19

1.7K 92 40
                                    


"Liane! Anong nangyayari sa iyo? Naku! Ang taas ng lagnat mo, anak!"

Nagising ako sa malakas at tarantang boses ni Manang Ceci. Tatawanan ko sana ito sa sinabi pero natigilan ako ng makaramdam ng hilo at sakit ng ulo.

"What's happening, Manang?" Mahinahon na tanong ko rito.

Huminga ng malalim si Manang at tinitigan ako. Nag-aala talaga ito ng sobra sa kalagayan ko. Pangalawang nanay ko na kasi 'yan si Manang Ceci.

"Pumunta ako rito para tanungin kung tuloy ka pa ba sa Baguio o hindi dahil ang tagal mong bumaba tapos nadatnan kitang nakahiga sa kama mo at mataas ang lagnat, Liane. Ano bang nangyari? Dahil siguro iyan sa pagbabasa mo ng libro na 'yan!"

She's not lying! May lagnat nga ako! The heck? I am now in the real world right? Wala na ako sa loob ng libro! So why?

"Diyos kong bata 'to oh. Hindi ka na tuloy sa Baguio niyan? Teka lang at tatawagan ko si Ma'am Everleigh at kukuha na rin ako ng gamot mo..."

Kaagad akong umiling. Hindi pwedeng malaman ni Mommy na may sakit ako. Magagalit iyon. Isa pa, busy iyon sa trabaho.

"Ayos lang ako Manang. Huwag mo ng tawagan si Mommy... Dala lang siguro ito ng pagod at sobrang late sa pagkain." I lied.

Dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na sumakit ang ulo ni Lady Rafaela kaya sumakit rin ang akin 'di ba? Napakastupid naman ng dahilan na 'yan. Manang Ceci don't even know Lady Rafaela.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit nakaramdam rin ng sakit ang katawan ko dito sa totoong mundo? Iniisip ko pa lang ang posibleng sagot para na akong kinikilabutan!

"Anong ayos?!" Lalo pa akong nahilo sa lakas ng boses ni Manang. "Tumahimik ka Liane at nakikita kong hindi ka maayos. Hintayin mo ako at kukuha ako ng gamot at maligamgam na tubig. Huwag kang magalaw diyan sa kama mo."

Nilibot ko ang buong tingin sa paligid. Tama nga ang hinala ko at magigising ako sa tunay na mundo. Nandito na ulit ako sa silid ko! Napunta ang tingin ko sa kamay ko na hawak pa rin ang libro. Ganoon pa rin ang kulay nito... brown at mukhang luma!

Hininto kaya ni ulit Luvishka ang oras sa loob ng libro? I wanna know! Paano kung hindi? Edi nakontrol na 'yon ng masamang espirito!

Pinabayaan ko na lang si Manang Ceci na gawin ang gusto nito. Eksaktong sinirado ni Manang Ceci ang pinto ay may narinig akong nagsalita sa loob ng kwarto ko. It's Luvishka and she's worried!

"I told you Liane. My power has its own limit. Hindi pwedeng matagal manatili ang kaluluwa mo doon dahil ang katawan mo naman rito sa totoong buhay ang manghihina." She's right.

"You can't stay in the book forever Liane. Kaya magmadali ka... baguhin mo na agad ang kapalaran ni Duke Lynille..."

Mistulang nag bell ang pangalan ng duke sa utak ko. Paano ito napasok sa usapan? At anong babaguhin? Akala ko ba ay magbubunyag lang ako ng sekreto rito? Ang taong nasa likod ng pagkamatay ni Lady Rafaela... Si Lady Errioulizza!

And to grant the wishes of Lady Rafaela! That's my goal! Paano napunta ang usapan sa kapalaran kapalaran na 'yan! Wala iyan sa usapan!

"What do you mean, Luvishka? What will happen to the duke if I'm gone?"

Now this conversation is getting serious. Another revelation will occur. I'm curious what will happen to the duke. Mamamatay ba ito? Papatayin ng kalaban? O magpapakamatay? Alin sa tatlong 'yan ang tamang sagot?

Henceforth, I want to see the duke live forever. I wanna read that on the book.

"Nahulaan ni Prince Diego ang magiging kahihinatnan nito tama ba?" Nagulat ako roon. She knows! Of course she knows everything Liane! She's a goddess!

Her Arrival Where stories live. Discover now