Chapter 34

1.2K 13 1
                                    

Napapasong nag iwas ako ng tingin ng lumipat yong mata niya sa akin.
Bigla ay tumahip yong dibdib ko.Alam kong dapat hindi ganito yong pakiramdam ko.Iniisip ko kung ano bang oras matatapos ito dahil gusto ko ng umalis.

Hindi ako komportable.Kanina pa nagtitinginan lahat sa akin.Hindi ko alam kung dahil kasama ko si John Greg o dahil sa suot kong kuwintas.Bigla ay tila naging espesyal ako sa paningin nilang lahat.

Malamang na iyon din ang naiisip niya.Kaya siya nakatingin sa direksyon ko ay dahil nasa akin na yong kailangan niya.Iaabot ko nalang iyon mamaya sa kanya at aalis na ako bukas.Wala na akong naiintindihan sa nangyayari.

Malamang na magagalit sa akin si Monasterio kapag nalaman niyang binigay ko kay Lucifer yong kuwintas,pero bahala na.Ang mahalaga lang ay makaalis ako dito.

"You okay?"

Nagulat ako ng maramdaman ang hininga niya sa leeg ko.Sobrang lapit na pala ng mapula niyang labi sa parte kong iyon.

Bahagya akong lumayo.He is grinning.

"O-Okay lang ako"

Muli siyang lumapit at napalunok ako.Kailan pa siya naging ganito ka clingy.

"Nagugutom ka ba?Do you want to request more food?"

Seriously.Paano ako makakakain sa sitwasyon kong ito?Ni hindi ko na nga alam kung saan kakamot.

"Gusto mo kainin nalang kita?"

Sinamaan ko siya ng tingin.Hanggang kailan talaga yong balasubas niyang bibig.Masyadong matabil kailangan ng buhusan ng holy water.

"Tigilan mo nga ako ,wala ako sa mood"

"O ako nalang kainin mo?"

Tang inang lalaki ito.

"Huwag mo akong kausapin"

Hinila niya ako palapit at pumulupot yong kamay niya sa bewang ko.Tinaasan ko siya ng kilay.

"Lika nga dito,sungit sungit naman talaga"

I don't know what to do with this man anymore.Kinindatan niya ako at nakakalokong ngumiti sa akin.

Gusto ko siyang sapakin ng matigil siya pero nang mapansing lahat ng mata nakatingin na sa amin ay bigla gusto ko ulit mahiya.

Mas lumawak yong ngiti niya.Namula naman yong pisngi ako at muling naalala yong sitwasyon ko.

What are other peopler thinking?I notice that some of them are also present in the last party I attended with Lucifer.Ano na lang iisipin nila sa akin?Pero mahalaga pa ba iyon?Pero hindi ko mapigilang mahiya.Shit naman kasi na malagkit.Sana hindi nalang ako sumama.

"Kalma baby,nandito ako sa tabi mo"

"Baby mo mukha mo,huwag ka nga..tumataas balahibo ko sa yo"

I heard him laugh.Very menacing.I know he is doing this to distract my mind from thinking.I appreciate it.Pero nakakabuwiset talaga mga banat niya.

Humaplos yong kamay niya sa bewang ko.

"Tigilan mo yan"

"Ang ano?"

"Isa Monasterio.Kanina ka pa.Ang daming nakatingin oh."

Mas lalo niyang idinikit ang sarili sa akin.Bumaba yong kamay niya papunta sa mga legs ko.

"Isa pa bibigwasan na kita"

"Cute mo talagang mainis"

"Gustong gusto mo naman akong iniinis"

"I wonder how your taste lips..."

Nabura yong ngiti ko .I gave him a death glare.

Tila nahintakutan ang gago at pangiti ngiti ulit na tinanggal ang kamay at lumayo siya ulit sa akin.Ayoko ng tumingin sa mga taong kanina pa nakatingin.Bahala sila.Marami din palang marites sa mga mayayaman.

The Bad Master (SSPG)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن