naroon na ang sundo nito at kumaway sa kaniya.Habang siya ay pilit iniintindi ang iniwang malungkot na salita kanina ng batang nangangalan palang Kai...

Napangiti siya at napatingin sa tulips na hawak niya.

Kai iyun lamang ang iniwan sa kaniyang pangalan ng batang babaeng nakasama niya noon ay nahanap niya naman ito.

Ito pala ang anak ng Gobernador ng lugar at ngayon lamang niya muling nakita na ang totoo palang pangalan ay Kaideia Avila Lavirro...

Ang babaeng nagpapagulo sa kaniyang isipan.





Abangan ang susunod>>>

Governor's DaughterWhere stories live. Discover now