Chapter 21

592 24 0
                                    

CHAPTER 21

SIMULA ng makausap ko si Koa ay di na ako mapakali.

Kaya't narito ako ngayon patungo sa bahay ni Eula.

Ng makarating ay agad akong sinalubong ng mayordoma nila at pinaupo sa may salas nila.

Ilang sandali rin ay dumating na si Eula.

Nakangiti ito sakin at kapansin-pansin ang mapulang shade ng lipstick nito.May iba rin sa suot niya,tila ito'y mahuhubaran na.

Para ding hindi siya natrauma sa halos ikamatay na niyang pangyayari.

Buong atensyon ko ay nasa kaniya lang.

Inaaral kung anong meron sa kaniya.

Umupo ito sa harap ko at nginitian ko.

“Lady Kaideia!Nice to meet you in person!”galak nitong sabi na kinakunot lang ng aking noo.

“We already met,right?” pinakalma ko ang sarili ko at nginitian ang babae na medyo gulat pero agad ring ngumiti at nagsalin ng tsaa sa dalawang tasa.

“Sorry!Medyo kalog pa kasi ang utak ko.”sabi nito at tumawa.

“Eula how's your wound?Diba nasa may di—

Gulat akong napatingin kay Eula ng bigla na lang nitong malakas na binagsak ang tsaa na labis kong kinabigla.

Nahihilo ako.Pwede bang sa sunod na lang tayo mag-usap?”sabi nito na nakangiti na.

Taka at kilabot ang naramdaman ko kaya't dali-dali akong naglakad paalis at ng sulyapan ko ito bago makaalis ng mansiyon nila ay sinasampal nito ang kaniyang mukha.






NARITO ako ngayon sa isang sikat na bar dito sa Henrietta.Gusto kong mapag-isa at mainindihan ang lahat ng tanong sa isip ko.

Ano bang nangyayari sayo Eula?

Napahilot na lamang ako sa sintido ay inisang inom ang binigay ng bartender.

Sumenyas ulit ako ng isa pa rito at tumango naman ang lalaki.

Ilang saglit ay may tumabi sa akin.

Tipsy pa ako.

Nakilala ko agad ito.Ang lalaking may pulag buhok na si Sako echemerut ang pangalan.

“Sako.”sabi ko at tumawa naman ito bago umorder ng drinks.

Binababoy mo naman pangalan ko,Saiko yun!”sabi rin nito at tumawa.

Nagkibit-balikat na lang ako at uminom ulit.

By the way,why this pretty sexy lady here?Drinking alone huh.”tanong nito na kinairap ko na lang.

Malabo na ang paningin ko at nahihilo na rin.

Hindi ko na lang namalayan nilayasan ko na pala ito at pasuray-suray na naglakad.

-

Habang umalis na si Kaideia ay nakasunod lamang ang tingin ni Saiko sa kaniya.

At kalaunan ay sinundan ang dalaga upang tingnan.

Naroon na sila sa labas ng bar ng biglang may tumigil na limousine sa harap ng babae.Nagtago siya sa ilang mga kotse roon at masuring inaalam kong sino ang laman ng limousine.

Nagulat sya ng makitang lumabas roon ang lalaking may pinakamataas na ranggo sa buong Henrietta—si Waquim Dimitri Zacreus.

Mas lalo pa siyang nagulat ng buhatin nito si Kaideia na pasuray-suray na lamang.








Abangan ang susunod>>>

Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon