Chapter 24

505 21 0
                                    

Chapter 24

HALOS lahat ng mga dumalo sa kaarawan ng Gobernador ay kanya-kanya ang paglabas sa venue.Puno ng sigawan at pagkabalisa sa takot na madamay sa gulong nangyayari.

Patuloy pa rin ang barilan ng mga guardia ng Gobernador at ang mga taong nakaitim na gumulo sa pangyayari.

Habang sina Hestia at Waquim ay tumutulong para puksain ang mga kalaban.Pinuprotektahan rin sila ng Secretary nito.

Hindi nila namamalayan dahil sa dilim sa paligid na nawawala na si Kaideia.

-

LUMIPAS ang isang araw ng trahedya na yun ay balitang-balita na nawawala ang bunsong anak ng mga Lavirro at ang pagkacomatose ng Gobernador dahil sa tama nito sa may dibdib.

Ngunit hindi naging hadlang sa patuloy na paghahanap kay Kaideia na pinangungunahan ng isang Zacreus.Si Waquim Dimitri.

Lahat ng mga koneksyon ay nahalungkat na nito.

Wala itong tulog habang nakatutok sa mga cctv na maaring makitaan ng sinakyan ng mga kidnapper.

“I found it,Sir!”

Agad lumapit si Waquim sa sekretarya ng mahanap na nito ang lokasyon ng mga dumukot kay Kaideia.

-

SA isa namang abandonadong rest house ay naroon si Kaideia habang nakagapos sa isang upuan.

Napapaligiran rin ito ng dose-dosenang mga naka-itim na lalaki.

Ng maalimpungatan ay agad itong natakot sa maaaring mangyari sa kaniya.

“Let me out of here!”nanggigil nitong sabi at pilit kumakawala sa pagkakagapos.

Pinagtatawanan lang naman siya ng mga lalaki roon hanggang sa nakarinig sila ng tunog ng takong.

Mula roon ay lumabas ang babaeng may ngisi sa mapulang labi.

Lumapit ito sa gulat na si Kaideia.

“Eula?Anong nangyayari?!”malakas ang kabog ng dibdib ni Kaideia.

Matinis na tumawa si Eula at hinawi ang buhok.

Shunga ka ba?Papatayin kita,ganun lang.”sabi nito na parang simpleng bagay lang ang planong gagawin.

Nagpumiglas si Kai kaya't nakatanggap siya ng malakas na sampal mula kay Eula na kinakiling ng ulo niya.

Dumugo rin ang gilid ng labi nito.

Bwisit!Ano banhg problema mo sakin?!”naubos na ang pansensya ni Kai at dinura ang dugo.

Inikutan siya ni Eula at sinabunutan.

“Hindi mo pa rin ba gets?Akala ko pa naman matalino ka,Kai—wait Kaira pala!”para itong baliw na tumawa.

Malakas ang kabog ng dibdib ni Kaideia habang nakatingin sa babaeng bida ng kwento niya.

Ano nga ba ang nangyayari rito?

Yan ang tanong niya sa sarili.

May nalimutan ba siya?

“Okay...dahil shunga ka.Explain ko na lang sayo.So ganito—”

Kumuha ito ng isang upuan at umupo sa harapan niya.

“—Hindi ako si Eula.Tamang sabihin na nagawa kong sundan ka rito,sa mundong akala mo mabubuhay ka ng matagal.So unlucky mo naman,nasundan uli kita.At kung panu ako napunta?Dahil sa libro mo,I searched and searced sa kinamatayan mo and boom I found it.”ngumiti ito at nanlalaki pa ang mga mata habang pinapadyak padyak ang mga paa na parang excited.

Tumulo ang luha ko.

Pamilyar ang galaw na yan.

Ang pag padyak...

Ang ngiti...

Ang paglaki ng mga mata niya...

Hindi maaari.

Ngumisi ito at tumawa.

“Tama nga.Here's come's your frenny,little girl...”

Napahagulhol ako lalo ng tinutok na nito sa akin hawak nitong baril at umarteng tumulog na ako.












Abangan ang susunod>>>

Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon