☆Develious 6☆

13.8K 485 2
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV

"Ano ba yan krish! Wag mo ngang kainin yung pagkain ko! Para kang PG!" Inis na sabi ni Nic kay Krish ng kinain nito yung fries niya.

Benelatan lang siya ni Krish. Binaling ko nalang amg paningin ko sa bintana habang umiinom ng shake.

"Narinig mo na ba yung balita na nandito na yung mga Dark Saints?" Nakuha ng atensiyon ko yung naguusap na magkaibigan sa likuran namin.

"Dark Saints? Nabalitaan ko nga. Kawawa nga yung babae na napagtripan eh." Sabi nung isang babae. Napakunot yung noo ko.

"Oo nga eh. Diba nasa parking lot pa yun?"

"Siguro." Sagot naman nung kaibingan niya habang nagkibit balikat.

Napalingon ako sa bintana at saktong may napansin akong mga lalaking nagtatawanan. Lihim akong napailing. Napansin kong nakatingin sakin ang mga kasama ko. Nilingon ko sila at tinaasan ng kilay.

"What?" Tanong ko. Ngumiti lang sila at umiling.

"Mauuna na ako sa inyo." Sabi ko sabay tayo. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at nagdirediretso na palabas ng kainan. Pagkarating ko sa parking lot ay tinungo ko na agad kung saan nakapark yung motor ko. Sasakay na sana ako ng may napansin akong mga lalaking nagtatawanan sa isang sulok ng sasakyan.

"P-p-parang(huk) a-awa(huk) n-niyo n-na!" Rinig kong mahinang sabi ng babae. Parang pamilyar sakin ang boses na yun.

"Kung hindi ka lang kasi tatanga-tanga!" Bulyaw nung isang lalaki.

"Gerald! Hawakan niyo yan. Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng yan!" Nakangising utos nung pinakalider.

Saglit pa akong nagmasid at naririnig ko ang pagmamaka-awa ng babae. Bigla ko nala.g naikuyom ang kamao ko ng mapagtantong yung babaeng yun rin ang nerd na tinulungan ko kanina. Ayoko sanang makialam pero parang may naguudyok sa akin na tulungan siya.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa na tumulong ng makita kong may gagawin na silang masama kay nerd.

Mabilis akong nakapunta sa kanila at sinamantala ang pagkakataon na nakatalikod sila sa akin.

Pinaghahampas ko sila sa batok na naging dahilan para sila'y mawalan ng malay.

"Lapitin kaba talaga ng gulo?" Inis na tanong ko sa kanya. Bigla siyang napadilat at nanlaki ang mata ng makita ako.

☆☆☆

Lexxy's POV

"Lapitin kaba talaga sa gulo?"

Pagkarinig ko nun ay bigla akong napadilat ng mata. Nanlaki ang mata ko ng makita yung babaeng tumulong sakin kanina sa canteen.

Nabigla ako ng bigla siyang lumuhod at inabot sakin ang panyo na galing sa kanya.

"Punasan mo mukha mo. Labas uhog." Sabi niya. Bigla naman akong napatawa at inabot sa kanya yung panyo. Pinunasan ko yung mukha ko at ilong.

"Maraming salamat sayo. Pangalawang beses mo na akong iniligtas." Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at tumayo.

"Sumama ka sakin." Saad niya. Bigla naman akong nagtaka.

"Bakit? San tayo pupunta." Tanong ko.

"Sumama ka nalang. Dami mo pang angal." Inis naman na sabi niya at naglakad na paalis. Mabilis akong tumayo at sinundan siya. Promise ang sungit niya T^T

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now