☆Develious 38☆

5.7K 163 1
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV


Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa kama ng maramdaman kong kumukulo na yung tiyan ko. Kung hindi lang ako nagugutom hindi na ako lalabas. Punyeta kasi yung babaeng yun e? Hindi ko naman inimbitahan yun tapos andito. Ayon yata yung emergency na tinutukoy ni Cyrus. Tsk!


 ̄︿ ̄



Nang lumabas ako ay dumiretso agad ako sa kusina. Hindi ko nakita ang mga tao sa loob. Baka siguro nasa labas silang lahat at nagumpisa ng magsaya. Kumuha lang ako ng pagkain at dinala iyon sa veranda ng kwarto ko.

Mula sa labas ay kitang-kita ko agad na nagkakasiyahan silang lahat. Nakasimangot lang ako. Napako ang direksyon ko sa babaeng kinaiinisan ko. Nakita ko kung paano ito pumulupot kay Cyrus.



Sinubo ko nalang yung nasa kutsara ko habang nakatingin sa kanila. Kung alam lang nito na ang nilalandi niya ay pagmamay-ari kona.


Napadiin ang pagkakahawak ko sa kutsara. Kung pwede lang putulan ng ulo tong babaeng to nagawa ko na. Punyeta!



Ininom ko nalang yung juice na nasa baso ko. Nawalan na ako ng gana. Ayoko mag mukhang bitter at looner kaya naisipan kong lumabas.



Pagkalabas ko ay umupo ako sa isang bench. Nang mapansin nila ako ay kumaway lang silang lahat. Hindi naman ako pwedeng lumangoy dahil hindi pa naghihilom ang sugat ko. Kung magaling lang iyon baka nakarampa na ako. Kung ikukumpara naman ang katawan ko sa babaeng yun e hamak na may sexy ako. Payatot lang ito e! Pinagmamalaki na niya? Pwe

 ̄ω ̄

Maya-maya lang ay nagkayayaan silang maglaro ng beach volleyball.


By partners ang labanan. Nang mapansin ako ni Cyrus ay ngumiti ito. Lalapitan na sana ako nito ng biglang sumulpot yung kabuteng babaeng payatot.




"Cyrus! Tara partner tayo! Please?" Nakangusong sabi nung babae. Napatingin pa sakin si Cyrus at mukhang hindi alam ang gagawin.




"S-sure." Napipilitang sabi nito at ngumiti dito. Napatalon naman sa tuwa yung babae.



Tsk! =__________=




Dahil sa inis ay tumayo ako at hinatak si Jayden. Nagulat pa ito dahil kasama niya si Lexxy.


"I'll borrow him for a minute." Sabi ko kay Lexxy. Napangiti pa ito. Hinatak ko agad si Jayden papunta sa gitna. Nang lingunin ko ito ay nakasimangot.



"Hell naman e!" Nakangusong maktol nito.


"Tss! Dami mong angal e. Maglaro ka nalang." Nagtitimping sabi ko.


Nang harapin kami nila Drake na host ay napapakamot pa ito sa ulo. Ramdam kasi agad ang namumuong tensyon sa paligid. Yung kabuteng babae lang naman yung walang alam e.




"The first pair is Cyrus partner and Jayden's partner!" Pag aanunsyo ni Drake. Napatingin pa ito sakin. naka poker face lang ako hanggang umpisa yung laban.



Lalo akong nairita sa kaharap ko. Tila tuwang tuwa pa ito. Hindi ko alam kung manhid ito o sadyang nang-aasar lang. Kanina rin ay akala mo kung sinong close. Fc!



Nasa amin ngayon bola. Inagaw ko kay Jayden yung bola para ako ang mag serve. Pumwesto na ako sa likod para mag serve ng bola. Kaharap ko si kabute at nakapwesto narin ito.


Bumwelo ako saglit at pagkaraan ay tumalon ako ng mataas at pinalo yung bola ng sobrang lakas. Mabilis itong tumungo sa kanya. Pero saglit akong natigilan ng mapansin ang pagngisi nito. Parang bale wala nitong received ang bola at pinasa kay Cyrus.



☆Develious Child☆(COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat