4

2.2K 109 39
                                    


"What? Did you get my point now or your cute brain can't still process what I said? Nakasalin na 'yon sa ingles ha. Sosyal ka e."

Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ng bruha and that made me smile. What? Galit na siya niyan? Oh come on! Kasalanan ko bang hindi niya agad ma gets ang pinupunto ko? Nakapastupid naman!

"Nag effort pa 'ko kahit sabi mo hindi ako marunong magbasa. Ganoon kita kamahal, Ate Lizza." Tawa ko. Galing ko talaga!

I majored Political Science not for nothing. I graduated Magna Cum Laude not for nothing. Forte ko ang mambara at makipagdebate sa mga stupid human beings na wala naman alam kung hindi ay dumakdak. Just like Lady Errioulizza.

At isang malaking karangalan para sa kin ang makitang nagalit ko si Lady Errioulizza gamit lang ang maliit kong pang-aasar sa kaniya. Paano pa kaya kung insultuhin ko buong pagkatao niya? Baka manginig siya sa kinaroroonan niya at hindi makagalaw.

Pilit na ngumiti sa akin si Lady Errioulizza nang makabawi. Hindi ko alam kung bakit hindi pansin ng mga tao rito ang pagiging peke ni Lady Errioulizza. Nevermind. I shouldn't wondered why. Lahat naman ng mga tao rito ay basura sa paningin ko.

"Of course I understand what you have said, Sister Rafaela. Bravo. You're amazing!" At pumalakpak pa ang bruha. "Hindi ko lubos akalain na may husay ka pala pagdating sa pamumuno. Dati kasi wala kang ginawa kung hindi bigyan ng sakit sa ulo si ama 'di ba? Ang lumandi at ipagkalat ang kabobohan mo sa lahat."

Ngumisi ako. Kulang na lang patayin niya ako gamit ang matulis niyang kuko at death glare niya. Hoy! Baka yung pagiging plastic pa niya ang tuluyang papatay sa akin. Baka sa susunod na araw hindi na ako makahinga dahil sa pollution.

"Thanks for the compliment, Big Sister. But all of those stupidity I've done was part of my past now and don't you think it's a kind of strategy?"

Marketing strategy I mean. Charot!

"Stra... What? What do you mean by that, Sister Rafaela?" Lumiit ang mata niya. Ah! Napakadali namang kunin ng atensyon niya.

Patay malisya akong tumingin sa kaniya bago tumawa. "Big Sister, it's a secret! It's for me to know and for you to find out. Okay?" Kumindat pa ako sa kaniya ng isang beses.

Puro ka talaga kalokohan Jelliane Grace! Ang hirap pa naman tumawa ng malakas sa harapan ng male leads at ng duke baka isipin nilang nababaliw na ako. Gosh!

Umiling ako at hindi na binigyan ng atensyon si Lady Errioulizza pagkatapos. I'm done with her plasticity. Pakiramdam ko na drained yung utak ko sa kaniya.

Napunta ang atensyon ko kay Prinsipe George nang peke itong umubo sa gilid ko. Hindi na ako nagulat na nasa tabi ko siya dahil naramdaman ko ang presensya niya kanina. Madaling maramdaman kapag galing sa mga chakang pabibo e 'no?

Ang naghatid sa akin ng gulat ay ang mukha ng prinsipe na nakatitig sa akin ng seryoso... sobrang lapit pa nito sa akin. Kulang na lang hilingin niyang e kiss ko siya. Ano bang ginagawa ng prinsipeng pabibo na 'to? Hindi niya ba alam ang salitang space and privacy? Tsk!

Walang ginawa ang prinsipe kung hindi ay tumitig sa akin na para bang napakaespesyal kong tao sa mata niya. At dahil maunawain akong tao, sinabayan ko siya sa trip niya. Walang kumurap sa aming dalawa. Tama nga ang nabasa ko sa libro na may magagandang pares ng mata ang prinsipe na maihahambing sa kulay ng dagat.

Dark blue... That was the color of his eyes. Maganda pero kaya kang linlangin ng wala sa oras. Kung hindi ko nabasa sa libro na kaya niyang manipulahin ang isipan ng tao gamit ang mata niya ay baka nahulog na ako sa patibong niya. Gusto niyang kunin ang impormasyon sa utak ko nang hindi ko nalalaman sa paraan ng pagtitig niya sa mata ko? Ngumisi ako sa isip ko. How lame!

Her Arrival Where stories live. Discover now