16

1.9K 113 36
                                    


Nakatanaw kami ng mga prinsipe kasama ang duke sa mala ghost town na lungsod ng mga taong tinulungan ko. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa paligid dahil wala talaga itong buhay.

Sira-sirang mga kabahayan pa ang naabutan namin. Nalalanta rin lahat ng mga damo, gulay, at halamang nakatanim. Wala rin akong nakikitang kahit isang hayop man lang na gumagala.

"What do you think really happened to this town? Parang dinaanan ng matinding sakuna at dilubyo..." Komento ni Prince Ejay. Kasalukuyan rin itong nakatingin sa paligid at bakas sa ekspresyon nito ang pag-alala at kuryosidad.

"Nalibot na ba ng mga kawal mo ang lugar, Prince Johary? May napansin raw ba silang kakaiba?" Tanong ko sa prinsipe.

Kumunot ang noo ng prinsipe at nagtataka akong tiningnan bago umiling sa akin.

"Bukod sa natagpuan nilang malalim na pagbungkal ng lupa roon sa masukal nilang kakahuyan at patay na mga damo at halaman ay wala ng napansing kakaiba ang mga kawal, Lady Rafaela..."

"Why? Did you see or feel unusual things, Rafaela?" Tanong ng duke. Nang bumaling ang tingin ko rito ay naabutan ko itong nakatitig sa mga mata ko tila may ipinapahiwatig na mensahe.

"I don't know, Father. I can't still figure it out. But there's really something wrong with this town. I'm sure of it."

Sagot ko na nagpahinto sa mga prinsipe sa paglalakad. Nagkatinginan ang apat at sabay na nagkibit-balikat.

Tsk. Hindi ko alam kung bakit hindi napapansin ng apat na pabibo na iyan ang nangyayari sa bayan na ito. They can't just settled with the word na 'gutom' lang ang naranasan ng bayan na ito. There's something hidden that I want to outlearn.

Kasi kung gutom lang, they can plant vegetables and fruits. Pwede silang mangisda sa ilog at magpalaki ng mga hayop. Kung kaya't hindi ako naniniwalang gutom lang sila. Dahil pati sarili mismo ay napapabayaan na nila.

And as a person who graduated Political Science in prestigious university, I know and I can smell the actions behind that they want to stash.

Lumapit kami sa kabahayan para tingnan at kamustahin ang mga tao roon sa loob. Pagbukas pa lang ng pinto ay nakakadurog na eksena agad ang aming nasilayan. Natagpuan namin ang mga kabataan at may mga edad na nanghihina at halos mga buto at balat na rin sila sa loob ng bahay nila. Umalingasaw pa ang baho dahilan para magtakip ng ilong ang mga prinsipe.

"Shit!" Narinig kong mura ni Prinsipe George.

Marami rin akong nakitang duming nakakalat sa bahay. Nakita kong napapikit ang mga prinsipe at unti-unting umatras bago tinawag ang mga kawal at katulong.

Kung titingnan ang itsura ng mga tao ay alam ko na agad na wala silang ligo. Hindi rin ako sigurado kung nagbibihis pa ba sila dahil sa itsura nilang napakadumi.

Tinulungan ng mga kawal at katulong ang mga tao sa pagtayo dahil kahit ang pagtayo mula sa sahig ay hindi nila kayang gawin at dinala sa labas para doon pakainin.

Inabot kami ng isang oras sa byahe para lang marating namin ang lungsod nila na sikat pala sa tawag noon na A town full of blossom dahil na rin sa ganda at rami ng bulaklak na nakatanim noon rito.

Pero ngayon nalanta ang lahat ng mga bulaklak at nawala ang makulay na sagisag ng bayan nila.

Dinadayo pa nga raw ito ng ibang mga turista galing ibang kaharian. Hindi ko alam kung ito ba ang sinasabi ni Lady Rafaela na isa sa gusto niyang mapuntahan na nakalista sa labin limang kahilingan niya. Pero kung ito nga ang bayan na ito... sisiguraduhin kong babalik ito sa dati nitong ayos. Dahil paano ko iyon matutupad kung hindi 'di ba?

Her Arrival Where stories live. Discover now