☆Develious 33☆

7K 183 3
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV

Bigla akong naalimpungatan dahil sa naramdamang may malambot na bagay ang nakadagan sakin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nagulat ako sa nakita. Nakita kong nakayakap sakin si Cas. Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo ng pinilit kong kumilos.

"Hmm.." Napansin ko ang pag-galaw ng nakayakap sakin. Hindi nalang ako kumilos at hinintay siyang magising. Nang makita kong minulat niya yung mata niya ay bigla itong ngumiti.


"Good morning!" Nakangiting bati nito. Tumayo ito sa kinahihigaan niya at kinapa ang noo ko.

"Mabuti nalang at wala ka ng lagnat." Sabi niya at tumingin sakin. Hindi ako makapagsalita. Akala ko ay panaginip lang yung nangyari na nakita ko siya sa puntod ni lolo. Nagkamali pala ako. Bigla kong napansin ang pagkunot ng noo niya.


"Are you okay? may masakit paba?" Nag-aalalang tanong nito. Naramdaman ko nalang ang biglang pagtulo ng luha ko. Mabilis ko siyang niyakap.



"C-cas!" Naiiyak na tawag ko sa pangalan niya. Ewan ko rin kung bakit ako naiyak. Siguro dahil sa sobrang depressed ko na ako nalang ang natira sa pamilya namin ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Isa pa si Cas ay ang matagal ko ng kasama sa buhay. Simula nung nawala ang mga magulang ko noon ay siya na ang laging nasa tabi ko. Siya ang laging pumuprotekta sakin at nagsisilbing lakas nung mga panahong mahina ako. Hanggang ngayon ay ganun parin siya. Kaya ganito nalang ang reaction ko ng muli ko siyang makita.



"Shhh. Don't cry. Im here now so don't worry,okay?" Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. Makalipas lang ang ilang minuto ay kumalma na ako. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nagbaling ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay namula ang mukha ko.


"You're so cute when you are blushing." Natatawang turan niya. Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin. Tumawa lang ito ng malakas.


"Alam mo ba ang saya ko ngayon." Nakangiting usal niya habang nakatitig sakin. Napakunot naman ang noo ko.


"Bakit?" Takang tanong ko.


"Kasi kahit na matagal tayong hindi nagkita ay wala paring nagbago sayo." Nag iwas lang ako ng tingin ng mapansing nakatitig siya sakin.


*GRUUUUUUUUUUUUUUUUUUU*

Parehas kaming natigilan ng marinig ang tunog na iyon. Nagpipigil ng tawang nilingon ako ni Cas. Sinamaan ko lang siya ng tingin.


"What?" Natatawang tanong nito. Hindi ba niya alam na nakakahiya iyon para sa isang babae.


"Pakainin mo na kaya ako." Inis kong turan ng mapansing walang balak itong kumilos. Ang lakas talagang mang asar. Bigla kong naalala na hindi ito marunong magluto. Nilingon ko siya at nagpipigil ng tawa. Siya naman ngayon ang natigilan at nagtatakang tiningnan ako.


"I forgot that you don't cook." Sabi ko gamit ang mapangasar na boses. Bigla siyang sumimangot.


"Sa labas nalang tayo kumain." Yaya niya. Gusto ko sanang pumayag pero naalala kong wala akong dalang damit. Tsaka ko lang din napansin ang suot kong damit ngayon.


"Wala akong damit." Sabi ko sa kanya.

"Sus! Madali lang yun." Sabi niya at mukhang may magandang ideya.


"Hintayin mo ako dito." Pagkasabi niyang iyon ay lumabas siya ng kwarto. Maya-maya lang ay bigla kong naalala sila Krish. Mabilis akong sumeryoso at inalala mgayon ang kalagayan ni Krish. Hindi ko alam kung ayos na ba ang pakiramdam niya. Nawala nalang siya sa isip ko dahil sa nangyari. Kung sakaling may mangyari ring masama sa kanya ay hindi ko talaga mapapatawad ang lalaking iyon. Papatunayan ko sa kanya na mali siya ng kinalabang tao. Hindi ko na hahayaang na habang buhay akong mahina. Kailangan kong lumakas para labanan siya.

☆Develious Child☆(COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن