Chapter 25

1.2K 9 0
                                    

Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog.Hindi mawala sa isip ko yong mga sinabi ng lalaki kanina.Pagkatapos ng party parang naubos yong lakas ko.

Umakyat ako sa deck dala ang isang gitara at wala sa sariling tumugtog habang nag iisip.

'Do you really think he cares for you?'

Ano ba ako para kay Lucifer ngayon?

Bed warmer.Sex buddy.Employee.

Hindi niya ako naalala pero masaya na ako na kahit paano itinuring niya akong ...katanggap tanggap.

Masaya siya kapag katalik ako at gustong gusto niya ako.Pero hanggang kailan kami sa set up na ito?Anong plano niya?

Napailing iling ako at binura lahat ng nasa isip.Nag ooverthink na naman ako ng malala.At sino bang hindi?

I don't have much time .Hindi kami puwedeng manatili na ganito nalang.Na sex nalang .Anong plano niya?

Sa akin at sa sarili niya?

Napahilamos ako sa mukha sa sobrang frustration.Bigla nawala lahat ng saya ko na kahit paano okay na kami ni Lucifer .Kailangan ko ng magpakilala ng maayos .

"Why are you here?"

Napaigtad ako ng nalingunan siya sa likod ko0.Mukhang kailangan ko ng masanay.Hindi ko siya nararamdaman,madalas.

"Tapos na ba ang meeting niyo?"

Tipid siyang ngumiti.Umupo siya sa tabi ko.Nakabukas ang ilan sa butones ng pulo niya at magulo ang ang kanyang buhok.Siguro pagod na siya.Pagkatapos ng party marami pa siyang hinarap na tao dahil naging interesado siya sa ilang business proposals.

Hindi na ako nagulat ng niyakap niya ako mula sa likod at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.Ramdam ko ang hininga niya doon.

"I wanna rest"

Napangiti ako.

"So clingy"

Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Antok ka na ba?"

"Sex muna"

Inirapan ko siya.

"Ang hilig mo na"

"Sayo lang"

Bumilis yong tibok ng puso ko.Paano ko magagawang sirain ang ganitong klaseng Lucifer at ganitong klaseng sitwasyon oras na ipaliwanag ko sa kanya ang lahat.Hindi pa ako handa sa nga pagbabago.Hindi ko pa tanggap kung sakaling mas piliin niyang kalimutan ang lahat pagkatapos niyang malaman ang totoo.

"You can sing?"

Bumaba yong tingin ko sa hawak kong gitara.

"Ito ang nag paaral sa akin ng mawala ka"

Siya naman ang natigilan pero hindi nagsalita.Inamoy amoy niya lang ako sa leeg at tsaka hinalikan.

"Sing for me then"

"Kiss mo muna ako"

Natatawang nag angat siya ng tingin.

"Gusto mo kainin pa kita eh!"

"Lucifer!"

Muli siyang sumubsob sa leeg ko at tumahimik na.Namutla naman yong pisngi ko.Hanggang ngayon hindi parin ako nasanay.Hinalikan niya ako sa pisngi kaya inayos ko yong gitara at nagsimulang tumipa.

Napatikhim tikhim muna ako kasi nahihiya ako.Kinagat niya ako sa balikat.

"Akala ko ba gusto mong kantahan kita?

The Bad Master (SSPG)Where stories live. Discover now