Chapter 6

2.4K 17 0
                                    

Inabot sa akin ni Ruben ang isang puting envelope na punong puno ng pera.Dahan dahan kong kinuha iyon.

Tatlong linggo.Halos tatlong linggo narin kaming naghahanap at awa ng diyos sinuportahan niya rin ang gusto ko.Ngalang mas mahirap ito gaya ng inaasahan ko.Para kaming nagbubungkal ng ginto sa ekta ektaryang lupa.Halos nalibot at napuntahan na namin ang ibat ibang lead,maghapon sa gitna ng kalsada,at gumamit ng ibat ibang tao.Hindi parin sapat ang koneksyon ni Ruben para makausap ang gaya ni Lucifer.

Hanggang sa sumubok na kami sa black market at sa mga underground negotiations pero wala paring nangyari.Sobrang nahihiya na ako sa kanya kasi maging siya halatang pagod na pagod narin sa ginagawa namin at malaking oras ang ginugugol niya para sa akin.Madalas sa labas na kami kumakain at pag uwi diretso tulog na.

Lagi kong pinagdarasal.Hindi pa ako pagod at wala pa akong balak mapagod.Lagi akong pinapaalalahanan ni Ruben pero wala akong balak sumuko.

Nagpasalin salin ang balita ng paghahanap namin ng isang Lucifer hanggang isang lalaki ang komuntak sa amin.May alam daw siyang madaling paraan na nangangailangan ng malaking bayad.

Dugo't pawis ang pinaghirapan ko para mapapayag si Kuya,babayaran namin ang lalaki at bukod doon,kailangan ko ng show money para mapasali sa mga babaeng magiging pagpipilian para maging bed woman ng lalaki sa bakasyon nito.

Iyon lang ang pinakamadali at tanging paraan.Halos magwala si Ruben nong' una pero dahil sa pagmamakaawa ko ay napapayag ko
din siya.Kinailangan niya ring magloan ng kalahating milyon para ipandagdag sa bayad.

Nahihiya akong tumingin sa kanya,sobra sobra at labis labis na ang effort niya para sa akin kahit na deep inside alam kong hindi siya sang ayon sa lahat ng ito.

"Babawi ako kuya.Salamat!Salamat talaga!"

Pagod at tulalang umupo ito sa harap ko at isang nag aalalang tingin ang ibinigay sa akin.

"I don't really approve all of this ..Dhalia"

Halata sa hitsura niya at sa boses.Hindi ko siya masisi.Hindi ko alam kung anong aabutan ko doon.Pero desidido na ako.Matagal kong pinangarap ang pagkakataong ito at wala na akong balak umatras.Matagal ko na siyang gustong makita.

"Magtiwala ka sa akin.Hindi ko sasayangin ang pagkakataon.Pag' nakausap ko siya magiging okay na ang lahat"

Napangisi siya ng sarkastiko.

"A bed woman Dhalia,no normal guy would do that..Matagal ng nawala ang Lucifer na kinikilala mo"

Pag uusapan na naman ba namin iyon?Naiintindihan ko siya .Nag aalala lang siya para sa akin.

"I want to try.Just a chance to try.We have a deal.Tutuparin ko iyon"

Pinakatitigan niya ako at huminga ng malalim.Hinaplos niya yong buhok ko.

"Bilib ako sayo at sa dedikasyon mo.It's what I'm supporting.Ang sa akin lang,ayaw kong ang batang prinotektahan ko at binantayan sa mga nakalipas na taon ay .."

Napakuyom siya ng kamao.

"I did that for a time like this.I promise him I will be by your side until he come back.If I saw him well,If I saw him normal,and had the same hunger to see you..wala sanang problema"

Muli kaming nagkatitigan na tila ba alam ko na dapat ang ibig sabihin non'.Napalunok ako.

"Hindi niya na tayo kilala"

Sari saring emosyon ang lumukob sa akin at pilit na nilabanan ang mga espekulasyon sa isip.Tumayo ako at lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

Hindi siya nakahuma at halata ang pagkabigla .Hindi ko alam kung bakit tila kakaiba narin siyang mag react ngayon sa harapan ko.Niyakap ko siya at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya.He went rigid.

"D-dhalia"

"Hindi ko sasayangin ang ibinigay mong pagkakataon at lahat ng effort mo para sa akin.Kapag may nangyaring masama ,handa kong kalimutan ang lahat ng ito"

Hindi ako lumayo sa kanya kahit pa bahagya niya akong itinutulak.I felt comfort here and ill stay like this for a while.

Muli siyang napahinga ng malalim at pinilit magsalita.

"Tawagan mo ako agad.Kapag malungkot ,masaya,kinakabahan,natatakot ka ,tawagan mo ako.I'll be there in a blink."

Napangiti ako.As much as I want to see Lucifer I cant loose this man too.Pero alam kong magiging positibo ang resulta.Ramdam ko parin na hindi siya komportable.Humihinga siya ng malalim at napapamura.Hinayaan ko siya hanggang sa nakatulog akong nakakandong at nakayakap sa kanya.

--------

"Ikaw na iyon?"

Napakurap kurap ako bago dahan dahang tumango sa baklang may makapal na make up,halatang retokadang labi na mas makapal sa karaniwan,at isang red scarf na kumikinang na nakapaikot sa leeg nito.

Hinatid ako ni Ruben sa isang luma at mataas na building kung saan namin binayaran ang lalaki at pagkatapos ng transaksyon dito kami dumiretso.Umalis na ang lalaji at ipinagkatiwala na niya na ako sa bakla.

"Muka kang nene.Legal age ka na ba?"

Tumango ako.Hindi ko alam kung anong iisipin ko tungkol sa kanya.Hindi ako mahilig sa first impressions.

Tinaasan niya ako ng kilay at muling sinipat.Hinawakan niya ang buhok ko at tila nandidiring napapag pag ng mga palad.

Iniwasan kong maoofend sa ginagawa niya.

"Ay aber,sa tingin mo paano ka mapipili kung ganere ang hitsura mo?Para kang dalagitang nagtitinda ng barebeque sa palengke"

Napangiwi ako sa sinabi niya.

Maya maya'y maarte itong napapitik ng daliri at naglabas nang mamahaling cellphone sa bulsa.Napairap pa ito sa akin bago nagsalita.Pagkatapos non' wala na akong naintindihan sa mangyayari.

Namalayan ko nalang ang sarili sa loob ng isang salon at maraming ginawa at inayos sa mukha at katawan ko.Isang babae din ang nagshave ng pagkababae ko at hanggang ngayon hindi ko matignan ang bagong hitsura non'.

May nag scrub sa katawan at pedicure manicure sa mga paa at kamay ko at ilang ulit na facial sa oily kong mukha.May gumupit at nagkulay ng buhok ko at ng muli akong humarap sa salamin pagkatapos ng anim na oras ,hindi ko na iyon makilala .

Isang napakaseksing damit ang ipinasuot sa akin ng mga staff at halatang tuwang tuwa ang maarteng bakla na Mama Mia daw ang itawag ng makita ang finish product.

Kumekendeng pa itong naglakad palapit sa amin.

"Sabi ko na nga ba maganda ka.Pag'ikaw ang nakuha siguradong malaki ang komisyon ko"

Napailing iling ako sa tinuran niya at ng muli kong makita ang sarili sa salamin ,muli akong nag alangan.Kanina ko pa pinipigil ang totoong pakiramdam sa lahat ng nangyayari.Somewhere down the line,alam kong may mali.Sa set up, sa baklang kasama ko,at sa paraan kung paano ko siya makikita.Nakipagtitigan ako sa sarili at kinastigo iyon.Nandito na ako kaya wala ng atrasan.

Hinila ako ni Mama Mia palabas ng salon at muli kaming sumakay sa tinted van .Marami siyang paalala na hindi ko na magawang intindihin dahil kinakabahan ako.

"Naiintindihan mo girl?Mas malaki ang buka mas malaki ang datong"

Wala akong nagawa kundi tumango ng matapos na.

Huminto ang van at bumukas ang pinto.

"Galingan mo..Dhalia"


----------------//////-


The Bad Master (SSPG)Where stories live. Discover now