2

2.3K 116 45
                                    


"Lady Rafaela, alam kong nandiyan ka sa loob. Magmadali ka at pinatawag ka ng duke sa silid nito. Bilisan mo at marami pa itong gagawin..."

Saad ng isang boses sa labas. Tinig palang nito sigurado na akong wala rin itong galang sa akin at mayabang.

Akala ko ba bawal na akong pumasok doon? Sinabi 'yon ng duke last time remember? Galit na galit pa nga ang duke sa mga oras na 'yon pero babawiin rin pala.

Fuck. Hindi nga ako nagkamali sa sinabi kong bwebwesitin agad ako ng mga characters sa mundong ito. At wow ha! Ako pa talaga ang mag-aadjust para sa duke na 'yon? Ano siya diamond? Pambihira!

Ako na nga ang may sakit, ako pa ang pinapadalaw niya. Sino sa amin ang feeling importante ngayon? Kung hindi lang siya duke ng kahariang ito at ama ng katawang ito ay baka nasipa ko na siya gamit ang martial arts at judo technique ko!

Tsar! Halos lahat pala ng klase ng martial arts alam nu'n. Baka ako pa ang sipain niya at gawing bola-bola. Lagot ang beauty ko niyan!

"Thank you, Miss. Susunod ako," I remained calmed.

Talagang gusto kong sigawan ang katulong sa labas pero naisip kong may oras rin para gawin iyan. Hindi dapat ako nagmamadali. Dapat kunin ko muna ang loob nila at kung maghihigante man ako ay dapat patago. Ganoon naman dapat kumilos ang mga bida 'di ba?

"Bilisan mo at pakiayos 'yang mukha mo tuwing lalabas ka nang silid mo dahil nakakairitang pagmasdan."

Tama naman siya. Nakakairita talaga ang mukha ni Lady Rafaela pero ang utos-utosan ako ay hindi pwede. Stupid, no one can ordered me around!

Hindi ako sumunod sa sinabi nitong bibilisan ko bagkos ay tinagalan ko pa at nagmunimuni muna sa loob ng kwarto bago tumayo at naglakad palabas ng pinto. Ngumisi ako. Gusto kong inisin ang duke na iyon. Unang pambawi sa mga hindi mabuting ginawa niya kay Lady Rafaela.

Nagsinghapan agad ang mga tao sa loob ng mansion nang makita ako. Starstruck yarn? Ganda ko ba?

Syempre unang iisipin nila kung ako ba talaga si Lady Rafaela. Syempre ako talaga siya! Gulat kayo 'no? O 'di ba pwet ko lang kayong mga animal kayo! Ay no! Maputi pala pwet ko! Talampakan ko lang pala kayo!

"Namamalikmata ba ako sa nakikita ko ngayon, Maitha? Si Lady Rafaela ba talaga 'yan? Seryoso?"

"Hindi ako makapaniwala sa itsura at bihis niya ngayon. Sobrang ganda niya pala kapag naayusan 'no?"

'Wag kang ma fall sa akin bawal 'yan. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae lalo na sa mga pangit na kagaya mo.

"Ang sexy-sexy ng damit niya. Huhu! Halata mo talaga ang hugis ng katawan niya. Naiinggit ako..."

"Kahit may mga pasa si Lady Rafaela sa katawan niya ay maganda pa rin ito at presentableng tingnan."

"Teka paano nangyari 'yon? Nakakaganda ba ang pagtulog nang halos dalawang buwan?"

"Shut up, Aquaria! Try mo kayang matulog habang buhay! Gusto mo?"

"Eto naman 'di mabiro. Ganda ka ba?"

"Ang ugly duckling noon ay nagmukhang tao na ngayon. Nagkakatotoo rin pala ang himala?"

E kung suntukin ko iyang mukha mo at pinturahan kita ng dilaw para maging ugly duckling ka rin makita mo!

"Totoo ngang gising na siya at sa tingin ko mukhang nagbago na ang binibini..."

"Pansin ko rin 'yon, Lili. Naging mahinhin ang kilos niya at hindi makabasag pinggan..."

Her Arrival Where stories live. Discover now