3

2.2K 124 57
                                    


"Hi, Sister Rafaela! What a nice surprise that you're awake now. How are you? Why are you here outside?"

"And what are you wearing?" She head to foot me like she was shocked and disgusted at the same time.

Napakaraming tanong! Halatang curious sa kabobohan ng kapatid niya. Grabeng malas naman ito, oh! Pati ba naman dito sa labas may bwisit na character na sasalubong sa 'yo? At kasama niya pa talaga ang mga animal na mga prinsipe na tinaguriang male leads sa librong ito.

Hindi na nakakatuwa ang mga eksena. They kept coming and coming!

Bago ako sumagot sa katanungan ni Lady Errioulizza ay bumati muna ako sa apat na prinsipe. And yes, they are very handsome and appealing. Siguro kung si Lady Rafaela ako ay baka nahimatay na ako ngayon. Mabuti na lang talaga at nandito ako sa loob ng katawan niya nang sa ganoon ay mabigyang linaw ko ang character niya.

Matamis akong ngumiti kay Lady Errioulizza at mahinhin na hinalikan ang pisnge niya. Our little plastikan game just started now.

"Hai rin sa 'yo, Big Sister Lizza. Uh, I'm wearing the dress I am comfortable with and regarding to my condition, as you can see, okay na ako at lumabas ako dahil gusto kong magpahangin at maglibot muna. You want to join me?"

Nawala ang magandang ngiti sa mukha ni Lady Errioulizza at napalitan ng simangot. Paniguradong nag-iisip na iyan kung paano ako sisiraan sa harap ng mga prinsipe.

"I'm sorry Sister Rafaela but we have to do something kasi sa council. Alam mo na sa school..." she smile cutely. She shouldn't bother to explain you know? Wala naman akong pake.

"Kakausapin namin si dad for advice kaya hindi kita masasamahan sa araw na ito. Maybe some other time when I'm not busy?" Ngumuso si Lady Errioulizza sa akin. Feeling niya naman bagay sa kaniya ang ginagawa niya. Mukha kang pato na hindi pa nahahalikan uy! Tumigil ka!

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Mabuti na lang at mayroon siyang understanding na kapatid! "Okay. Some other time then. That's a deal, Ate Lizza. Sige, una na ako."

Nag bow ako sa harap ng mga prinsipe at kumaway kay Lady Errioulizza bago tumalikod at naglakad palayo. Tinapos ko na agad ang pag-uusap namin ni Lady Errioulizza dahil pagod akong makipagplastikan sa kaniya ngayon. At isa pa, ayaw ko sa klase ng tingin na ibinibigay sa akin ng mga prinsipe. Para akong kakainin ng buhay ng apat na 'yon!

Kahit hindi man sabihin sa akin ng apat na damuho na iyon alam kong naninibago sila sa pakikitungo ko. Heh! Nagmumukha silang tanga kanina habang nakatingin sa akin. Siguro iniisip ng apat na iyon na plastik ako which is true naman. Wala naman akong sinasabing hindi ako plastik! Isa pa, hindi naman sila nagtanong!

Pero kung kaplastikan lang naman ang pag-uusapan, panglima lang nila ako 'no! Syempre hindi ako ganoon ka plastik! Out of 10 rating scale, siguro nasa pang siyam lang ako at nasa ikasampu naman ang kaplastikan nila. Ganoon sila kalala!

Tsar! Lalo na ngayong naibandara ko na ang kagandahan ni Lady Rafaela. Who you kayo sa akin ngayon! Hindi niyo maalis sa akin ang titig niyo 'no? Diyosa kasi ako!

Hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi pa sana ako pinatawag ng duke para mananghalian ay hindi ako kakain ng lunch. Sobra akong nasiyahan sa paglilibot sa labas ng mansion ng duke. Malaki, malawak, at puno ng nagtataasang punong kahoy at mamahaling prutas.

Sarap ngang pumitas, e! Pero baka isipin nilang patay gutom ako at ignorante kaya huwag na lang 'no! Matitiis ko pa ang pagiging ignorante ko sa isang bagay pero ang ugali nila? Syempre matitiis ko rin! Pero kapag napuno ako, yung mga pagmumukha nila ang itatanim ko rito sa malawak na lupain ng duke!

One word to describe the scenery outside the mansion of the duke, paradise. There's a big diamond fountain in front of the duke's mansion. The design and carving was creative and indeed perfect for my eyes. I have a got feel that subtle architects and engineers made that.

Her Arrival Where stories live. Discover now