Chapter 36

1.9K 18 5
                                    

Isang buwan,isang buwan na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang tagpong iyon.Araw araw parang mumunting piraso at tipak ng yelo iyong bumabalik sa ala ala ko.Kung paano ako pilit na hinihila ni John Greg palayo pero napatda lang ako doon.Tahimik na umiiyak habang pinagmamasdan si Lucifer.

Hanggang sa isang lalaki ang dumating at tuluyang nabalot ng takot ang paligid.Maging si Monasterio nabitawan ako at napaatras.The man is scary.Matangkad siya na naka all black suit at malamig na malamig ang mga mata niya.He has the look that can kill someone any moment.

Hindi ako nagpatinag.

Hanggang sa huminto siya sa tabi ni Lucifer. Walang nakapagsalita.Narinig ko sa iba na Lawrence pala ang pangalan niya.

He is fascinating.Ramdam na ramdam ko yong takot ng mga kasama ko kahit ngayon ko lang siya nakita.

"Leave ".Isang salita lang.Napalunok ako sa lalim at dilim ng boses niya.

Inalalayan nito si Lucifer at inakbay sa balikat niya ang kamay ng lalaki.Lucifer look dizzy and disoriented.Tila nahilo ito at nakalimutan kung nasaan .

Napakuyom ako ng kamao.Anong nangyayari sa kanya?

"Everyone leave!"

Nakita ko kung paano naglabasan ang mga ugat ng lalaki sa leeg nong sumigaw.Walang expresyon yong mukha niya pero sapat na yong boses niya para magtakbuhan ang lahat papunta sa pinto at nag uunahang lumabas.

Sino siya?Bakit ganon ang epekto niya sa ibang tao.

Iilan lang kaming naiwan sa loob ng makalabas ang lahat.Ilang guards,yong babae na nangangalang Zeira ,si Monasterio at ilang armadong lalaki sa likod niya ,ako at ang nakakatakot na lalaki sa harap naming lahat.He look so authoritative.

Binalingan niya ako at tumitig sa akin ang napakalamig niyang mata.
Isang nagbababalang tingin ang ibinigay niya sa akin.I never saw anyone so intimidating like this.

"I hope I won't see you again after this"

Napalunok ako.Why is he even mad at me?Hindi niya ako kilala.Why did he sound like it's all my fault.

"It's a request"

Natigilan ako sa pag iisip.

"Sana huwag ka ng magpakita sa kapatid ko dahil ikaw ang papatay sa kanya"

Kapatid?Tinignan ko din siya ng masama.Bakit ngayon parang kasalanan ko pa ang lahat?Mukhang sobra naman na ata ito.

"Wala akong kasalanan sa kapatid mo.Wala kang karapatang diktahan ako dahil hindi mo ako kilala"

Wala parin siyang expresyon.

"Siya ang nanakit.Siya ang may kasalanan sa akin.Siya ang umubos ng pagkatao ko.Kung meron mang dapat magalit dito ,ako iyon."

Nagpipigil na naman ako sa pag iyak.Ngayon pa ba ako mabibigla ?

"Ilang beses na siyang muntik mamatay ng dahil sayo.Hindi ka niya puwedeng maalala.Hindi ka dapat niya nakita"

Doon na tumulo ulit yong luha ko sa sobrang sama ng loob.

"Ngayon kasalanan ko pa?Putang ina!Alam mo ba kung anong ginawa niya sa akin?!Kung anong mga kademonyohan yong mga ginawa niya sa akin?Sinira niya yong buhay ko!"

The man lose his shit the same time I shout.Nawalan ng kulay yong mata niya at ngayo'y nawalan na iyon ng gana.Basta lamang siyang nakatingin sa akin at alam kong nang mga panahon na iyon sarado na yong isip niya.

Mas mahinahon na yong lalaki ng muling sumagot.

"That's why it's better.Umalis ka at huwag ka nang magpakita.Okay na si Lucifer ng wala ka.Ako na ng humihingi ng tawad sa kung anong ginawa niya sayo.Babayaran kita."

The Bad Master (SSPG)Where stories live. Discover now