Chapter 5

2.4K 17 0
                                    

Agad kong tinaype ang username at password ni Ruben sa deep web .Napapahinga ako ng malalim sa tuwing mapapalitan yong screen .Nanginginig yong kamay ko sa pagtipa at halo halong pakiramdam.

Napahawak ako sa ulo habang hinihintay na mag load ang mga iyon.Katatapos ko lang mag break down ,sa nerbyos at saya ng marining mula kay Ruben na sa wakas kahit paano may alam na siya kung nasaan ang tatay ko.

Katakot takot na paalala at ilang kondisyones ang pinagkasunduan namin bago niya ibinigay ang access niya sa deep web.Hindi ko alam kung paano nagkaroon si Ruben ng ganitong klaseng connection pero siguro talagang marami pa akong hindi alam sa kanya.

"Calm down"

Napabuntong hininga ako ng malalim.Madaling araw na at parehas kaming hindi na makatulog.Ilang pangamba at pag aalala parin ang nababasa ko sa mukha niya pero mukhang matagal niya narin itong inilihim sa akin.Wala akong pakialam kung ano pang malaman ko.Ang mahalaga ay makita ko siya.

Napatambol ako sa lap habang nakatitig sa bilugang bagay na nagloloading sa screen,hanggang sa unti unti ,bumukas ang isang site at lumitaw doon ang isang picture ng lalaking masyadong pamilyar sa akin.

Napatitig ako doon at naging tuloy tuloy ang pag agos ng luha mula sa mga mata ko.Lucifer in his black intimidating suit.He's not smiling and his eyes is emotionless.It is eerily menacing.Napaka guwapo niya pero tila may kakaiba sa kanya.

Hilam ang luhang nag angat ako ng tingin kay Ruben na nakamaang sa akin at tila nanghihingi ng paliwanag.

"Who would have thought that Lucifer is a rich ass"

Bumalik ang mga mata ko sa picture at napatingin sa mga mamahaling kuwintas at relong suot niya.Sa picture nakatayo siya at may hawak na sigarilyo.Tila nag iisip ng malalim sa harap ng napakalaking building.

"Someone broke him out the prison few months after my release.After that ,no one knew what had happen to him.His pictures just resurface the day after his succession."

Kumunot yong noo at pilit inintindi yong mga pinapaliwanag niya.

"Yeah,he's the younger sibling of Lawrence McKinley and he's among the social elite families in Asia.He's also a member of Kodak.

Nalaglag yong panga ko.Hindi ko lubusang maintindihan ang sinasabi niya pero alam ko kung ano ang Kodak.Walang basta basta nakakapasok sa organisasyong iyon kundi mga alta sosyedad.

Nahalata niya prin ang kalituhan sa mukha ko kaya nagpatuloy siya.

"I don't know what happened to him and I cant fill in their gaps.I've research a lot but I cant find anything.If you have anymore questions,im sorry but I wouldn't be able to answer that.Atleast,you're aware now that he's not the step father you grow up with anymore.

Muling bumalik ang mata ko sa picture at pinakatitigan iyon.Kamukang kamukha niya pero iba na ang aura.Kahit sa screen kapansin pansin ang kalamigan sa mga mata niya.

Napasabunot ako ng buhok at muling umiyak.Nag aalala si Ruben pero hindi siya kumilos para patahanin ako.Kaya ba siya nagdecide na mag stay muna dito?Para bantayan ako?

"Kailangan ko siyang makita.Kailangan ko siyang makausap"

Napasabunot ng buhok si Ruben.

"Dhalia iba na siya"

Napatayo ako mula sa kama at napkuyom ng kamao.

"Iba na?Paanong iba?Dahil ba yumaman na siya?Dahil kapatid pala siya ng mayamang aristokrato sa kung saan.Puwedeng iba na ang antas niya sa buhay pero siya parin si Lucifer na nagpalaki sa akin!"

"Maaring hindi ka na niya kilala!"

Kinuha ni Ruben yong laptop malakas na isinarado iyon na siyang ikinabigla ko.Hindi pa nagsisink in yong sinabi niya sa akin.Kumakabog pa ng malakas yong dibdib ko at hindi ako makasagot.

"Dhalia hindi ka niya hinanap!Lahat ng pagkakataon meron siya para puntahan ka pero hindi niya ginawa!And have you seen that eyes?!He look like he lost his shit!Sandali ko lang siya nakasama pero masasabi kong hindi na siya yong taong nakasama ko sa kulungan.I dont want u to endanger yourself for seeing that new lucifer whoever the fuck he is now!"

"Isaac.."

"Ayoko sanang sabihin ito sayo dahil alam kong ito nalang ang tanging bumubuhay sa iyo ngayon.Pero iba na siya Dhalia.I couldn't tell you the extent,but that man is ..dangerous"

Muling lumukob ang pag aalalang nakita ko sa kabuuan niya kanina at makikita ko iyon sa mga mata niyang nakatitig sa akin.Napakagat nalang ako ng labi dahil sa mga realisasyon.

Walang lakas akong napaupo sa kama at muling umiyak.

"Imposible iyon ..Imposible iyon Ruben.Mahal niya ako.Nangako siya sa akin"

"For him,you're just a passing destiny.And everything in the past will not make sense anymore.."

"Naging anak niya ako!Pinalaki niya ako!Siya ang nag paaral at nagsikap para sa akin!--"

"The same person can hurt you now!"

Lumuhod si Ruben sa harap ko at pinkatitigan ako.Hinawakan niya rin ang dalawang kamay ko.

"Hindi mo ba ako naiintindihan?Maaring may rason siya kung bakit hindi ka niya hinanap.Maaring siya parin iyon.Pero hindi na natin siya basta basta malalapitan ngayon.Wala siyang hinahayaang lumapit sa kanya at napakaimposible para sa atin na makita pa siya.I don't need to explain it further.You know the likes of him.You have an idea what he'd become.

Tinakpan ko yong tenga ko dahil ayaw kong marinig ang ibang sasabihin ni Ruben.Bakit ngayong nakita na namin si Lucifer ay ngayon niya pa sasabihin lahat ng ito.Bakit lumalabas na nagbago na at naging masama ang lalaki.

"Hindi ako naniniwala.Kapag nakita at nakausap niya ako ,siguradong hindi siya makakatiis.."

"Dhalia shit"

"Trust me.Masyado kalang nag iisip.Ang kailangan ko lang ay pagkakataon para makausap siya at siguradong magpapaliwanag siya sa akin--"

"Ohh fuck Dhalia"

Tila sumusukong saad ni Ruben at napasalampak nalang sa harap ko.Tuloy tuloy naman ako sa pag iyak.

"Anong gagawin ko?Para saan pa at sinabi mo sakin ang lahat ng ito.Hayaan ko nalang?"

Nagpahid ako ng luha.Awang awa naman siya sa akin.

"Kita mo naman.Malapit na akong masiraan ng bait.Ni hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa buhay ko.Ang pag asang makikita ko nalamang si Lucifer ang dahilan kaya pinipilit ko parin yong sarili ko kahit ang sakit sakita na.Ruben kailangan ko siyang makita"

"Ayokong masaktan ka.Hindi na siya katulad ng dati.Hindi niya na tayo kilala.

"Wala akong pakialam!Wala akong pakialam !I will cross the bridge when I get there!Gusto ko lang siyang makita.Pakiusap.Pakiusap huwag ka nag kumontra"

Nagtagis yong bagang niya at tumalim ang tingin niya sa akin.Nandoon parin ang pag aalala.Pero determinado ako.Tulungan niya ako o hindi hahanapin ko si Lucifer.Kung kailangan kong libutin ang Pilipinas para makita siya gagawin ko.Wala na akong pakialam.

"Magkikita kayo.Masasaktan ka.Iiyak ka at pagkatapos ano?"

Natigilan ako.Mukhang may alam siya na hindi ko alam.Ganon' na ba talaga kalala ang pinagbago ng lalaki para makalimutan niya ang batang pinalaki niya ng halos labing dalawang taon.Imposible.

Huminga ako ng malalim at pili tinatagan ang boses bago sumagot.

"Kapag nakita ko siya at kaya nga niya akong saktan gaya ng sinasabi mo,lalayo ako at hindi ko na siya kailanman aalalahanin.Magsisikap ako at aayusin yong buhay ko ng ako nalang mag isa"

Tutok na tutok ang magagandang mata ni Ruben sa akin.I saw something flickered.Nagkaroon siya ng pag asa sa sinabi ko.

----------

The Bad Master (SSPG)Where stories live. Discover now