☆Develious 4☆

14.7K 487 3
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV

KRRRIIIIINNNNNGGGGGGG~~

*BOGSH*

(Tunog ng alarm clock na nawasak)

Tss! Ang aga-aga ng bubulabog. Ayoko pa naman ng naiistorbo ako sa pagtulog ko. Ipinikit kong muli yung mga mata ko.

*KNOCK*

*KNOCK*

*KNOCK*

"Ashie ko!! GISING NA!!" Sigaw ni krish habang kinakalabog yung pintuan ko. Nagtalukbong ako ng kumot at tinakpan ng unan yung mukha ko.

"ASHIE K--" Hindi nya naituloy yung sasabihin niya dahil binato ko siya ng pagkalakas sa mukha. Kaya ko siya natamaan sa mukha kasi pumasok siya sa kwarto ko. Tumayo na ako sa kama at pabalang na tinungo yung banyo. Naririnig ko yung pagkatok ni Krish sa pinto.

"Waaaah! Sorry na ashie ko~ Wag kana magalet pleash!!" Pagmamakaawa nito pero hindo ko pinansin. Ginawa ko na ang morning rituals ko.

LIGO

PUNAS

SIPILYO

MUMOG

PUNAS....

Matapos ang mahigit isang oras ay lumabas na ako sa banyo. Hindi ko na nakita si Krish sa kwarto ko. Mabuti naman. Napansin kong may uniporme na nakalagay sa kama ko. Tsk! Nakalimutan ko na papasok na nga pala kami. Kakabwesit na buhay to -_______-

Kinuha ko yung uniforme at isinuot. Kinuha ko na rin yung back pack na pinaglagyan ko ng mga gamit ko. Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko sila na nakatayo lamang sa isang sulok. Nang lingunin ko si Krish ay bigla itong nagtago sa likuran ni Aimee. Napa tsk nalang ako at naglakad palayo. Narinig ko pang nagusap sila tungkol sakin. Pag badtrip kasi ako ay lumalayo sila sakin dahil alam nilang wala akong sinasanto.

Dumiretso na ako sa garahe at sumakay sa motor ko. Napansin kong sumunod naman sila sakin kaya pinasibat ko na yung motor ko. Alam ko namam kung saan yung condo.

☆☆☆

Papunta na kami ngayon sa Lee University na pinag enrollan sa amin ni uncle. Halos kagagaling lang namin sa condo pero dahil malelate na kami sa school ay minabuti na naming umalis na.

Pagkapasok pa lamang namin sa nasabing school ay pinagttlitinginan na kami ng nga tao. Yung gamit kasi nila ay kotse samantalang motor lang ang gamit ko. Halos lahat ng attention ay nasa amin. Pagkapark ko ng motor ko ay bumaba na agad ako. Nauna na akong maglakad sa kanila. Habang naglalakad kami sa hallway ay mga bulungan ng mga estudyante ang maririnig.

"Ang gaganda naman nila. Nakakainggit."

"Pre tingnan mo ang se-sexy nila."

"Tsk! Attention seekers!"

"Kala mo naman magaganda!"

Mga bulungbulungan nila. Nagtitimpi lang ako sa mga naririnig ko. Nakakabwesit yung mga tao dito. Ang sarap putulin ng mga dila tsk!

"Aimee nasan ba yung Dean's Office dito?" Tanong ni Nic kay Aimee. Nagkibit balikat lang si Aimee.

"Nagugutom na ako!" Pagmamaktol ni Krish samin.

"Ako nga rin eh! Nasan ba yung canteen dito?" Inis ding sabi ni Nic. Kahit ako ay gutom na rin dahil hindi pa ako nagaalmusal.

Kinuha ko yung phone ko at hinanap yung buong location ng school. Tinaype ko lang yung pangakan ng school at lumabas na lahat ng mga lokasyon. Hinanap ko yung Dean's Office at biglang lumabas ang lokasyon nito. Binigay ko kila Aimee yung cellphone ko at nauna ng maglakad.

☆Develious Child☆(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon