Chapter 3

2.6K 19 0
                                    

Gusto kong magsisi na niyaya ko siya.Narealize ko lang ang lahat ng muli siyang dumating at may dala ng malaking back pack na may lamang kung ano ano.Tila nauna't lahat ng buhok ko sa ulo.

"T-teka hindi tayo magkakasya dito"

"You suggest this"

Nagpapadyak na ako ng inilagay niya ang bag niya sa isang corner.

"Putang ina.."

Tinignan niya ako ng masama.

"Iyang bibig mo"

Ngumuso ako.

Nakita ko kung paano siya napulunok ng mapatitig doon.

"Hindi naman na siguro kita kailangang itour dahil kita mo naman na.Banyo,lababo ,sala at kama"

Itinuro ko ang mga corner kung nasaan ang mga iyon.

Nanatili itong tahimik at hindi nagsalita at sinundan lang ang kamay ko.Lumabas ito kanina at may kinuhang bag sa kanyang kotse at muling pumasok sa loob.Halatang lumaking boy scout.

"Aiiissst"

Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi maki ride on na naman sa nangyayari.

Tahimik parin si Ruben at umupo sa sofa.

"Ayaw mo ba ako dito?"

Wala itong tono at masugid na nakatingin sa akin.

Bigla akong natahimik.

"H-hindi naman sa ganon kuya"

"So?"

"Seryoso ka talaga..na titira ka dito?"

Nagbabakasakali parin akong magbabago yong isip niya.Ako naman nabibigla parin sa mga nangyayari.

Clueless itong nakatingin sa akin at kumportable ng nakasandig sa sofa at medyas nalang ang suot dahil tinanggal na nito ang sapatos sa pinto kanina.

"Im already here"

Bigla ay gusto kong mahiya.Jusko,malay ko bang seseryosohin kasi niya.Kainis naman.

Alas singko na ng hapon at hindi naman ako puwedeng tumunganga lang at magluto nalang ng pansit canton pag' nagutom dahil may ibang tao na dito.Kailangan naming mamalengke ng makakain ng maayos.

"Dyan ka lang.Tutok mo sayo electrifican at relax relax kalang muna.Youtube ganon,maliligo lang ulit ako"

Kitang kita ko ulit kung paano siya natigilan.Hindi siya sumagot at Inilagay niya ang braso sa mata at pumikit.Sa totoo lang hindi siya talaga pala salita.Parang may limit lang yong words niya at naubos na ata kanina.Yeah..He spite money so why waste words.

Pumasok na ako sa banyo at agad na naligo.Pinagpawisan ako kanina kahit nakatutok yong electrifan dahil sa sobrang init ng panahon.Buti pa si Ruben kahit maalinsangan fresh at amoy jhonsons padin.

Punong puno ng mumunting isipin yong ulo ko habang kumakaog ng tubig sa tabo.Gusto ko sanang magpa ka emo muna sa buhay ko pero paano ko gagawin iyon kung bantay sarado ang engot.Agad akong nagbanlaw ng maalalang mamalengke pa kami.

"Shit"

Sa sobrang frustrated ko hindi ako nakapagdala ng damit.Nakatapis lang ako ngayon ng tuwalya at napapakagat ng labi habang nag iisip.Dahan dahan kong binuksan yong pintuan at sinilip siya doon.Mukhang tulog naman na siya.Hindi man lang nagbago ang ayos niya mula ng huli ko siyang iniwan doon.

Hinigpitan ko ang hawak sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko at nagbilang ng tatlo bago lumabas.Dahan dahan yong kilos ko at ayaw ko siyang magising.Ang balak ko ay kukuha lang ng damit at babalik ulit sa cr .Malapit na ako sa orocan ng mag ring ang cellphone ko sa lamesa.Pumuno ang ringtone nito sa buong kuwarto.

The Bad Master (SSPG)Where stories live. Discover now