Chapter 1

6.2K 47 20
                                    

Tang ina ka!Wala ka nang ginawang tama sa mundo! Ibaon mo ulo mo sa pekpek ng babae mo wala na akong pakialam! Lumayas ka dito!"

Nagbukas ako ng mata ng mabungaran ang pamilyar na tinig. Diretso iyong tumutok sa puting kisame sa taas.Walang lakas ang katawan ko at parang mahihirapan akong bumangon.Parang pinupukpok din yong ulo ko ng martilyo..

Hindi na talaga ako iinom.Napangiwi ako sa naisip. Ilang beses ko na bang sinabi iyon?Ilang beses na akong nagpakalunod sa alak at kinabukasan ay pagsisisihan iyon.

"Baby.. Patawarin mo ako.. Sige na.. Magbabago na ako pakiusap! Ayoko sa pekpek ng babae ko!wala paring tatalo ng sa iyo baby.. Yon'lang ang gusto ko"

Napairap ako sa hangin ng muling marinig ang nagbabangayan na ingay ng katabi ko sa boarding house. Halos araw araw itong nangyari. Feeling ata nila may sarili silang bahay at hindi pader lang ang pagitan sa iba..

"Talaga ba?Mas masarap ako? "

Kumilos ako para bumangon. Nagsilbing early background ang ingay ng kapitdingding.

"Oo baby.. Pangako 'dina ako uulit. Gib mi a sicond chence"

"Puta" kayo nang my love life..

Umupo ako sa kama at sandaling hindi alam ang gagawin.Pinagmasdan ko ang kuwarto kung nasaan ako.Maliit na kama, maliit na lababo maliit na cr at maliit na electric fan.. Lahat maliit pati ako.

Nagdesisyon akong tumayo at uminom ng advil pagkatapos tumunganga ng 30 minutes.. Tsaka na ako matutulog ulit, after kong magkape.

Nagtimpla ako ng great taste white, creamy white at bumili sa tindahan ng isang plastic ng tinapay. Pagkatapos magkape at mag tootbrush bumalik ako sa higaang hindi pa natitiklop at muling humiga. Muling tumutok yong mata ko sa puting kisame.Parang nakikipag usap iyon sa akin at tinatanong kung anong plano ko sa buhay ko.

Huminga ako ng malalim. Ayoko munang mag isip sa kung anong gagawin ko sa walang kuwenta kong buhay. Gusto ko lang munang magpahinga,tsaka na ako babalik sa mundong marahas. Kung hindi ko gagawin iyon ay baka matuluyan na akong masiraan ng bait..

Nasa verge na ako ng tulog ng biglang mag ting yong cellphone ko. Napaka bihirang mangyari iyon, kaya naman dali dali ko yong hinablot sa ulunan ko at binasa.

NDDRMC:Orange Rainfall in some areas...

Hindi ko na itinuloy. Kung hindi talk n text ay ito ang textmate ko.Pinaka paborito kong textmate yong palawan express.

Ibabalik ko na sana iyon sa itaas ng bigla ulit mag ting. Nagmamadali ko ulit na sinilip iyon.

"yong utang mo girl idaan mo daw dito kailangan daw nila ng pera pamparebond next week"

Mas lalong nasira yong araw ko. Bakit ba patext ng patext itong si anti dedet.Paulit ulit..

Akmang ibabalik ko iyon ng muli itong mag ting..

Inaasahan kong maniningil ulit iyon ng utang o kung hindi kaya may nagbebenta na naman ng pajama sa group chat.. Pero iba ang nakita ko.

Ruben Isaac Aguilos Martinez has a new message.

Agad na pumasok yong mukha niya sa isip ko ng mabasa yong mahaba niyang pangalan.Inaasahan ko ng nakasimangot siya.

Ayoko muna sana siyang kausap dahil wala pa ako sa huwisyo pero baka mas malalang sermon ang aabutin ko kapag di' ako nagreply.

Huminga ako ng malalim bago inopen yong message.

"San ka?"

Halos marinig ko yong boses niya sa isip ko.Yong malalim na may kasamang diin.Nag iisip pa ako ng irereply ng muling nag ping yong phone.

"Uninom ka raw kagabi"

Not a question but a statement.Nagsimula na akong kabahan.Hindi pumasa sa Bar Exam ang mokong na ito para sa wala.

Nakakita ulit ako ng tatlong sunod sunod na tuldok sa message bar na sumasayaw at mukhang nagta type na naman siya.

"okay lang ako"

Senend ko iyon agad bago pa magkagulo.Tae naman.Sana naman maging mabait sakin si Kuya Ruben kahit isang linggo lang.

"Lumipat ka na naman ng boarding house.San'ba yan?Puntahan kita"

Napakagat ako ng labi.Nalaman niya agad.Ilang minuto ko lang na tinitigan iyon at hindi na nagreply.Nagulat ako ng maya maya tumawag na siya.

Oh my! Dali dali akong tumayo at naghilamos. Napakamot ako sa tumbong, nagtanggal ng muta at nag mumog. Inayos ko rin ng bahagya yong higaan.

Sumilip ako sa salamin.Puwede na.. Hindi ako kagandahan pero sabi nila cute naman daw ako-depende sa anggulo. Aklis cute. Pero sa tingin ko maganda talaga ako,hindi lang pala ayos.
Niloko ko pa yong sarili ko habang nananalamin.

Huminga ako ng malalim at sinagot yong tawag.Napanganga ako ng makita yong mukha niya.

Shet guwapo!

Naconscious ako bigla.Mukhang bagong gising din siya.Nasa loob din siya ng pad niya at magulo pa ang buhok.Nakita kong inabot niya ang eye glasses at isinuot iyon bago muling humarap sa camera.Napanganga nalang ako.Kalma Dhalia. Hindi ka maganda.

Protect Ruben Isaac Aguilos Martinez at all cost.

Kumaway ako sa screen.

"Hello kuya!"

Ngumiti siya at halos mawala yong chinito niyang mata.

"San ka?"

Maaligasgas yong boses niya ngayon na medyo paos.Mula ng pumasa siya sa Bar lagi na siyang busy sa dami ng job offers.

"Uhmm dito lang sa tabi tabi"

Inabot niya ang water bottle sa side table at uminom.Kitang kita ko ang pag alon ng adam's apple niya habang ginagawa iyon.Ang puti puti niya at ang kinis ng balat.Bigla akong nainsecure.

Nabura yong ngiti ko ng humintong gumalaw yong mukha niya. Putang internet. Nugbubuffer.Umikot ikot ako hanggang sa natapat ako sa banyo.. Nag play na ulit yong mukha niya.Tapos na siyang uminom.

"Address Dhalia"

Pasimple kong hinablot yong mga panty ko na nakabalandra sa pinto.

"Basta sa tabi tabi..hindi masyadong malayo"

Sinimangutan niya ako.

"Kapag hindi mo sinabi isusumbong kita kay tita Belle at siguradong mag aalala yon at--"

Huli na ng namalayan ko yong sarili kong denedetalye ang address ng boarding.

Kitang kita kong paano siya ngumiti sa camera.

"Okay..Punta ako diyan.Pakain"

"Madumi..walang pagkain!"

Tinaasan niya ulit ako ng kilay.

"Tsaka diba bising bisi ka sa buhay mo.Bakit ka pupunta dito?"

Nagseryoso yong mukha niya at tumitig sa akin.

"I can still make time--"

"Hindi na okay lang.."

"Dhalia.."

"Papunta na ako."

-------------------

The Bad Master (SSPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon