Chapter 05

857 32 4
                                    

Chapter 05

“DAD,WHAT CAN WE DO FOR YOU?”

Yan ang tanong ni Adrasteia sa Gobernador ng ipatawag kami nito sa malaking living room ng mga Lavirro.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa habang inaabangan ang sasabihin ng Gobernador na tiyak ay alam ko na.

“The Cleo family wants us to go to their Daughter's birthday party but for some reason,i'm not available on that particular date.So,i guess only you three can go.”saad nito at binigay naman sa amin ng assistant nito ang tag-iisang imbitasyon ng kaarawan ng bidang babae.Dito magkikita-kita ang mga tauhan sa kwento.Ang bida at kontrabida—meaning naroon rin ang anak ng tinapang empakto.

Napatango ako at masaya namang nagsalita si Amara.

“I'm excited!I should go to my personal designer later.”nakangiting saad nito at masaya namang tumango ang isa.

“Yeah,i'll come with you.”

Habang nagsasaya sila ay napapaisip naman ako ng mangyayari mamaya.

Exciting.

Bukas ng gabi ang birthday party ng bidang babae sa kwento na si Eulalia Soleil Cleo.

Diba gara ng pangalan?Pinag-isipan ko talaga yan nuh.

About naman sa party ng babae ay wala pa akong masusuot.Pero color rosegold raw ang reference ng babae na dapat suot ng mga bisita.

At patungo na ako ngayon sa Calaria Mall.Ito ay isa sa pinakamalaking mall sa Henrietta.

Suot ang dark green na  hoody,puting cargo pants,white shoes at black shades ay bumaba ako sa dalang sedan.

Nakalugay lang ang kulay ginger kong hair at taas-noong naglakad papasok ng Calaria.

Di ko na rin pinapansin ang tinginan ng mga tao sa akin.Parang ako nga lang ata ang nakasuot ng ganto pag lumabas eh.Halos kala mo magdidinner sa resto ang suot ng iba.

Habang naglalakad-lakad para tumungin ng mga botique ay tumigil muna ako sa isang restaurant.Ang eye-catching kasi.

El Vidad Resto.

Pumasok ako roon at bumungad agad sakin ang kasosyalan ng paligid.Ang maiilaw na chandelier at magarang paligid.Halos makikita mong mayayaman ang kumakain rito.

Naghanap na ako ng mauupuan.Napangiti ako ng makita ang pwesto ng lamesa na nasa may sulok kung saan maganda ang view.

Naglakad na ko papunta roon.

Akma ko ng hahawakan ang upuan ng may nakasabayan akong hawakan ito.Handa ko na sanang bungangaan ang singitan na yun ng mapakurap ako sa nakita.

Brown hair,brown eyes,maayos na built ng katawan at napakagwapo.Maamo ang mukha nito at lumabas ang magkabilaang dimple ng magsalita.

“Miss,are you okay?”

Napakurap ako at tinikom ang bibig na nakabukas pala.Kahiya!

Tumikhim ako at ngumiti.

“Yeah.Pero yung chair?”tanong ko at tinuro ang upuan.Mahina naman itong tumawa.

Shet,ang pogi so much!

Baka dito na ako magkaka-lablayp!

charot!

“It's okay.Maghahanap na lang ako ng iba.”

Pero bago pa ito makaalis ay hinawakan ko ang braso nito.Taka namang tumingin ang brown nitong mga mata.

“Wag ka ng maghanap ng iba.”diretso kong sabi na hindi alintana.

Ng ma-gets ay napatampal ako sa noo.

Kung anu-ano ng lumalabas sa bibig ko ih.

“I mean...pwede naman tayong magshare na lang ng table.”sabi ko at tinukoy ang
upuan.

2 person for table naman.

Napatango naman ito saka imwenestra ang upuan para umupo rin ako.

Natawa kami pareho at umupo na.

Ilang sandali ay nag-order na kami.

Bago lang pala ang resto na to at nakita rin niya kaya heto siya.She bumped on the very kind person—me!

Luh, destiny!

Nag-usap rin kami ng kung anu-ano hanggang sa dumating ang order namin.

Pagkatapos kumain ay nag-order ako ng dessert at sa kaniya ay ice tea.

Habang kinakain ang dessert ay naalala kong di ko pa pala alam ang pangalan niya.

“Kaideia pala.Ikaw?”kaswal kong pagpapakilala rito.

Ngumiti ang lalaki at inilahad ang kaniyang kamay.Inabot ko ito saka nakipag-shake hands.

“Lysander Eros Ferrer,binibini.”imbes kiligin ay halos mabulunan ako sa kinakain ng marinig ang pangalan niya.

Totoo ba talaga ako ng narinig?

Napangiwi ako.

All this time ay ang bidang lalaki pala ang kausap ko!

At pinagpantasyahan ko pa ito!Nakakahiya.

AAGAWAN KO PA ATA ANG BIDANG BABAE!


Abangan ang susunod>>

Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon