☆Develious 28☆

7.2K 204 1
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV

Nagising nalang ako dahil sa naramdamang gutom. Nang lumabas ako sa tent ko ay napansin ko na gabi na pala. Nang lingunin ko yung tent ni Cyrus ay wala ng ilaw. Isa pa sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Hindi ko alam kung anong nangyari pero binabagabag ako nito.

"Why are you still awake?" Napalingon ako sa taong nagsalita.

"Nothing." Sagot ko naman at umupo sa damuhan. Naramdaman ko ang pagtabi niya sakin.

"Alam mo ba hanggang ngayon nagtataka parin ako sa pagkatao mo." Biglang turan nito. Napatingin naman ako sa kanya.


"Magsabi ka nga ng totoo. Gangster kaba?" Seryosong turan nito.

"Pffffftt..." nagpipigil ako ng tawa. Sa lahat ng sinabi niya dito lang ako natawa.


"Anong nakakatawa?" nagtatakang tanong nito. pinakalma ko ang sarili ko at tumingin sa kalangitan. Kitang-kita ko ang napakadaming bituin.

"Im not a gangster." Sabi ko sa seryosong tono. Alam kong nakatingin siya sakin.

"Hindi ka gangster? Bakit ang lakas mo?" Tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng lalaking to. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mamatay tao ako.

"In this world you have to be strong... to fight, to protect yourself.. and to protect your memories." Sabi ko tsaka biglang tumayo. Naiwan siyang nagulumihan sa sinabi ko.


"Someday you will know the truth." Turan ko sa kanya at ngumiti.


"San ka pupunta?" Biglang tanong nito ng magumpisa na akong maglakad paalis.

"Magpapahangin." Sagot ng hindi humihinto. Naramdaman ko na naman na hindi siya sumunod.


Maya-maya lang ay bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha. Nang tingnan ko yung caller ay napakunot ang noo ko. Number lang kasi ito. Kahit na may pagaalinlangan ako ay sinagot ko parin iyon.


"Who's this?" Malamig na tanong ko. Isang malakas na halakhak ang narinig ko sa kabilang linya. Naikuyok ko ang palad ko.

[Guess what.?]


"Damn you! Who are you!" Galit na turan ko.

[Your so impatient. I just wanted to tell you that your friends is my hostage as of now. If you want them alive surrender yourself.] Seryosong sabi nito. Bigla akong natigilan.


"Where are they! What did you do to them!!" Kung pwede ko lang hugutin ang taong ito sa cellphone ay nagawa ko na.

"Hayop ka! Pag may nangyaring masama sa kanila. Titiyakin kong ako ang papatay sayo!" Pagbabanta ko gamit ang malamig kong tono. Ngunit tumawa lang ito.


[Did you know? Your other friend is in danger?] Sabi nito. Natigilan ako. Bigla kong naalala si Cyrus. Shit!
Mabilis kong pinatay yung tawag at patakbong tinungo yung tent. Ngunit pagdating ko doon ay wala ng Cyrus ang nadatnan ko. Ilang saglit lang ay bigla akong nakaramdaman ng panghihina. Nang kapain ko yung leeg ko ay may nakapa akong sleepi g needle.

"S-shit." Dahil sa panghihina ay unti-unting nawalan ako ng lakas hanggang sa tuluyan akong nawalan ng ulirat.

***

Someone's POV

"Boss nakuha na po namin siya." Sabi ng tauhan ko mula sa likuran. Napangiti naman ako.

"Dalhin niyo siya dito. Ihiwalay mo yung isa at isama mo dun sa mga nahuli niyo kanina." Utos ko dito.

"Yes boss." Maya-maya lang ay nawala na ito sa likuran ko. Nakatingin lang ako sa monitor habang pinagmamasdan ang mga walang malay na kaibigan niya.

"Ano na ngayon ang gagawin mo Hell." Nakangiting turan ko sa sarili.

***

Cyrus Rein Lee's POV

Bigla akong nagising ng may naramdamang sumipa sa paa ko. Nang pinilit kong imulat ang mata ko ay bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo. Anong nangyari? Kanina nakaupo lang ako sa damuhan nun ng may bigla nalang humampas sa ulo ko ng matigas ng bahay  kaya ako nawalan ng malay.

"Hoy! Gising!" Isang tinig ng lalaki ang narinig ko at muling may sumipa sa paa ko. Nang inulat ko ang mata ko ay natigilan ako ng makita yung pinagseselosan kong lalaki. Kung hindi ako nagkakamali Jayden ang pangalan niya. Nang ilibot ko ang paningin ko ay napansin ko na may iba pang kasama. Teka sila yung mga kaibigan ni Ashley.

"N-nasan tayo?" Nanghihinang tanong ko kay Jayden. Nakita kong seryoso ang mukha nito.

"I don't have time to explain. Kung hindi tayo makakawala dito manganganib ang buhay natin." Sabi nito.


"Krish! Wake up! Shit!" Napatingin ako harap ko. Nakita ko yung Krish na may tama ng bala sa tagiliran. Wala itong malay at umaagos ang dugo nito.

"Anong nangyari sa kanya!?" Nagaalalang tanong ko dito.

"Nabaril siya kanina." Tugon naman nnung isang babae na nagngangalang Nic. Napansin ko na nakakatakot ang mga expression ng mukha nila.


"Kapag hindi tayo nagmadali manganganib ang buhay ni Krish." Seryosong turan ni Jayden.

Maya-maya lang ay lahat kami ay natigilan ng may isang malakas na tunog ang nagmula sa loob. Hanggang sa biglang may maliwanag na ilaw ang kumawala sa isang pader. Nanlaki ang mata ko ng makita si Ashley na nakatali sa isang kadena at may isang lalaking nakatayo doon. Bigla niya itong binuhasan ng tubig dahilan para magkamalay ito.


"Shit! They caught her!" Galit na turan ko habang pilit na kumawala sa pagkakagapos sakin. Ngunit hindi ko magawang makatakas.

[Now your awake. Welcome to my realm]  dahil sa speaker ay naririnig namin ang mga sinasabi nito.

[W-where are they!?] Galit na turan ni Ashley. Mababakas sa mukha nito ang galit.

[Hmm... I thought your the type who don't care to others? What happened to the devil i know?]


[Shut up.]

[Naalala mo pa ba nung araw ba walang puso mong pagpapatayin yung mga tauhan ko. I saw a true devil that time.]


[TUMAHIMIK KA!!]


[Hahahaha. Galit kana ba? Wag kang mag-alala mas lalo kang magagalit sakin]

Habang pinaponood namin sila ay biglang may pumasok na mga kalalakihan sa loob at bigla kaming tinutukan ng mga baril. Bigla akong napapikit.

***

Short lang po muna. Hihihi. Pero wag po kayong mag alala may next panaman.

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now