8

2K 99 48
                                    


"Good afternoon, Father. What can I do for you?" Miss mo na ba makipagplastikan sa 'kin? Ako rin naman! Likewise!

Payak akong ngumiti sa duke bago umupo sa silyang katapat niya. Ito ang unang pagkikita namin pagkatapos noong nangyari sa loob ng library.

Hindi ko na siya binati ng welcome back. Dagdag kaplastikan iyon 'no!

Ilang araw rin kasing naging okupado ang duke para tulungan ang Mallace Kingdom sa pag-unlad kaya ilang araw rin siyang nawala rito sa mansion. Hindi niya rin naman ako pinatawag sa opisina niya para pag-usapan ang tungkol doon noong hindi pa ito umaalis patungo sa Mallace Kingdom.

"Good afternoon my Rafaela. How are you? How's your bruises?"

Natigilan ako sa tanong na iyon. Wait! Did he just asked how I am? I heard it right, right? Tinanong niya ako kung kumusta na ako! Why bother though? He never done that to Lady Rafaela... not even once...

Hilaw akong ngumisi. "Pardon? What was your question again, Father?" Tanong ko sa kaniya para makasiguro. Baka sakaling mali lang ang rinig ko sa tanong niya 'di ba? Ayaw ko naman maging assuming.

Kumunot ang noo ng duke at nagsimulang tumawa. Ay! Tawang-tawa beh! Bakit, friend tayo?

"I'm asking you how are you, Rafaela. Come here. Stand beside me and let me check your bruises..."

Naku naman! Bakit kailangan niya pang e check? Doctor ba siya?! Lihim akong umirap bago tumayo at naglakad patungo sa gilid niya. Marahan niya namang hinawakan ang mga sugat ko sa braso at pinisil-pisil pa 'yon.

"Was it hurt? How about the other bruises in your body? Was it healed?" Pagtutukoy niya sa pasa ko sa binti. Hindi ko naman maipakita sa kaniya ang pasa ko sa part na iyon. Mahaba ang damit ko remember? Nakakairita nga e!

"I told Doctor Andrei to get the best ointment for this. For scar remover. It will be deliver later."

Kumurap ang mata ko sa sinabi niya. Nagpadeliver siya ng best ointment? Just for me? Really?

Binawi ko ang kamay ko at payak na ngumiti sa duke. "No need to worry, Father. Hindi naman masakit. Hindi katulad noong mga nakaraang araw."

"Alright." He pursed his lips. "That's good news..."

Shut up! Good news mo mukha mo! Kasalanan 'to ng favorite daughter mo e! Tch! Magsama kayong dalawa!

Bumalik na rin naman ako sa upuan ko pagkatapos nu'n. Alangan naman doon na ako tumayo sa gilid niya forever 'di ba? Mukha ba akong guard niya?

"You forgot to answer my first question, Rafaela..." Napatingin ako sa kaniya. Anong tanong ba 'yon? Wala kasing kwenta kapag sa 'yo galing e kaya nakalimutan kong sagutin!

"You forgot to answer me how are you... Did you do well? Did you enjoy strolling outside the mansion? Reading books inside the tree house? Sleeping inside the small house in the middle of our garden, fishing in our lake, and pluck fruits to our plantation?"

"May prutas kang gustong kainin right? I heard from my personal secretary that you like to eat green mangoes... Don't worry... Marami akong butong binili sa Mallace Kingdom. Pinatanim ko na agad sa plantation. Sa 'yo lang lahat 'yon. Hindi natin 'yon ipapalabas sa market."

"Mamahaling fertilizer ang ipinalagay ko doon para mabilis ang pagtubo nito. Nagpahanap na rin ako ng fruit enchanter sa kabilang kaharian. Bibisita ito rito sa mansion natin sa mga susunod na araw..."

Kulang na lang ay ngumanga ako sa harap niya. Like what the fuck?! Alam na alam niya talaga ang mga nangyayari kahit pa wala siya sa paligid! May lahi ba siyang mangkukulam? At hindi ko alam na nag-eexist rin pala sa mundong ito yung mga enchant enchant na 'yan.

Her Arrival Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon