☆Develious 2☆

15.9K 567 8
                                    

Krish POV

Lahat kami ay nagulat sa naging desisyon ni uncle. Pero ng tingnan ko naman si ashie ko ay walang makikitang emosyong ang mababakas sa mukha nito. Ang totoo niyan ay idol na idol ko si ashie ^_______^

Mga bata palang kami nagustuhan ko na siya kahit na ang cold cold niya T______T

Teka bakit puro si ashie ko ang sinasabi ko eh POV ko naman to? Hahahaha.. Bago ko makalimutan ang pangalan ko. Ako nga pala si Erich Krishia Mondregal. 16 years old at ang pinaka bata sa Develious Child. Ang Develious Child po ay binubuo ng 5 miyembro at kami rin ang mga top assassins ng Dragon Squad Organization. Sabi nila masyado daw akong maingay at Iyakin. Tanggap ko naman ang bagay na yun kaya okay lang ^_____^

Bukod sa pagka childish ko ay matalino, maganda at maganda ako! Walang kokontra baka paslangin ko kayo! >:)

"Krish mag impake na tayo ng mga damit natin" (Aimee Cruz. The Brain. 4th member of Develious Child) Narinig kong sabi ni bhesty aimee. Excited much xD

"Hahaha! Excited ka naman masyado eh ^_____^v" Biro ko. Nagpout lang siya. Napatawa naman ako bigla.

"Nasan na si ashie ko? Ang bilis naman niyang umalis >3

"Yaan mo na muna yun. Badtrip na naman yun panigurado." (Zapanta Nicole Sandoval. The Trouble Maker. 3rd member of Develious Child) Sabat naman ni Nic mula sa likuran namin. Kasabay niyang maglakad si Cj.

"Lagi naman eh." (Clarize Jane Domingo. The Silent Type. 2nd member of Develious Child) saad ni Cj. Nice! Sumabat din siya kahit papaano. Wohohoho! Party party na to maya *O*

☆☆☆

Ashley Fredrich Hell's POV

Nagmadali na agad akong lumabas ng opisina ni uncle matapos niyang sabihin yung importante daw na sasabihin niya. Anong importante dun? Tsk! Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung pumasok sa eskwelahan. Alam nila yan pero ano naman to? Isa pa nakapag tapos na kaming lahat ng pag aaral. Hindi na namin kailangan pang pumasok ng eskwelahan na yan! Ayokong makisalimuha sa mga maaarte at maiingay na estudyante dun. Tsaka paano naging bakasyon ang pagpasok sa school? Tss. Nakakapang init lang ng ulo.

Mabilis kong tinungo ang kwarto ko at nagpalit ng damit. Isang simpleng t-shirt na black na medyo fit sa katawan ko na pinatneran ng fitted na jeans at nagsuot nalang ako ng combat boots. Kumuha ako ng dagger sa drawer ko at nilagay sa secret pocket ng boots ko. Nagsuot narin ako ng cap at dumaan sa bintana ng kwarto ko. Nakakaboring sa mansion kaya lalabas muna ako saglit. Maingat na nakalanding ako sa lupa mula sa itaas ng bintana ko. Hindi naman siya gaanong kataas kaya madali lang talunin.

Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis na sumakay sa motor kong Kawasaki Ninja H2r. Mabilis ko iyong pinatakbo at nakalabas ng mansion ng hindi namamalayan ng mga tao sa loob. Napangisi nalang ako.

☆☆☆

Huminto ako sa isang bar na hindi naman kalayuan sa mansion. Narinig ko lang na sikat daw bar na ito. Pagmamay-ari daw ito ng isa sa pinakamayaman na tao sa mundo. Isa pa wala naman talaga akong pakialam kung pagmamay-ari ito ng isa sa pinakamayaman na tao sa mundo. Ang gusto ko lang ay ang magrelax ng kaunti dahil na iistress ako sa mansion. Idagdag pa yung pagpasok namin sa eskwelahan -____-

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ay isang maingay na tugtugin na ang kumawala sa bar at ang mga taong nagsasayawan at mga taong naglalasingan. Hindi ko nalang pinansin ang mga iyon at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok. Umupo ako sa pinakadulong stall ng counter.

"What's your order ma'am?" Magalang na sabi nung bartender.

"Bloody Mary." Sabi ko. Tumango naman siya. Maya maya lang ay inabot niya sakin ang inorder ko. Kinuha ko ang baso ko na naglalaman ng alak at pinapaikot ko ito sa baso.

Napansin kong may kanina pa nakatingin sakin. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na intereasado siya sakin. Pero wala akong pakialam sa kanya. Nagpunta ako dito para magrelax hindi para makipaglandian.

Maya-maya lang ay napansin kong tumayo siya sa kinauupuan niya at tumabi sa stall na kinauupuan ko.

"Hi miss. May i know your name?" Sabi nung lalaki. Hindi ko siya pinansin at ininom ang natitirang laman ng baso ko.

"Miss?" Tawag nito. Hindi ko parin siya pinansin. Alam kong napipikon na siya dahil sa itsura ng mukha niya. Kung hindi rin ako nagkakamali pinagtatawanan na siya ng mga kasama niya. Sa pagkairita ko ay tumayo na ako sa pagkakaupo ko dahil baka kung ano pa magawa ko sa istorbong to. Papaalis na sana ako ng bigla niyang hawakan yung braso ko. Tiningnan ko siya ng blanko.

"Ang arte mo rin no? Pakipot ka pa! Mga babae nga naman talaga! Tsk!" Sabi nito. Biglang napantig yung tenga ko kaya bigla ko siyang nasuntok sa mukha. Tumalsik siya sa isang table na nagdudugo ang ilong. Nilapitan siya ng mga kasamahan niya para tulungam siya. Tss!

"F*CK YOU KA! MAGBABAYAD KANG BABAE KA SA GINAWA MO!" Pagbabanta niya. Dahil sa pangyayaring iyon ay tumigil ang tugtog ng bar at lahat ng atensiyon ay nasa amin. Nagkibit balikat lang ako. So ako pa ang may kasalanan?

"Wag niyong pakawalan ang babaeng yan! Mali siya ng kinalaban!" Utos nito sa mga kasamahan niya. Pinalibutan ako ng mga ito. Naramdaman ko nalang ang pag vibrate ng cellphone. Nice! Ngumisi ako ng tulad ng sa demonyo. Nakita kong napaatras yung mga loko. Hanggang sa isang iglap ay namatay lahat ng ilaw ng bar. Lahat ng tao ay nagkagulo.

It's showtime!

☆☆☆

This is for now!

Salamat ng maraming marami sa mga NagVovote at Nagbabasa ng Develious Child!

Masaya po ako dahil naiipagpatuloy ko ng maayos ang story na ito dahil na rin sa support niyo.

Kayo po ang inspiration kong sumulat kaya kung wala kayo baka hindi na ako makapagsulat ng mga story!

ㄟ(≧◇≦)ㄏ

Thank you po sa inyong lahat ^__________^

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now