☆Develious 19☆

10.4K 325 13
                                    

Cyrus Rein Lee's POV


Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Naalala kong may magaganap palang Survival Camping sa Sabado. Dalawang araw mula ngayon ay gaganapin iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok ang babaeng yun. Nakakainis mang isipin pero kasalanan ko naman kung bakit.


By partner ang gagawing suvival camping kaya naman naiirita ako sa babaeng yun dahil gusto ko siyang maging partner. Kung hindi pa sya papasok ngayon ay magkakaroon ako ng ibang partner. Ngayon na kasi ang bunutan kaya naman hindi ako mapakali at maaga akong nakapasok.


Naisipan ko na lang magpunta sa sa Canteen. Hindi pa ako nag aalmusal kaya naman naisipan ko munang kumain. Isa pa tahimik ang araw ko ngayon dahil hindi ko kasabay sila Drake. Tulad ng sinabi ko kay maaga akong pumasok kaya wala sila dito. Ngunit biglang nagliwanag ang paligid ko ng matanaw ang taong kinasasabikan kong makita. Don't get me wrong! Kinasasabikan makita dahil masarap asarin okay!


Nakita ko siyang kumakain ng chips. Napakunot lang ang noo ko. Ang aga aga ay kumakain ng chichirya? Ibang klaseng babae talaga to. Pasimple ko siyang nilapitan tsaka umupo sa harapan niya.  Parang wala lang siyang nakikita at nagpatuloy lang ito sa pagkain niya.


"Ehem!" pagpapapansin ko pero patuloy pa rin ito sa ginagawa.


"EHEM!" Hanggang sa napalakas.


"Kung may ubo ka wag kang manghawa." Monotone na sabi niya. Bigla akong natigilan sa sinabi niya.


"Wala akong ubo no!" Inis ko namng sabi. Binaba niya ang kinakain nyang chips at poker face na hinarap ako.


"So?" nakataas kilay niyang tanong. Lalo akong nainis.


"Kanina pa ako nandito at hindi mo ako pinapansin!" Iritang sabi ko. Nakita kong napangisi siya.


"Hindi ko alam na papansin ka pala?" Mapang asar na sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siya tuminag tsaka pinagmasdan lang din ako. Masyado akong natense sa pagtingin niya kaya nagbawi ako ng tingin.


Ilang saglit lang ay may lumapit saming lalaki. Nang lingunin ko ito ay nakita ko yung lalaking kasama niya dati. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit nginitian lang ako nito. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay inaasar ako ng taong ito. Dinadaan niya lang sa pagngiti- ngiti niya.


"Excuse me pwede ba kitang makausap?" Tanong ng lalaki kay Sunget. Ngunit nilingon lang siya nito habang nakataas ang kilay.


"No." Tipid nitong sagot. Lihim naman akong napangiti. Sa isip-isip ko nga lang. Nakita ko ang pagsimangot ng lalaki tsaka ito umalis.


"Anong ningingiti mo? Mukha kang aso." nabigla ako sa tinuran nito kaya naman gulat akong napalingon sa kanya. Bigla itong ngumisi bago ito tumayo. Hindi ako nakapalag dahil nagulat talaga ako sa sinabi niya. Damn! Naisahan na naman ako ng bwesit na babaeng yun!!


☆☆☆


Ashley Fredrich Hell's POV


Nang umalis ako sa kinauupuan ko ay lihim akong napangisi. Sinundan ko kung saan nagtungo si Jayden. Alam kong may importante itong sasabihin sakin. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng roof top ng school. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siya kumaway sakin.


"Ang laki ng galit sakin nung manliligaw mo cuz." Nakangiting sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Idiot. That will never happend." Ganting sabi ko. Napangiti lang ito ng malawak.


"What do you want to tell me?" tanong ko. Bigla naman siyang tumikhim tsaka sumeryoso.



"Nalaman ko yung nangyari kagabi sa unit mo. What do you want to do?" Bigalng saad nito. Nagkibit balikat lang ako.


"Let them be. I want to play with them." nakangisi ko namang saad. Napansin kong bigla itong napaatras kaya nagtataka ko syang nilingon.


"I know that smirk of yours. Your planning something?" nakangiting usal nito.


"You know me very well." Naiiling kong saad. Bigla nalng itong tumawa.


"Of course! Ako pa ba!" Mayabang nitong sabi. Inirapan ko nalng ito tsaka tinalikuran.


"Cuz!" Tawag nito sakin kaya naman napahinto ako tsaka nilingon siya.


"Nothing." Nakangiting sabi nito. Bigla ko siyan sinamaan ng tingin.


"Gago!" turan ko bago nilisan ang roof top. Kaya ayaw kong kausapin ang isang yun dahil may pagka monggoloid din ang isang yun.


☆☆☆

Again ! Short UD lang din xD Sorrna antok na ko :D

GOOD NIGHT Nalang sa inyo then bukas ulit ang another chap ^^

☆Develious Child☆(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon