17

2.2K 103 56
                                    


"Lira, My Queen, it's been three hours since the case was closed but you're still not talking to me... What is my wife want huh?"

Malambing na sinabi ng Hari habang marahang nakatingin sa kaniyang asawa na si Lira. Ang pinakamamahal niya bukod sa kaniyang anak at kaharian.

Hindi siya pinapansin ng kaniyang reyna kanina pa. Bago sila pumasok sa court room ay bati pa silang mag-asawa pero paglabas nila ay nawalan ng imik ang reyna nito at pinandidilatan siya ng mata. Wari bang may malaki siyang kasalanan rito.

Nakaabot na lang sila sa kwarto pero wala pa rin.

"You know you can't hate a King, Lira..." Pananakot niya rito. "Talk to me, Honey. Why are you so silent? Did I do something wrong? Tell me..."

Natigilan ang Hari nang marinig ang hagulhol ng asawa. Nakatalikod ito sa kaniya ng higa kaya hindi niya makita o mahawakan ang mukha nito. Pinakalma niya ito gamit ang paghaplos sa balikat at paghalik doon.

"Hushed, Lira. What about this time? It is about your hormones again? Did our baby gave you a hard time?"

"It's not about it, Your Highness-" Mahinahon na sagot nito na agad pinutol ng Hari dahil sa tawag nito sa kaniya.

"Shh. Call me by my name. You always forget to do that, Lira."

Hindi nawala sa utak ni Queen Lira ang narinig niya sa bibig ni Lady Rafaela. Hindi ito makapaniwalang may babae pang nabubuhay sa mundo na may ganoon prinsipyo at pag-iisip.

Without us, this world can't be beautiful and colorful as it is.

Tumatak iyon sa utak ng Reyna at ayaw mawala. Bumalik sa alaala niya ang kalupitan ng mundo sa isang babaeng katulad niya. Hindi makatarungan. Namulat ang mata niya na minamaliit ang mga kababaihan at hindi pa suportado sa batas ng kaharian.

Na kahit pa isa rin siyang anak ng Hari noon sa kaharian ng Machuca Kingdom ay hindi pa rin natigil ang discrimination. She's also the first born child pero hindi siya ang naging reyna doon. Mas pinili pa ng kaniyang Ama ang kaniyang nakababatang kapatid na hindi hamak na mas tuso sa kaniya kung mag-isip.

Mabuti na lang at natugonan rin nito ang kaharian ng tama dahil kung hindi ay babalik ito roon at kukunin ang trono sa kapatid.

Isa pa roon ay hindi rin niya nagawang ipaglaban ang karapatan niya bilang isang anak ng Hari. Lalo na noong tuluyan siyang tinaboy ng Ama niya sa kaharian gamit pag-iisang dibdib nito sa isang prinsipe na hindi niya naman gusto o mahal noong una! Na ngayon ay Hari na ng Paleo Kingdom! Lahat iyon kinimkim niya sa pinakailaliman ng puso niya.

Nabaon na lang sa limot ang lahat hanggang sa nasanay na siya at napamahal sa Hari at hanggang sa nagkaanak silang dalawa.

"Rafaela... The Daughter of Duke Lynille Zyrex... What do you think of her, Kyle?" Paunang salita ni Reyna Lira.

Nahinto ang Hari sa pagpapatahan sa asawa niya at agad kumunot ang noo nito. Ang babaeng iyon ba ang nagpaiyak sa Reyna niya? Dapat na rin ba niyang kalabanin ang duke?

"What about her, Lira? I don't like her. Tsk. The girl was brave enough to preached me in front of everyone."

Hindi batid ng Hari kung bakit biglang nabanggit ng kaniyang asawa ang anak ng duke. Naalala niya naman ang inis at galit sa mukha nito noong magkatitigan sila. He can't forget how that girl preached him in front of everyone. That was really annoying for his part. Nagmukha tuloy siyang masama sa harap ng lahat. But her words somehow got him. The girl has a point. He won't deny it.

He admit he is not a good King for everyone. He made failures after failures... but he doing his best! May mga bagay lang talagang hindi nito agad nabibigyan ng aksyon lalo na at okupado ito sa ibang bagay.

Her Arrival Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon