Chapter 4

2.6K 15 1
                                    

Muli kong natagpuan ang sarili na kumakain kaharap si Kuya Ruben.Nag sigang lang kami ng bangus kanina dahil iyon ang available sa palengke at siya na ang nagluto.Sitting pretty naman ako habang pinapanood siyang magsaing ,magluto at maghugas ng plato.

Not so bad.Okay din palang may kasama.Akalain mo ,ginawa kong katulong ang isang magaling na abogado.

Dumating ang gabi at nakita ko siyang nangangalkal ng damit sa bag niya at agad na pumasok sa banyo.Binigyan ko siya ng spare na tuwalya at ineready ko ang sofa at mga blangket niya sa pagtulog.Lunes bukas at siguradong papasok siya para magtrabaho.

Nag li live in nga kami ni Ruben pero wala namang malisya .Kapatid lang ang tingin non'sakin at nakakahiya nga sa magiging girlfriend niya pag' nalaman nilang magkasama kami.Sobrang protective kasi hindi nalang ako hayaan.Nagpaalam na siya kay mama Belle na babanyatan niya ako kaya wala na akong magagawa.

Inayos ko narin ang kama ko at nagpalit ng damit.Humiga ako doon at tumingin sa puting kisame at tumunganga.Muling nagtanong doon kung ano nang plano ko sa buhay.

Narinig kong nagbukas sara ang pinto at naamoy ko agad ang pinaghalong palmolive na pink at bioderm na green.Lumabas ang naka pajama at puting t shirt ulit na si Ruben na nagpupunas ng towel sa ulo.Napatitig ako sa kanya.Natigilan siya ng makitang nakatingin ako sa kanya.

Umupo siya sa sofa pagkatapos isampay ang tuwalyang ginamit niya.

"What?"

"Ang bango mo"

Nginitian niya ako pero hindi nagsalita.Maya maya'y inilabas niya na yong laptop niya at hinintay na mag switch iyon.

Bumalik ako sa pagkakahiga at gayon nalang ang gulat ko ng umupo siya sa gilid ng kama kung nasaan ako.

"Oh teka,doon ang higaan mo"

"Lipat lang ako maya.Dito muna ako."
Simpleng sagot niya

"Huwag na ang sikip kaya..anlaki mong tao.Tsaka di' mo nakikita..nag eemote ako"

"Sabi mo mabango ako"

Huminga ako ng malalim at hindi na nakipagtalo.Mabango nga naman talaga siya.Aamoy amuyin ko nalang siya hanggang makatulog ako.

"Lipat ka nalang mamaya.Matutulog na ako"

Nginitian niya lang ako at nagsimula mg tumipa tipa sa keyboard at nagsimula ng magtrabaho.

Pumikit na ako.Nandoon na naman yong pakiramdam.Patang pata ako na tila pagod na pagod kahit wala naman akong ginawa talaga kundi makipag bangayan kay Rose.

Huminga ako ng malalim.Naamoy ko ang mabangong lalaki sa harap ko pero wala sa kanya ang atensyon ko.Naiinis ako dahil nagsisimula na naman akong maging emosyonal out of the blue sa di' malamang dahilan.

Huli na ng marealize kong namumula mula na yong mata ko at nagsimulang tumulo ang luha mula doon.Pasimple kong itinago iyon mula kay Ruben at ayaw kong mag aalala naman siya sakin.

Natawa ako sa isip.Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.Iniisip ko nalang na phasing lang din ito at matatapos din,gaya ng bata ako.Matatapos din ito at babalik ako ulit sa dati kong sarili.

"You okay?"

Hindi ko namalayang kanina pa pala siya nakatitig sa akin at ilang minuto na akong tulala.

"Iniisip mo na naman ba siya?"

Nag iwas ako ng eyeballs.Kilalang kilala niya talaga ako.Hindi naman kaila na isa iyon sa pinaka matinding dahilan kung bakit nagkakaganito ako.

"Kailangan ko siyang makita bago ako masiraan ng bait"
Pabirong sabi ko na pilit pinapasigla ang boses.Ayokong masira yong mood.

Nagseryoso siya at saglit na natulala.

"Dhalia.."

"Uhmm"

"Huwag kang masiraan ng loob,malapit na kayong magkita"

Ngumiti ako ng hindi umaabot sa mata.

"Ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan.I wonder hanggang kailan ako maghihintay."

Napayuko siya..

"I wonder hanggang kailan mo siya hahanapin."

"Kaya ka ba nagkakaganyan?H-hindi ka na ba makapag antay sa pangako ko..."ramdam ko ang lumgkot sa boses ni Ruben at dumagdag iyon sa nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim at malakas na napalunok para itago ang bikig sa lalamunan.

"Hindi naman sa ganon.Phasing lang din siguro ito at gaya ng dati malalagpasan ko ulit.May tiwala ako sayo..alam kong tutuparin mo ang pangako mo sa akin at kahit kailan hindi mo ako pinabayaan"

Tuluyang humarap sa akin si Ruben.Hinaplos niya yong buhok ko at hindi ako nagreact.Sa tagal naming magkasama sanay na sanay na ako sa gesture na yon'.

"Ang dami ko lang tanong.Lagi akong hindi pinapatulog ng isipin.Nong'sinabi mong nakalaya na siya at nakalabas na pala sa kulungan ,bakit hindi niya tayo hinanap?Saan siya nagpunta?okay lang ba siya?"

Tumulo na yong luha ko kahit anong pigil ko.Lumukob na naman ang pamilyar na pag aalala sa kabuuan ko.

"Halos hindi ko nga mapatawad yong sarili ko ng makulong siya,paano kaya kung may mangyaring masama sa kanya."

Hinaplos niya yong mukha ko at pinahid ang mga bakas ng luha doon.Magaan ang kamay niyang humahaplos sa mukha ko at napakalungkot ng mga mata niya.Malamlam iyon at pumupuno ang emosyon na hindi ko maintindihan.Para siyang nag aaalala na ano.Ayoko yong nakikita ko.Hindi ito pasalita lagi at sa akin lang siya madalas magpakita ng emosyon kaya madalas natatakot ako.

"P-paano pag' nagkita kayo ulit at iba na siya?Okay lang ba sayo?"

Nagtaka ako sa tanong niya.Hindi ko na maarok yong hitsura niya kaya pinilit kong sumagot.

"Naisip ko nadin yan dati.Lahat naman ng tao kahit paano nagbabago.Kahit anong klase pang pagbabago matatanggap ko siya.At siguradong miss na miss niya narin ako"

Napangiti ako ng ilang alaala ang pumasok sa isip ko.Muling nagplay ang malabo niyang hitsura sa aking isip at parang maiiyak na naman ako.Hindi naman nagbago yong mukha ni Ruben at tila mas dumilim iyon.Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi ko alam kung anong dahilan,pero kapag nagtiyaga pa ako at nag antay pa siguradong magkikita na kami ulit at hindi na maghihiwalay.Kilala ko iyon,hindi iyon mapapakali hanggat hindi ako nakikita.Sana lang mangyari iyon bago ako masiraan ng bait.Ayokong magkita kami sa mental."Pabiro ko ulit na sabi para gumaan yong athmostphere.

Tumikom naman ang bibig ni Ruben at kung kanina malungkot siya ngayon naman pag aalangan na ang nakikita ko sa mga mata niya.

"P-paano kapag .."

"Pag?"

Tinignan niya muna ako ng ilang segundo bago napasabunot sa buhok.

"Nothing.Let's sleep"

Naalarma ako at agad na bumangon.

"Isaac"

Nag freeze siya at napakagat ng labi ng magbago ang tawag ko sa kanya.

"May kailangan ba akong malaman?"

Hindi siya sumagot kaya nagsimulang dumagundong yong dibdib ko.Nakikita ko iyon sa mata niya.May ayaw siyang sabihin.May itinatago siya sa akin at hindi ko siya hahayaang tumahimik na naman.Tuluyan akong humarap sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaharap sa akin.Kahit naiilang siya hindi ko iyon binitawan.

"Mahalaga ba iyon?Makakatulong ba sa paghahanap natin sa kanya?Kaya ka ba nandito?"Sunod sunod kong tanong.Uhaw na uhaw ako sa impormasyon.Ilang taon na ang lumipas.Eto' ngat nagrerebelde na yong katawAn ko.Tumulo na yong luha ko at sobrang natataranta na.Pinakatitigan ko siya na tila nagmamakaawa.

"Isaac pakiusap..a-antagal kong nag antay"

"Nakita ko na siya Dhalia.Nakita ko na si Lucifer"

---

The Bad Master (SSPG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang