6

2.1K 118 40
                                    


PRINCE GEORGE'S POV

"Dang it! Hindi ako makapaniwala. Mag-aaral pa ba si Lady Rafaela sa lagay na 'yon?" Humalakhak si Prinsipe Johary.

Parehas lang kami ng reaction lahat. Even me, hindi stable ang utak ko habang nakikinig sa kaniya kanina. I felt pressured and awed at the same time.

"Napakamindblowing at fresh ng idea niya. Sobrang expensive niya rin pakinggan habang nagsasalita. Kinikilabutan ako!" Prince Ejay caress his shoulder like he was really in cold.

"Sa sobrang mangha ko sa kaniya kanina ganito yung reaction ko oh," ngumanga si Prince Ejay ng malaki bago tumawa ng malakas. "Dude! Hindi ko 'yon napaghandaan!"

I felt pressured not because our kingdom is failing but to her, to Lady Rafaela. Pakiramdam ko ang layo-layo niya sa akin. Like she's a queen and I'm just a mere prince who has a failing kingdom.

Yung nilalait lang namin noon...

"At ang galing niya kanina. The way she open her mouthed, talked, and explained, she was very professional. Her gestures and body composition was neat and cleaned. It says perfection."

Sumang-ayon si Prinsipe Johary sa sinabi ni Prinsipe Ejay. Who wouldn't? She's almost perfect and far different from the Lady Rafaela that we knew. Simula noong nagising ito sa nangyaring aksidente ay tuluyan na itong nag-iba at nagbago.

"It's a good thing na ahead tayo ng two years sa kaniya sa klase. Ayaw ko siyang makidebate sa politics. Feeling ko babarahin niya ako."

"Crazy but I agree with you, dude." Tinapik ni Prinsipe Ejay ang balikat ni Prinsipe Johary bago tumawa ng malakas.

Umiling ako sa kakulitan nila. Parang kanina lang ay galit iyan si Prinsipe Johary kay Lady Rafaela pero ngayon ay pakiramdam ko naglaho na. Mabuti naman. We can't deny the fact that Prince Johary started the fight at insulto iyon para kay Lady Rafaela at sa duke.

And it never across in our minds that the lady will answer the insult of Prince Johary with another insult. That's smart. At hindi lang 'yon. Kasabay ng pagbabago ni Lady Rafaela ay siya din pag-iba ng pakikitungo ng duke sa kaniya. Alam kong lahat kami naramdaman iyon. Lalong-lalo na si Lady Errioulizza na halatang threaten sa posisyon niya.

Pagkaalis na pagkaalis ni Lady Rafaela ay nag ingay agad ang dalawa. Habang kami naman ni Prinsipe Diego ay tamang tingin lang sa kanila. Hindi ko alam kung bakit sobrang tahimik ni Prinsipe Diego ngayon. Sa aming apat siya ang parating may nasasabi at napupuna. Siguro ay dahil nakaramdam ito ng hiya nang supalpalin ito ni Lady Rafaela kanina.

Damn that girl she's so unpredictable and not easy to read. Dati naman ay sunod-sunoran iyon sa amin. Palaging bumubuntot kahit saan kami magpunta. Ngayon hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagbabago niya o hindi. Pakiramdam ko tuloy ay ibang tao talaga si Lady Rafaela.

At kanina, nakita ko kung paano niya ipaglaban ang sarili niya. Nang sabihin niyang may idea siya kung paano paunlarin ang ekonomiya namin ay sinabi ko sa isip ko na nagbibiro lang siya. Dahil sino ba naman ang hindi mabibigla? For seventeenth years of existing ni Lady Rafaela sa mundo ay wala itong nagawang mabuti. Sakit sa ulo at kahihiyan para sa pamilyang Francis ang lagi nitong binibigay.

Noong inilahad niya sa akin ang idea niya nang may kumpyansa sa sarili ay doon ako lubos na napahanga. Kakaiba... Talagang nakakagulat na may alam siya sa pamumuno. Even myself who is 3 years older than her don't know how to think a certain idea. Pero siya na napakabata pa at hindi pa nagsisimulang mag-aral ng kursong political science ay mas marunong pa sa akin? Hah! Napakahusay! I admit my defeat and lack of wisdom. Para sa akin si Lady Rafaela ay isang henyo na dapat hangaan at makilala ng maraming tao.

Her Arrival Where stories live. Discover now