Chapter 35

1.3K 13 0
                                    

Parang nahilo ako sa nasaksihan.People around us gasp and hiss.May ilang taong napatayo mula sa upuan.Lahat sila nagtatakang napatingin sa aming tatlo.Ilang armadong lalaki ang agad na pumunta sa likod ni Monasterio at naglabas ng mga dekalibreng baril at agad na tumutok iyon kay Lucifer.

Pero mas madaming lalaki ang pumalibot sa amin mula sa kampo ni Lucifer at pinalibutan kaming lahat.Nagkatutukan sila ng baril.The air sounds danger.Napuno ng tensyon ang paligid.Walang nakapagsalita sa kahit na sinong bisita pero lahat nagsimulang mangamba.

What's happening?!

No one dares speak.Lahat tahimik na nagtitinginan at nagtataka sa nangyayari.Two of the most powerful mafia's inside the cruise ship is in the verge of killing each other.Alam nilang pag nag kagulo dito pati sila madadamay.Ilang tao ang nagtangkang lumabas pero sumigaw si Monasterio.

"No one dares leave the door"

Nahinto sila at takot na tumingin sa kanya.Pinunasan niya yong dumugo niyang panga at agad na tumayo.Casual na inayos ang nagusot na damit at pinagpag iyon.Nawalan ng emosyon ang asul na asul niyang mata at isang nakakatakot na ngisi ang ipinukol kay Lucifer.

"I just confirmed something"

Lucifer stared back at the same wrath.Nakakuyom parin ang kamao niyang may bahid ng dugo.

"Guess you just ruined your own engagement party"

He said sarcastically while grinning.Nandon parin ang nakakatakot at walang emosyong mga mata niya.Like he can order a mass murder anytime.

"We will leave quitely."Bumaling siya sa akin at napaatras ako.Kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga at pinipilit icomprehend ang mga nangyayari.

Nilapitan ako ni Monasterio at hiniwakan ang kamay ko para ialis doon.Lahat ng tao nanonood parin sa amin.

Nong akmang hihilain niya ako,hinawakan din ni  Lucifer yong isang braso  ko ng mahigpit.

Kinakabahang nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila.

Muling ngumisi si John Greg.Pero ngayon wala ng kabuhay buhay yong mata niya.Wala ganang ibinaling niya ang tingin sa lalaki.

"You need the blood diamond?"

Lucifer has a colder aura.Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

"I need her"

Lahat kami natigilan sa sinabi niya.

Mas hinigit niya ako .Nabura ang ngisi ni Monasterio.

When I thought it wont get even worse,his fiancé scream at us.

"What do you think you're doing Lucifer?!Get the diamond and leave that stupid woman be!"

Natanggal ang kakalmahan nito at ngayoy nagpupuyos ng galit.Nawalan ng poise at ngayo'y hiyang hiya sa mga tao.Just like I thought.Sa kabila ng mala anghel niyang mukha  may nagtatagong dragon na masama ang ugali.

Bahagyang natigilan si Lucifer pero hindi niya ako binitawan.Tila nawalan siya ng pakialam sa paligid at sa babae sa harap niya.Pilit ko ring inagaw yong kamay ko pero nanakit nalang iyon dahil mas hinigpitan niya ang pagkakahawak doon.Binalingan nito si Monasterio.

"You can leave alone"

I never saw Monasterio this serious.

"Fuck you"

Muling sumigaw yong babae.

"You are ruining everything!You already got what you want.Damn Lucifer ,stop this exhibition!"

"Kung ayaw mong may mamatay dito,bitawan mo siya"

Ilang tao ang nagtilian at sama samang yumuko.

Nanindig yong balahibo sa sinabi ni John Greg.Gusto ko nang umalis dito.Ayokong may mangyari sa ibang tao dito dahil sa akin.Wy are they like this?Bakit kailangan nila akong idamay.

Tinignan ko si Lucifer na ngayoy madilim na madilim ang mata.Nag igting ang mga panga niya at nagsisimula ng matakot ang lahat sa kanya.

"Bitawan mo na ako ,ano bang problema mo?"

Lumambot ng bahagya yong expresyon niya ng mapatingin sa akin.Lahat ng tao nagtataka na sa kung ano talaga ang nangyayari.

"Who ....are you?...

Mahinang tanong niya na halos hindi ko na marinig.

Ilang luha ang pumatak sa mata ko at gusto kong tumawa.

"Why are you torturing my ...head?"

Ngayon pa ba ako magkakaroon ng pakialam.Lumukob sa akin ang matinding galit at nagawa kong hilain yong kamay ko mula kay Monasterio at sinampal ko siya ng malakas.Lahat nabigla sa ginawa ko.

Tinanggal ko yong blood diamond na kuwintas at inihagis iyon sa kanya.

"Wala na tayong dapat pag usapan pa,pakiusap huwag mo na akong pahirapan.Bitawan mo na ako!"

Hinila ko yong kamay ko pero hindi niya parin ako binitawan.

Nalukob yong puso ko ng frustration.Nagsasama sama na lahat ng galit ,poot ,sama ng loob sa puso ko.Awang awa na ako sa sarili ko.

"Putang ina naman Lucifer!Wala ba akong karapatang mamili naman?! Pakawalan mo na ako.Ang dami mo ng kinuha sa akin!Tama na .Ang sakit sakit na!"

Naging malikot yong mata niya at muli napuno na naman ng kalituhan.Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan niya at wala akong pakialam.

"Ang kapal ng kapal ng mukha mong tanungin kung sino ako pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko ng dahil sayo!Hirap na hirap akong bumangon tas ngayon binasag mo na naman ako!Masaya ka na diba?Okay ka na diba?!Bitawan mo na ako!"

Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa loob ng hall.Malakas na tumatahip yong dibdib ko.Napakabigat sa pakiramdam.Pinipigilan kong umiyak pero nanunuot ang sakit sa bawat kalamnan ko.Kitang kita ko kung paano napailing iling yong babae sa dissapointment habang pinagmamasdan kami.

"Huwag mo ng alamin kung sino ako kung ayaw mong masira lahat ng pinaniwalaan mo.Dumating ako dito,hinanap kita,pero wala akong napala.Ito na lang .Pakiusap Lucifer.Huwag mo ng kunin ang natitirang katinuan na natira sa akin."

Alam kong gusto niya akong aluin.Nabura yong nakakatakot niyang expresyon.Para siyang nanghina.

"I-s it yours?"

May hinugot siyang kuwintas sa bulsa niya.The tiffany ang co necklace that he gave to me when I was a child.Ang kuwintas na may pendant na singsing na may pangalan ko at pangalan niya.Iniwan ko iyon sa lamesa niya bago ako umalis.

"Why..do you have this?"

His voice sounds determined.Inaarok niya ako ng tingin pero wala siyang makukuhang sagot mula sa akin.

Napasabunot sa ulo si Lucifer na ikinatigil naming lahat.Nag aalalang lumapit yong babae sa kanya pero tinabig niya ito.

"Lucifer your medicine.."naiiyak at nagtatakang sabi nito.

Humarap siya sa akin,at may ilang luha na sa mata niya.Hindi ko alam kung maaawa ako o ano.

"I -I tried to find you.I did everything.But everytime ..I just forget.."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayong nakikita siyang umiiyak sa harap ko.Nagsimula siyang manginig.

"I tried.I-Ilang beses akong muntik mamatay pero pinilit ko..hinanap kita"

Napakuyom ako ng kamao.

"And then I forgot all about you again.I will find myself waking in the hospital and I cannot remember anything.I stayed there for years.Alone....."

Napaluhod siya sa harap ko habang umiiyak.Yumugugyog yong mg balikat niya at hinawakan niya ng mahigpit yong kuwintas sa kamay niya.

"Ilang beses nila akong inooperahan sa ulo.L-lagi kong pinipilit na maalaa ka.The cancer doesn't leave my brain alone.Sumasakit yong ulo ko kapag pinipilit ko...

Tuloy tuloy na tumulo yong luha ko sa mata sa mga sinasabi niya sa akin.

Lucifer..

"And I know that whatever I do ,I can no longer remember anything from you"

"Lets go Dhalia.."

Hinila ako ni Monasterio para umalis doon pero muli siyang nagsalita.

"Im such a fool to not realise it sooner.Im sorry .Im so so sorry Dhalia"

The Bad Master (SSPG)Where stories live. Discover now