Teaser

2.3K 34 16
                                    

Dear Lucifer,

Alam kong nalulungkot ka pa ngayon,alam kong umiiyak ka at baka nga galit ka sa akin dahil hindi ko nasabi sayo ang totoo.Magiging okay ako sa taas.Hindi ko man kayo kasama,pinapangako kong lagi ko kayong babantayan ni Dahlia ...kapag dumating yong oras.

Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng kabutihan at pagmamahal na ibinigay mo sa aming mag ina.Wala kang katulad Lucifer,at hinding hindi ako magsisi na minahal at sumama kami sayo.

Alam kong habang binabasa mo ito,malamang na wala na ako.Meron lamang akong hiling....puwede bang hanapin mo si Dahlia paglaki niya.

May nakausap na akong mag asawa na magpapalaki sa kanya.Kukunin nila ang bata pagkatapos ng libing ko.Makipagkita ka sa kanila at ibigay mo si Dahlia.

Alam kong hindi mo lubusang maiintindihan kung bakit kailangan mo itong gawin.

Gusto kong makalimutan ka niya Lucifer.Gusto kong mawala sa isip niya na minsa'y naging ama ka niya.Gusto kong pagdating ng araw magkita kayo ulit sa ibang sitwasyon.

Bata ka pa at menor de edad katulad ko.Alam kong hindi sila papayag na mapunta sayo ang bata.Pero mangako ka sa aking pag'dumating yong oras hahanapin mo siya.

Kung meron man akong gustong mag alaga sa anak ko,ikaw iyon.Makakapaghintay ka ba sa kaniya?Maari bang paglaki niya ..ikaw nalang.Posible bang magkagusto ka sa kaniya at siya nalang ang ibigin mo.

Alam kong napakiharap.Pero balang araw maiintindihan mo ang desisyon ko.Sana ..sana gawin mo ang lahat para gawin iyon.Magiging kampante ako kapag ikaw ang napangasawa ng anak ko.

Mahal na mahal kita Lucifer.Sa kunting panahon na nakasama kita,alam kong masuwerte kung sino mang babae ang mamahalin mo.

Alam kong hindi madali ,magiging mahirap at malayo pa ang lalakbayin niyo,pero mangako ka.Hanapin mo si Dahlia at pakasalan mo siya para sa akin.

Nagmamahal,
Diana..

Pinunit punit ko yong papel at marahas na initsa iyon sa ere.Masakit pa yong dibdib ko sa pagkawala ng babaeng tanging dahilan ko kung bakit ako nagsisikap.Ngayon ko lang nagawang basahin yong sulat dalawang araw pagkatapos ng libing niya.

Ito ba..ito ba ang epekto ng pagkakasakit ni Diana?Nawala na ata siya sa sarili.Paano ko magagawang pakasalan ang sarili kong anak.Hindi ko kadugo si Dahlia,pero mahal ko siya at itunuring na akin.Napahawak ako sa dibdib dahil sumigid na naman ang kirot doon.Hindi ko parin lubusang matanggap na hindi ko na siya makakasama.Napahilamos ako sa mukha ng ilang luha ang tumulo doon.

Natigilan lang ako ng isang maliit na kamay ang humaplos sa ulo ko.Nag angat ako ng tingin sa kanya.Napaca cute na nilalang.Kulot na kulot ang buhok nito na may bilugang mga mata.Namumula din ang matatambok nitong pisngi at may suot na bistida.Nakatitig sa akin ang bilog at itim niyang mata na tila nagtataka.

"Timpla mo ko gatas"

Inabot nito sa akin ang botelya na wala ng laman.Napailing iling ako.Mag tatatlong taon palang ito pero matatas ng magsalita.

"Gutom ka na naman?Katitimpla ko lang ah"

Sinimangutan niya ako.Napangiti ako sa hitsura niya at pinisil ko ang matambok niyang pisngi.

"Sabi ng mama mo pakasalan daw kita paglaki mo"

Napakurap kurap ang mata nito sa akin.

Napailing iling ako.Siguro nga nababaliw narin ako.Mas lalo itong sumimangot at mas natawa ako sa hitsura niya.Hinawakan at ginulo ko yong buhok niya.

"Hintayin mo ako dyan,upo ka lang sa isang tabi.Pag malikot ka di kita pagtitimpla"

Tahimik na umupo ito sa bangko at ngumiti sa akin ng pagkatamis tamis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad Master (SSPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon