5

2.2K 113 28
                                    


"Rafaela, tell me! Bakit ganoon makitungo si Dad sa 'kin ha? I know you did something! Binilog mo ang ulo niya! I'm sure of it!"

Paratang sa akin ni Lady Errioulizza bago siya umatungal sa harapan naming lahat na parang baka. Ano, ihawin ko na ba? Ang ingay, e. Masakit sa tainga.

Tumutulo ang luha galing sa mata niya pero halata namang fake. So ugly. Yikes!

Kaagad naman siyang inaliw ni Prinsipe Diego para tumahan pero parang gripo yata ang luha ng bruha dahil hindi ito maubos-ubos at patuloy lang na umaagos.

Tsar! Rhyme 'yon! Puwede na gawing tula!

Hay naku naman talaga. So O.A, ha! Kasasabi ko lang sa isip ko na nagsasawa na ako sa kaplastikan niya 'di ba? Wala talagang pinipiling oras ang bruha. Palaging pinapasakit ang ulo ko.

"Hala, umiiyak nanaman si Lady Errioulizza. May ginawa na naman sigurong masama si Lady Rafaela..."

"I think so. Bakit ba kasi nagising pa 'yan? Ayan tuloy naghahasik na naman ulit ng lagim!"

Girl, 'yang mukha mo pang shake rattle and roll hindi nga ako nag comment, e.

"Oh my gosh? Ano ba kayo? Tahimik at nandiyan ang mga prinsipe. Wala talaga kayong mga hiya!"

"Hindi e... Napupuno na ako kay Lady Rafaela dahil simula't sapul malaki ang inggit niyan sa Lady natin."

Ay talaga ba beh? K! Kwento mo 'yan, e!

"Yeah right. Uhaw kasi sa atensyon at pagmamahal kaya ganiyan umasta. Daig pa tayong mga commoner."

Lihim akong umirap sa bawat komento nila. Oh gosh, pa victim talaga ang bruhang si Errioulizza. Pagbintangan ba naman akong binilog ko raw ang ulo ng duke? Paano ko naman iyon gagawin aber? Eh sa aming dalawa siya ang mahilig mang-uto. Naku! Talaga namang kakaiba pala siya kung mag-isip! May utak ubo!

Malungkot akong tumingin kay Lady Errioulizza at ngumuso. Gusto kong tumawa sa mga pinaggagawa ko pero wala akong makitang ibang paraan para pantayan ang pagiging drama queen ni Lady Errioulizza kung hindi ay magdrama rin.

An eye for an eye nga 'di ba? Sa katunayan, motto ko na 'yan simula ngayon. Hehe.

Dahil alangan namang awayin ko siya 'di ba? Edi mauuwi sa wala ang mga plano ko. Magmumukha pa akong desperada.

"Ano bang klaseng paratang 'yan, Ate Lizza? Bakit mo naman naisip na binilog ko ang ulo ng papa natin?" Gawain mo ba?

"I just woke up from that deadly accident. Medyo kumikirot pa nga ang ulo ko pati na rin ang mga pasa sa katawan ko e at teka alam naman ng lahat na ikaw ang parating pinapaboran ng duke 'di ba?"

Suminghap ang lahat pagkatapos marinig ang sinabi ko at bumuo ulit ng panibagong mga komento. Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para magpaawa sa mga tao rito sa loob ng mansion.

Doon sila nakuha ni Lady Errioulizza, e. Sa padrama-drama nito sa buhay.

"May katwiran ang sinabi ni Lady Rafaela. Kakagising niya lang mula sa nangyaring aksidente. Hindi naman tamang puro na lang si Lady Rafaela ang mali. Dama natin na nagbabago na ang Binibini..."

"Nadali mo, Marietta. Wala namang ginagawang masama si Lady Rafaela, ah,"

"Ngayon ko lang nalaman na may ganiyan pa lang ugali si Lady Errioulizza. Mapagbintang pala siya sa kapatid niya."

"Tama. Alam naman natin lahat na hindi nauutusan ang duke..."

"At ano naman ngayon kung si Lady Rafaela ang papaboran? Wala naman sigurong masama doon. Tutal si Lady Rafaela naman ang tunay na anak-"

Her Arrival Where stories live. Discover now