Chapter 7

2.4K 20 0
                                    

Kumakabog ng malakas yong dibdib ko ng makapasok sa pagkataas taas na building.Dumating ako sa oras gaya ng napag usapan.Nakita ko pang kumaway si Mama Mia sa salaming pader bago muling sumakay sa van.Kumabog ng malakas yong dibdib ko ng marealize na ako nalang mag isa doon.

Pag apak ko sa makinis na makinis na tiles at ng lumibot ang mata ko sa ng interior ng building ay alam kong wala ng atrasan.Alam kong magagalit sila.Siguradong magagalit sila.Si Nanay Belle,Si Uncle Barry,at ang kuya kong paladesisyon.Napangiti ako ng maalala si Ruben.Hindi ko sasayangin ang pagkakataon at lahat ng nagastos niya para sa akin.

Sinalubong ako ng isang blond at magandang americana at ng ipakita ko ang stab ay agad niya akong hinila at iniiwas sa ibang empleyado.

Pagpasok ko sa isang private room,ilang babae pa ang nakita ko doon.Lahat sila napatingin sa amin ng bumukas yong pinto.Mukhang tulad ko ay kinakabahan din sa interview.

Iniwan ako ng amerikana at balintulot akong umupo sa gilid ng sofa na nakabalandra doon.Kanya kanya naman ang ilan.May nag mamake up at nag sasaulo ng lines.May mga naglalakad ng pabalik pabalik.May ilan na mas kinapalan ang lipstick.

Medyo nainsecure ako kasi ang gaganda nila at ang sesexy.Parang lumabas sila sa magasin at Runway.May ilan na iba ang lahi at kulay ng mata.Dapat pala mas senexihan ko pa kahit hindi ako sanay.Nakasuot ako ngayon ng isang blue sleeveless french sexy split Dress.Hapit na hapit iyon sa katawan ko at bahagyang umangat yong dibdib ko.Napabuntong hininga ako sa sikip.

Ilan ay napatingin sa akin at bahagyang umirap.Napangisi ako.Kahit pala sa mga ganitong trabaho matindi parin ang kompetisyon.Makapag review sila akala mo naman gagamitan ng utak ang papasukan.

Tumalima kaming lahat ng muling bumalik ang amerikana na naka overall business suit na black at maayos na maayos ang pagkaka ponytail ng buhok.Nag simula niya kaming i orient.

Marami siyang sinabi.Pero isa lang ang nag retain sa akin."This job is 100% confidential".Of course,its an underground job that will last only a month.Isang mayaman na naman na hindi alam ang gagawin sa pera ang nagloloko.

The VIP is engage with a famous model and actress that makes it more crucial.We have to private it as much as possible.We are given as a gift by his friends to enjoy his bachelorhood before tying himself for the wedding.Doesn't seem right.Pero ano bang alam ng mga katulad nila sa tama at mali.As long as you have money you can do everything.

Napakuyom ako ng kamao.Kung hindi dahil sa matagal ko ng kinikimkim na rason never kong gagawin to.Pero kailangan ko siyang makita.

Ayon sa babae meron kaming 3-5 minutes para sa interview.Kung bibilangin nasa dose kaming lahat.Piling pili na iyon.Depende ang itatagal ng interview sa magiging pananaw sa amin.Dahil huli akong dumating.Huli din ako sa pila.Badtrip.

Natapos ang orientation at agad na tumayo ang isa at confident na confident na naglakad palabas para pumasok sa opisina.Sinundan namin siya ng tingin.I hope I could have that kind of confidence too.Kanina pa pinagpapawisan yong kili kili ko sa sobrang kaba kahit bumubuga ng malamig na hangin yong pagkalaki laking aircon sa magkabilang gilid.

Agad siyang natapos ni hindi man lang natapos ang 5 minutes.Nagtataka ang mga mata namin ng bumalik siya. Dahan dahan siyang naglalakad at halatang shock.Parang bigla siyang nawala sa sarili.

Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa kaniyang upuan.

"He's a god" bulong niya sa katabi niyang babae.Napangiti naman yong amerikanang nag assist sa amin ng marinig iyon.

Nangiwi ako.Ang OA naman.Pero mukhang wala namang nangyari sa kanya.May ngisi sa labi niya na parang maganda naman ang naging takbo ng interview.May pa flip hair pa si ate bago naglakad ulit.Muli namin siyang sinundan ng tingin at walang nagsalita.

The Bad Master (SSPG)Where stories live. Discover now