☆Develious 8☆

13.5K 436 5
                                    

Third Person's POV

Sa di malamang kadahilanan ay nagtatakang pinakikiramdaman ni Ash ang buong paligid ng classroom.

Nasan na mga tao dito?

Takang tanong niya sa sarili.

Naalerto si Ash ng may napansin siyang isang dagger na papalapit sa kanya. Pa simple niya itong iniwasan at lumingon siya sa limang lalaking nasa harapan niya.

Nakita niyang sinarado ng mga ito ang pintuan at nakangising lumingon sa kanya.

What's up with them? Naisaisip ni Ash habang nakatayo lang sa kinatatayuan. Samantalang pinalibutan naman siya ng mga lalaki.

Naglabas ng tubo at baseball bat ang mga lalaki. Ang ilan naman ay mga patalim. Sa di kalayuan ay nanonood lang si Cyrus kasana ang nga kaibigan na kasapi ng Guardians. Hindi nila alam ay kanina pa iyon napansin ni Ash. Napangisi nalang si Ash sa nalaman. Hindi niya aakalain na gagawa pa ng ganitong klaseng bagay na wala namang kakwenta-kwenta. Sa tingin ba niya na kaya niyang takutin siya sa ganitong mga bagay. Pwes nagkakamali siya.

"Sumama ka nalang sa amin para hindi kana masaktan pa." Sabi nung isang lalaking may hawak ng patalim. Napailing lang si Ash habang tiningnan ng masama ang mga lalaki.

Shit! Nakakatakot naman tong babaeng to! Kung wala lang sanang kapalit to hindi ko na susundin ang pinapagawa nila!

Sa isip-isip ng lalakinh may hawak ng patalim.

"What if i dont?" Bored na tanong naman ni Ash.

"Dadaanin namin sa dahas ang pagpapasama sa iyo!" Matigas namang sabi nung isang lalaking may hawak ng tubo. Napatawa sa isip si Ash.

"Really? So be it." Pagkasabing iyon ni Ash ay ngumisi pa ito. Napaatras ang mga lalaki sa kaharap. Para itong demonyo kung makatitig sa kanila.

Napansin ni Ash ang takot sa mga mata ng mga lalaki. Lihim na nilingon ni Ash sa labas ng bintana ang Guardians na lihim na nanonood sa munti nilang palabas. Nakita ni Ash na kinuha ni Cyrus ang cellphone nito at may parang may tinawagan. Maya-maya lang ay marinig siyang tumunog na cellphone sa isa sa mga lalaki.

Nakita niya kung paano nanginginig na sinagot ng isang lalaking may hawak na baseball bat ang kanyang cellphone.

"H-hello po boss?" Utal na tanong ng lalaki.

"Y-yes boss? Areglado. S-sige po." Nanginginig na paalam nung lalaki. Kahit hindi naririnig ni Ash ang pinaguusapan ay alam niyang inutusan nitong gawin ang lahat para lamang makuha ako.

Maya-maya lang ay sumugod kay Ash ang isa sa mga lalaking may hawak ng baseball bat. Akmang hahampasin ng lalaki sa ulo si Ash ng hawak nito ng yumuko siya Ash at mabilis na pumunta sa likuran ng lalaki. Sa gulat ng lalaki ay dali-dali itong lumingon sa likuran nito at dahil sa gulat ay hindi nito naiwasan ang pagtuhid sa kanya ni Ash. Napaubo ng dugo ang lalaki kasabay ng pagbagsak nito sa lupa.

Walang emosyong nilingon ni Ash ang mga lalaki. Ang ayaw pa naman ni Ash ay yung iniistorbo siya lalot na wala pa ito sa mood.

Sa gulat ng mga lalaki ay napaatras ang mga ito ng makitang dinampot ni Ash ang baseball bat na hawak ng isa sa kasamaham nila kanina.

Kahit na takot sila ay hinarap nila ang dalaga at sinugod ito ng sabay sabay. Samantalang walang kahirap-hirap na iniiwasan lang ni Ash ang mga paghampas nito sa kanya. Napansin ni Ash ang akmang pagsaksak sa kanya ng isang lalaki. Mabilis niyang sinuntok yung isa sa mga lalaki bago siya tumalon gamit ang balikat na lalaki bago ito mapatumba. Dahil doon ay mali ng nasaksak ang ang may hawak ng patalim at naisaksak ito sa kasamahan niya. Bago siya makalanding sa lupa ay sinabayan niya ng sipa sa mukha ang lalaki dahilan para ito ay tumalsik at mawalan ng malay.

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now