Chapter 11

1.4K 18 0
                                    

Wake up!"

Muli kong narinig yong boses ng amerikana na umaalingawngaw sa buong paligid.Pero wala pa akong balak bumangon.

Maya mayay hinihila na niya ang kumot kaya wala akong nagawa kundi bumalikwas.Tinignan ko yong oras at alas sais palang ng umaga.Hindi ko alam kung anong nangyari pa kagabi.Ang huli kong naalala dumapa ako sa kama pagkatapos magbihis at tsaka nakatulog.

Napahawak ako sa ulo dahil nahihilo pa ako.

"Here ,eat this and prepare"

Wala sa sariling pinagmasdan ko yong pagkaing nasa tray .Hindi na nga pala ako nakakain kagabi dahil sa sobrang pagod.

Agad akong kumilos para kumain ng makitang masama na yong tingin niya sa akin.Normal breakfast.Bake tuna sandwich,bacon and some fuits with milk.Hindi ako nagugutom pero ng dumapo ang pagkain sa bibig ko naging tuloy tuloy na iyon hanggang sa maubos.Nakita kong napabuntong hininga yong amerikana habang pinagmamasdan ako.

"You'll meet at the top deck at eight.He told me that you should wear it"

Isang paper bag ulit ang inilagay niya sa kama.Tumango nalang ako para matapos ang usapan at wala din ako sa mood makipag usap kahit kanino.

Mariin niyang tinitigan ang kabuuan ko bago kumilos para umalis.

"You have to be there at seven thirty.Now,take a bath"

Huling mando niya sa akin saka umalis.Rinig na rinig yong mga takong niyang pumapalo sa sahig habang naglalakad.Nang muling sumara yong pinto doon lang ako tila nakahinga ng mas maayos.

Hindi ko maiwasang maalala yong sinabi niya sa akin kagabi.

You're just an accessory.

Muling lumitaw ang pamilyar na kirot sa puso ko na kagabi ko pa pinipigilan.

Tinapik tapik ko iyon at pinaalalahanan ang sariling magpakatatag.Ginusto ko ito kaya kailangan kong tanggapin hanggat kaya ko.Accessory or comfort woman wala akong pakialam.Malinaw naman kung ano ako dito.I'm like an object.Walang ibang gagawin kundi sumunod dahil isa lang akong empleyadong robot na ginagamit sa kung saan.Hindi naman ako tanga para hindi marealise iyon.Hindi ko alam kung ano klaseng mundo ito at wala akong balak magtagal dito .Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon para makausap siya.Naghihintay sa araw sa pag asang baka bigla niya akong maalala.

Huminga ulit ako ng malalim at tsaka pumasok sa banyo at mabilis na naligo.Hindi parin ako tinatantanan ng isipin.Naalala ko si mama Belle at si Ruben.Siguradong nag aalala na sila sa akin.

Nagtapis ako ng tuwalya at tsaka lumapit sa kama pagkatapos maligo para kunin ang paper bag .Napanganga ako ng mabuksan iyon.

It was a two piece Etro Ischia Paisley printed white bikini.Pinagpag ko ang manipis na tela sa kamay ko at binali baliktad iyon.Sinubukan ko ring itaktak yong paper bag para maghanap ng iba pang damit pero wala na iyong ibang laman.Isang "Deck Party" ang nakasulat sa labas ng paper bag.

Dumagundong yong dibdib ko at muling pinagmasdan yong tela.Ohh Fuck!How could these cover my body?!

Maliit lang ako pero im a busty.Malulusog ang dibdib ko sa kabila ng height ko kaya hindi ko alam kung magkakasya yong kapiranggot na bra doon.Ganoon din ang problema sa puwetan ko.Medyo matambok din kasi iyon.

"Okay calm down..Alangan namang mag pajama ako sa isang outdoor cruise ship party.Tama.Lahat talaga dapat nakabikini."

Ilang bagay pa ang ipinasok ko sa kokote para makumbinse iyon na tama lang yong isusot ko kahit first time kong gagawin.Nagpahid muna ako ng lotion sa buong katawan at tsaka iyon isinuot.

The Bad Master (SSPG)Where stories live. Discover now