☆Develious 14☆

10.8K 335 13
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV

Pasado ala una palang ng gabi at bumangon ako sa kama ko ng maramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Hindi kasi ako ginising nila Krish. Pagtayo ko ay naramdaman ko ulit ang pagkirot ng sugat ko sa balikat.

Nagpalit lang ako ng damit at kumuha ng sumbrelo. Sigurado kasing hindi na ako natirhan ng pagkain. May mga patay gutom kasi akong kasama -____-

Maingat akong bumaba ng hagdan hanggang sa marating ko ang labasan. Naglakad lakad lang ako baka sakaling may madaanan akong convenient store o anu pa man na pwedeng makainan.

Hanggang sa di kalayuan ay may nakita akong mini stop kaya nagmadali agad akong maglakad. Pagkapasok ko agad sa loob at kumuha agad ako ng cup noodles at mountain dew in can at nagbayad sa counter. Habang hinihintay ko ang noodles ko ay nangalumbaba lang ako sa lamesa.

Maya maya lang ay napataas ang kilay ko ng may umupo sa harap ko. Nilingon ko hung lalaking bigla bigla nalang umupo sa harapan ko.

"Uy! Diba ikaw yung babae sa Cr." Nakangiting turan nito. Napakunot lang yung noo ko.

"Who are you?" Tanong ko.

"Hindi mo na ba ako matandaan? Ako yung nagdala sayo sa clinic. Glenn, remember?" Nakakunot nitong sabi. Saglit akong napaisip. Ahh? Sya nga pala yun.

"Ahhh. I remember you." Sabi ko nalang. Ilang saglit lang ay tinuon ko na hung atensyon ko sa noodles at inumpisahang kainin. Napansin ko syang nakatingin kaya huminto ako sa pagkain.

"Do you know that staring is rude while person is eating?" Sita ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Ang ganda mo kasi eh." Nakangiti niyang sabi. Umiling lang ako hanggang sa may narinig akong nag ring na cellphone. Napalingon ako sa kanya.

"Hello, Zedrick napatawag ka?" Narinig Kong sabi ng kaharap. Natigilan lang ako ng marinig ang pangalan ng kausap.

"Huh!? Papaano yan, wala akong isasama." Nakakunot na sabi nya at biglang tumingin sakin. Bigla syang napangiti. Teka? Alan ko ma binabalak ng kumag na to ah? -___-

"Ow! Meron na pala akong pwedeng isama. Just wait me there, I'll come." Pagkasabi nitong iyon at pinatay na ang tawag. Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako. Naramdaman Kong nakasunod parin siya sakin.

"What do you want?" Tanong ko sa kanya.

"Uhhm, ano... Pwede mo ba akong samahan. Saglit lang naman yun eh, please?" Pagmamakaawa nito. Tumingin ako saglit sa relo ko at nakita Kong mag aalas Dos na. Dahil sa kuryosidad sa taong kausap niya ay napapayag niya akong sumama.

☆ ☆ ☆

Glenn's POV

Mabuti nalang talaga at napapayag ko siya. Isa pa masyadong biglaan ang pagtawag ni Zedrick. Malay ko bang kailangan ng babae para sa initiation sa Gang nila?

Pinasakay ko na sya sa sasakyan ko. Tahimik lang siyang sumakay at hindi nagsasalita. Napakunot yung noo ko.

"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko ng maalalang di ko pa Alam ang pangalan niya.

"Ashley." Tipid nitong sagot. Napabuntong hininga nalang ako. Parang wala lang ding akong kasama dahil hindi yata marunong magsalita ang kasama ko -____-
Mukha lang akong tanga. Tss.

☆ ☆ ☆

Short UD lang po...

He he.

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now