Chapter 18

1.4K 16 1
                                    

Sandali siyang natahimik .Hindi ko narin alam kung anong sasabihin.Ang dami daming naglalaro sa isip ko pero hindi ko maisatinig.Akala ko matutulog na siya kaya nagulat ako ng muli siyang magsalita.

"did your parent neglect you?You know teens nowadays,their attitude always trace back on their past experiences"

I cant see any emotions.Again.He had this talent.Ang hirap hirap niyang basahin.I don't know why he is asking it.May ideya ba siya o wala talaga siyang maalala.Tinatanong niya ba ito para lang may mapag usapan?

Napatitig ako sa kisame at isa isang bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari mula ng mawalay siya sa akin.

"I had a fucked up past"

Hindi siya nagsalita at tila naghintay pa ng iba kong sasabihin kaya nagpatuloy ako.

"lumaki akong...kakaiba.Kaya most of the time hindi ko alam kung normal ako.Hindi ko alam kung magandang ala alaala ba yong nangyari sa akin o isang bangungot.

Napangiti ako ng mapait habang binabalikan lahat ng pangyayari sa buhay ko sa nakalipas na taon.

"Ang hirap..alam mo yong napakabata mo pa pero kailangan mong piliting maging matured para maintindihan yong bagay bagay.Lahat ng nangyari sa akin bumabalik parin sa isip ko.Masasaya at masasarap na alaala na nabuo at naging trauma."

Naririnig ko ang hininga niya sa tabi ko at ramdam ko ang curiosity habang nakatingin siya sa akin.

"Kung lubos ko lamang na naiintindihan ang lahat noon siguro hindi tayo nagkaganito.Pero ..akala ko kasi okay iyon..Okay lang lahat."

Nag crack yong boses ko at ilang beses akong lumunok para pigilang umiyak sa tabi niya.Gusto kong magsumbong.Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ako nahirapan ng mawala siya sa tabi ko pero siguradong magbabago na naman yong tingin niya sa akin.Baka magalit siya at bigla nalang akong ipagtabuyan.

"Lumaki akong ang daming tanong at insecurity sa katawan.I grow up resenting myself to many things.Naapektuhan non' yong pag iisip ko at pakikitungo ko sa ibang tao.Minsan pagod na pagod na ako sa mga emosyong nakakulong sa sarili ko kaya madalas pakiramdam ko wala akong kuwenta.Wala akong purpose."

Natawa ako ng bahagya na siyang pinagtaka niya.

"At wala akong magulang na nasa tabi ko para sabihing magiging okay lang lahat.Na mag paalala sa akin na lahat ng pagsubok ay parte lang ng buhay.Na hindi ko na kailangang mag sideline umaga at hapon para makapag aral.Na..na sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin,buo parin ako at normal"

Tumulo na naman yong luha ko.Mabilis ko iyong pinahid pero naging tuloy tuloy iyon.

"May kaisa isahang tao na nasa tabi ko noon ,pero kalaunan hindi na ako itinuring na anak ..kaya ang gulo diba?May mga taong nag alaga sa akin pero medyo malayo parin ang loob ko sa kanila kaya hindi ..hindi ko alam ang pakiramdam na magkaroon ng isang totoong magulang.

Wala parin siyang reaksyon.He is letting me burst my drama.If he knew that he was tangled into all this,I don't know what would be his reaction.Patingin tingin siya sa lumuluha kong mata at hindi alam ang gagawin.

"Minsan naisip ko,kung siguro napunta ako sa normal na pamilya,normal na magulang..siguro hindi naging ganito kahirap yong paglaki ko.Siguro hindi ako nakakulong sa multo ng kahapon at malayang nagagawa yong gusto ko.Siguro mararamdaman kong ayos lang ako kahit na may mga bagay na hindi dapat nangyari dahil napakabata ko pa.

Humarap ako sa kanya.Ngayon parehas na kaming nakatagilid at nakatingin sa bawat isa.Umangat yong kamay ko at Hinaplos ko yong mukha niya at kitang kita ko kung paano siya nanigas at natigilan.Nabalot ng kalituhan yong mukha niya pero hindi niya tinanggal yong kamay ko.

"Pero nakita kita.Lumaban ako at nakita kita.Dahil sa kabila ng lahat ng pinagdaanan kong hirap ay wala akong pinagsisihan.Dahil ikaw iyon.Dahil alam kong hindi mo ako pababayaan.Kaya Lucifer..hindi mo ako puwedeng kalimutan.Kailangan mo akong maalala.

Nakatititig siya ng mariin sa akin.Measured and calculated.Maraming tanong yong isip niya na hindi niya maisatinig.For one awful moment,I can see how confuse he is to everything I'm saying that might connected to him.

Nagpahid ako ulit ng luha.Hanggat' maari sana ayaw kong nakikita niya akong umiiyak pero ano ang gagawin ko kung ganito karupok yong emosyon ko.

"Just like I thought,you must've came from hell to there for you to be here.Someday you can get through all that trauma .But we live to survive despite everything that happened to us.It's either you continue living or you kill yourself"

His voice is monotone again.Gone are the confusion.I never felt this disappointed.If he only knew that he's actually the one I'm talking about.

"At least you now know that this isn't just simply rebelling.Reasons dug deep within my skin.I'm living with that reasons now.You are my reason Lucifer.I'm keeping myself alive with you in mind"

"You really know me?"

Malungkot akong tumango.

Sandali siyang natigilan at tila nag isip at maya maya'y napailing.

"Maybe ..the universe let us meet again for a purpose.And that is for you to help me here Dahlia.You will be by my side until we leave here.After that,you don't need to suffer anymore because I'll pay you more than enough to live a life time.

Parang pinunit at nagkanda pira piraso yong puso ko sa sinabi niya.Hindi ako nakapagsalita.Nakaramdam ako ng takot at pangamba dahil bagaman kamukhang kamukha niya yong taong hinahanap ko ngayon aminado akong hindi na siya iyon.

Muli kaming nagkatitigan mata sa mata at tila inaarok ang bawat isa.

Maybe he's thinking how he'll use me for his transactions.Minsan ko lang nakita ang kalituhan sa mga mata niya pero mabilis din iyong nawawala.Compassion is lacking in all aspect.

Hindi ko inaasahan na ganitong klaseng Lucifer ang makakatagpo ko.Napakalayo sa mga imahinasyon na binuo ko tuwing madaling araw.Akala ko pag' nagkita kami magiging okay na ang lahat at babalik na kami sa dati.Pero ako nalang pala ang umaasa sa mga ganon.

Depression got already the best of me.Subconsciously siguro matagal ko naring naihanda yong sarili ko sa ganito.Na masakit.Na maaring hindi na bumalik sa dati ang lahat.Na baka saktan niya ako .Na baka pagsisihan niya ang lahat kapag isang araw bigla siyang makaalala at hanapin niya ako.

Nakakatakot mang aminin pero sa nakikita kong expresyon niya at reaksyon sa bawat salitang sinasabi ko,alam kong ayaw niya ng makaalala.

And it's a choice.

Pakiramdam ko ang lapit lapit ko sa kanya pero napakahirap niya ng abutin.

I have a fiancé and when she's around act normal.

You are not allowed to fall in love with me.

I don't know who you are!

Parang patalim na bumabaon sa dibdib ko ang bawat katagang naririnig ko sa utak ko.Malamlam ang mata kong muling napatingin sa kanya .

Kailangan niya akong maalala.

Pero kung hindi na....

Mapait akong napangiti.




------

The Bad Master (SSPG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora