☆Develious 18☆

10.6K 313 2
                                    

Lexxy's POV


Kakauwi ko lang galing ng school at nagdadalawang isip ako kung uuwi ba ng bahay. Alam kong sa pag uwi ko ay maaabutan ko na naman sila Mama at Papa na nagbabangayan. Alam kong may point si Kuya pero hindi ko pwedeng basta basta nalng iwan sila. KAhit na ganon sila mahal na mahal ko sila. Isa pa hindi naman talga sila ganon. Nagumpisa lang ito ng mamatay si Kuya...


Napatigil ako sa pagiisip na mapansin sa di kalayuan ang babaeng pa ika ikang naglalakad na pinalibutan ng mga mamang malalaki ang katawan. Mabilis akong nagtago sa likod ng poste at pinanood ang nangyayari. Nag dadalawang isip ako kung tutulungan ko ba siya o hindi. Nakaramdam ako ng takot.


Ilang saglit lang ay bigla akong natigilan ng makilala kung sino ang babaeng yun. Si Ash! Nakita kong papalapit na ang mga ito sa kaniya. Mabilis akong humanap ng kung ano mang pwedeng magamit para matulungan ito. Nang makita ko ang isang kahoy ng di naman ganon kahaba ay kinuha ko ito. pikit matang sinugod ko ang mga mama at tsaka nahampas ang isa. Narinig ko pa ang pag inda nito sa sakit. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong sa akin na ang atensyong nila.


Bigla akong napaupo sa takot ng nilapitan ako ng isa. Hinawakan ako nito sa braso tsaka hinatak.


"B-bi-bitawan n-niyo a-ako! P-parang a-awa n-nyo na." pagmamaka awa ko. Ngunit parang bingi ito at binitbit ako. Naramdaman ako ang pangingig ng katawan ko at hindi magawang manlaban. hanggang sa naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa kung saan.


"ARRRRGH!"


"UGGGH!"


"AHHHHH!T-ama n-na!!"


Bigla akong napatingin sa mga ito. Nanlaki ang mata ko ng makitang lahat sila ay tumba na at ang iba ay nawalang na ng malay. Napatingin ako sa direksyon ni Ash na pinipilit ang braso ng isa habang ginagawa niya iyon ay walang mababakas na emosyon dito.


Namangha ako sa nakita ko. Ilang saglit lang ay binitawan niya na yung braso ng lalaki tsaka ito kumaripas ng takbo habang hinahawakan ang nasaktan nitong kamay. Napalingon sa direksyon ko si Ash. Napakunot ang noo nito at paika ikang lumapit sa akin.


"Naghahanap ka ba talaga ng gulo?" Kunot noong tanong nito. Nag pout lang ako. Nakita ko namang napa buntong hininga siya.


"Bakit hindi kapa umuuwi. Gabi na." tanong niya. Napatingin ako sa ibang direksyon.


"Tss. Kung ayaw mong umuwi sa bahay nyo pumunta ka sa kapatid mo." Nang marinig ko siyng sinabi yun ay napatingin ako sa kanya ngunit nakita kogn papaalis na sya. Tumayo ako tsaka hinabol siya.


"T-teka! Sandali lang Ash!" habol kong sabi. Hindi siya lumingon sakin at naglakad lang siya. Nang mahabol ko siya ay saktong huminto kami sa isang bahay. sabihin na nating condo? Pero mukha siyang apartment na ewan?


Nang pumasok siya sa loob ay sumunod na rin ako. Nagulat ako ng makitang napakaganda sa loob. Umupo siya sa isang sofa at tiningnan ako habang nakakunot ang noo.


"What are you doing here?" Tanong nito. Napangiti lang ako.


"Tss, don't look at me that way. It's creeping me out." Naiiling na sabi nito. Nag pout naman ako.


"Umuwi kana mamaya. Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya.


☆☆☆


Ashley Fredrich Hell's POV


Naiinis ako sa mga hinayupak na lumusob sa akin kanina. Akala mo kung sinong mga malalakas. Hindi ko aakalain na mga pipitsugi ang pinapadala sakin ng mga pesteng Gang na yun. Tinuring pa naman na pinakauna sa rank pero mga mahihina ang miyembro. Napapailing na lang ako.


Nabaling ang atensyon ko kay lexxy na nagluluto sa kusina. Feel at home siya. Ayaw ko sanang patuluyin siya dito dahil baka hinahanap na siya ng mga magulang niya kaso iniisip ko na baka may makasalubong siyang siraulo sa labas at mapagkainterasan pa siya. Hindi na rin ako magtataka na baka magkatotoo iyon dahil lapitin ng gulo ang babaeng to.


"Ashie ko!!!!! Miss na kitaaaa~ Waahhh!" Bigla akong napapikit ng marinig ang matinis na boses ni Krish. Bwesit dumagdag na naman ulit ng isip bata.


"Shut up." Nakapikit kong sabi. kahit nakapikit ako alam kong nakapout siya.


"Ash, Luto na yu--Nandito pala kayo." Biglang sabi naman ni Lexxy. Napadilat ako ng mata at tumingin sa kanya.


"Nandito pala si Lexxy! Bat di mo sinabi Ashie ko?" kunyaring nagtatampong sabi ni Krish.


"OA mo Krish. Ikain mo nalang yan." Natatawang turan naman ni Nic. Nagtawan silang lahat except sakin. Walang nakakatawa -__-



Maya maya lang ay nagkayayaan na silang kumain. Nag paalam muna ako sa kanilang mauna dahil may nakalimutan akong kunin sa kwarto ko. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay may napansin akong nakamasid sa loob ng bahay namin mula sa labas. Nang maalarma ito ay mabilis itong nawala.


Shit! Kumikilos na sila. Kailangan ko ng mag ingat.


☆☆☆


Someone's POV


(Boss, Nakita po niya ako. Im sorry.)


"WHAT! ARE YOU REALLY THAT STUPID!? NOW NAKAHALATA NA SIYA NA PINAPASUBAYBAYAN KO SIYA! STUPID!" galit kong sabi sa kabilang linya. sa sobrang inis ay naibato ko pa ang hawak kong telepono.


Mga walang kwenta ang mga tauhan ko. Ngayon ay alam niya ng pinapasundan ko siya. HIndi rin mag tatagal ay makukuha ko na siya. Sisiguraduhin ko na pagkakataong ito tuluyan ko syang makukuha. Hindi ko hahayaang maulit ang pagkakamali ko nung nakaraan.


Maghintay ka lang Hell, mapapasakin ka at ang buhay mo.


☆☆☆


Starting today and tommorrow magsisipag na po akong mag update ^__^ Good News for everyone :D :)

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now