☆Develious 37☆

6.5K 178 2
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV

"Where are you going?" Tanong ni Jayden na kakapasok lang sa loob. Nilingon ko ito at binato sa kanya yung susi.

"Sa batanggas." sagot ko na ikinakunot ng noo nito. Nilapitan niya ako habang hindi makapaniwala.

"Nababaliw kana ba? Hindi pa nga magaling yang sugat mo e!" suway nito. Sinimangutan ko lang to.

"Kasama naman natin silang lahat e. Ikaw din... hindi mo masosolo si Lexxy." Sabi ko dito tsaka siniko sa tigiliran. Napansin ko ang pamumula ng mukha niya.

"A-anong pinagsasabi mo!? A-ano naman kung nandun siya!" Sabi nito at nag iwas ng tingin. Natatawang umupo ako sa kama.

"Tch! Hindi nalang kasi aminin. Hindi ako bulag cuz!" Sabi ko dito. Napatingin siya sakin at nilapitan ako.

"Alam na ba nila to?" nakangiting tanong niya. Napangiti nalang ako at tumango.

"Yeah. Susunod nalang sila kasama sila Cj. Tayo na ang mauna dun." Sabi ko dito.

"Sige! Hintayin nalang kita sa baba." Pagkasabi niya nun ay mabilis itong tumakbo palabas. Naiiling nalang ako.

Ako ang nagplano na magbakasyon muna kaming lahat sa rest house namin sa batanggas. Isa pa para kahit papaano makasama ko sila bago ako makaalis.

Nang maihanda ko na ang lahat ng gamit ko sa sumunod na ako kay Jayden sa baba. Naabutan ko pa itong nagmamadali na pasakayin ako.

Nang makasakay kami ay biglang nagring ang phone ko. Agad ko yung sinagot ng makitang si Cyrus iyon.

"Hello? Where are you?" tanong ko agad.

[Susunond nalang ako. Meron kasing emergency e. Pero wag kang mag-alala naka alis na sila. Sunod nalang ako agad] pagkasabi niya nun ay napasimangot ako.

"Okay. Bilisan mo." Pagkasabi ko nun ay pinatay na nito ang tawag. Nakasimangot parin ako.

Tahimik lang ako sa buong biyahe at mukhang napansin ni Jayden ang pananahimik ko kaya bigla itong nagsalita.

"Are you okay?" Tanong nito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo. Okay lang. Okay na okay." Sarcastic na sabi ko at binaling ang tingin sa labas.

"Nagtatanong lang e." narinig kong sabi niya at hindi na nagsalita.

Bigla akong napaisip. Ano kayang emergency ang sinasabi nun? Tss! Alam namang importante ang araw na to nagkaroon pa ng emergency.

Nasa ganong mood ako ng marating namin yung rest house. Nang salubungin kami nila Lexxy ay dire-diretso lang akong naglakad ng hindi sila pinapansin. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at dun sumalampak. Masama ang mood ko ngayon kaya minabuti ko nalang na mag-isa kaysa naman makapagsalita pa ako ng hindi maganda...

☆☆☆

Jayden's POV

Naiiling nalang ako ng makitang dumiretso papasok si Hell. Nilingon ko silang lahat na nagtataka sa ikinilos ni Hell.

"Anong nangyari dun?" Nagtatakang tanong ni Nic.

"Beast mode. Yaan nyo muna siya." Naiiling na sabi ko naman. Maya-maya lang ay nagkayayaan na silang pumasok sa loob ng rest house. Nang makita ko si Lexxy na may bitbit na gamit ay mabilis akong lumapit dito at ingaw yung bag. Nagulat pa nga ito sa ginawa ko.

"Akin na nga yan!" Singhal niya at pilit na inaagaw yung bag. Nilingon ko siya at ngumiti. Tinaas ko yung bag para hindi niya maabot. Kaya tumalon ito para abutin ngunit hindi niya parin makuha. Natawa ako bigla sa reaction niya. Sinamaan ako nito ng tingin.

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now