☆Develious 17☆

10.1K 314 1
                                    

Krish POV


"Krish! Gisingin mo na nga si Ash dun sa kwarto niya. Lagi nalang nalalate yun ng gising ah!" Utos sakin ni Nic. Nag pout lang ako dahil isusubo ko na sana yung agahan ko binitin pa.


"Oo na. Ang bad mo talaga sakin." Patampong sabi ko naman. Inirapan lang ako nito. Padabog akong umakyat sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Ashie ko. Huminto ako sa kwarto niya tsaka kumatok ng sunod sunod. Walang sumagot kaya inulit ko ulit ang pagkatok.


"Ashie ko~  Bangon na! Ma lelate ka na!" Sabi ko mula sa labas. Nang walang sumagot ay napakunot ang noo ko. Idinikit ko ang tenga ko sa kwarto niya at wala akong marinig na kahit anong ingay. Bigla akong naramdam ng kaba.Mabilis akong Bumaba at ibinalita iyon kila Nic. Maski ang mga ito ay nagmamadaling tinungo ang kwarto ni Ashie ko. Nakita kong bumwelo si Cj ng sipa tsaka sinipa ang pinto. tumalsik ang pinto at pumasok na kami.


"Wala naman siya dito ah?" Nagtatakang turan ni Aimee.


"Saan naman mag pupunta yun e ang aga aga pa?" tanong naman ni Nic.


"Wala dito yung tuta." Biglang sabi ni Cj. Napatingin kami sa kanya. Umirap lang siya tsaka bumaba na ng hagdan.


"Baka maaga lang siyang uamlis dala yung tuta." suhestyon naman ni Aimee. Napasimagot lang ako. Baka  nga siguro.


☆☆☆


Ashley Fredrich Hell's POV


"Arf!Arf!Arf!"


"Sh*t! Huwag kang makulit. Ang gulo mo naman. Aish!" Aboridong sabi ko habang pinipilit na pakalmahin yung tuta. Maaga kasi kaming lumabas para ilabas siya. Ang alam ko kasi nilalabas ang mga aso kapag umaga.


Bigla itong tumalon mula sa pagkakahawak ko at mabilis na tumakbo paalis. Mabilis ko itong hinabol. Bwesit! pasaway naman na tuta to.


Ilang saglit lang ay nahabol ko ito sa kalsada. Ngunit ng saktong nahawakan ko ito ay may sasakyang paparating sa amin. Mabilis kong kinuha ang tuta at tumalikod para hindi ito masaktan. Naramdaman ko nalang ang pagtama ng hood ng sasakyan sa katawan ko.


"F*ck!" Daing ko ng maramdaman ang paghapdi ng sugat ko. Naramdaman ko ang pagdila ng tuta sa pisngi ko. pinilit kong tumayo ngunit hindi ko magawa. Marami rin ang mga taong pumalibot sakin.


"Sh*t miss!!! Are you oka--YOU!!??" Narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Napatingin ako dito. Bigla akong napairap at inisip na sana ay natuluyan nalang ako namatay kaysa makita ang pagmumukha ng monggoloid na ito.


Nilapitan ako nito tsaka tinulungan na makaupo. Napahawak ako sa balikat ko. Inabot ko sa kanya yung tuta.


"Take care of her. Im going home." Sabi ko tsaka pinilit na tumayo. BIgla siyang tumayo at hinarap rin ako.


"Nababaliw ka naba!! Uuwi ka ng ganyang kundisyon!?" Di makapaniwalang sabi nito. Nilingon ko namn siya habang salubong ang kilay ko.


"It's your fault anyway." sarkastikong sabi ko naman. Hindi ito nagsalita kaya tuluyan ko na siyang iniwan. Paika-ikaw akong naglakad. Marami parin ang nakatingin sakin at ang iba ay nagsasabi kung ayos lang ba ang lagay ko. Hindi ko sila pinapansin at nagdire diretso lang ako.


Pagkapasok ko sa bahay ay nabungaran ko sila Krish na nanlalaki ang mata ng makita ang kalagayan ko.


"SH*T! WHAT HAPPEND TO YOU!?" Nag aalalang tanong ng mga ito. Umupo ako sa Couch at napapikit.


"Nabunggo ako ng monggoloid." Wala sa sariling sinabi ko.


"What?! What do you mean?" tanong ulit nila. Napa buntong hininga nalang ako.


"Wala, Pakuha nalng ng First Aid. Hindi ako papasok." sabi ko nalang. Hindi nalang sila umimik at tsaka umalis para kuhain ang First Aid kit.


I really hate this fucking day!


☆☆☆


Short UD lang din po. Bukas nalang din po ulit yung Next Update ^___^


GOod Night Guys ^^

☆Develious Child☆(COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum