☆Develious 30☆

7.1K 196 3
                                    

Cyrus Rein Lee's POV

"Dahil mahal ko siya." Pagkasabi ko nun ay hinarap ko ulit sila. Halatang nagulat sila sa sinabi ko. Nakanganga pa nga si Jayden.


"Are you serious?" Di makapaniwalang sabi nito.


"Nung una akala ko gusto ko lang siyang makita pero tsaka ko lang narealize sa sarili ko na ayaw ko siyang mawala sa tabi. Mahal ko siya. Yun ang alam ng puso ko." Seryosong pahayag ko.



"Can you save her?" Nagulat ako ng biglang nagsalit si Cj. Napatingin ako dito. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sakin. Ngumiti ako at tumango.


"I will save her even if it cost my life." Matapang kong sabi. Maya-maya lang ay lumapit ito sakin at tinap ang balikat ko.


"Save her... please." Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla itong umalis matapos niya yung sabihin. Per the first time nakita ko siyang ganun. Hindi nalang ako nagtataka kung bakit ganun ang tama sa kanya ni Accel.


"She may be a cold person but deep inside she has a soft heart." naiiling na turan ni Jayden.


"Kung pupunta ka ngayon doon sasama ako. Isa pa hindi ko kayang pabayaan ang pinsan ko." Nangising sabi nito tsaka tumayo. Nagulat ako sinabi niya.

"P-pinsan?" Gulat na tanong ko. Bigla naman siyang tumingin sakin na animoy di makapaniwala.

"Akala mo lang yun! Seloso ka kasi e." Natatawang sabi nito at nauna ng lumabas. Naiwan akong napahiya. Paano ba naman kasi ay pinagselosan ko yung kumag na yun. Yun pala nung time na yun pinagtritripan lang ako kasi alam niyang gusto ko si Ashley. Tss -______-


Pagkalabas ko ay naabutan ko si Jayden na naghihintay sakin habang nakasandal sa kotse.  Nang makita niya ako ay may hinagis itong baril. Mabilis ko naman iyong nasalo.


"You need that. We have to go. Baka hindi natin maabutang buhay si sadista." Sabi nito at sumakay na ng kotse. Muntik na akong matawa sa binitiwan niyang salita. Sabagay sadista naman talaga yun. Pero kung narinig niya ito ngayon ay maaaring nabatukan na siya. Sumakay narin ako sa loob at inumpisahan na niya ang pagpapatakbo ng kotse.



"Hindi mo ba kokontakin yung ka gang mo?" Tanong nito habang nakatingin sa kalsada.

"Hindi na. Ayoko silang madamay dito. Di bale nang ako lang ang nakakaalam." Sagot ko. Tumawa nalang ito bigla. Nagtatakang nilingon ko ito.


"Love mo talaga si Hell." turan nito habang tumawa pa. Hindi nalang ako umimik.



***

Nang makarating kami sa werehouse na pinagdalhan samin ay napansin ko agad ang napakaraming sasakyang nagkalat sa labas. Mayroon itong logo ng dragon. Nagulat nalang ako ng magmura yung katabi ko at nagmadaling bumababa ng kotse. Bumaba narin ako at hinabol siya. Ni ready ko yung baril na binigay niya sakin.


"Bakit ka nagmamadali?" Takang tanong ko dito. Napansin ko ang pagiging seryoso niya.


"Nandito sila lolo." Sabi nito. Napakunot naman ang noo ko.

"Sinong lolo?" Tanong ko.


"Lolo ni Hell! Shit! Dalian na natin." Sabi nito at halata sa tono ang kaba. Nagseryoso nalang din ako at nagmadali. Habang papasok kami sa loob ay puno ng mga patay na tao ang nadadaanan namin. Halos wala narin kaming makitang buhay. Ngunit napatigil kami ng may putok ng baril kaming narinig.


***

Ashley Fredrich Hell's POV


"Stop it! Don't hurt him!" Galit na turan ko habang nagpupumilit na makawala sa kadenang nakagapos sa mga kamay ko. Naramdaman ko ang luhang pumatak sa mata ko.


"Lolo!!" Tawag ko kay lolo ng makitang sinipa ito sa tiyan. Shit!!


*baaaaaaaaaang*


Halos parang tumigil ang oras sa mga sandaling iyon. Nakita ko nalang kung papaanong bumagsak sa lupa si lolo. Nakita ko pang nakatingin ito sakin.



"AAAAAAAHH!! DAMN YOU!!! IM GOING TO KILL YOU!!" Halos maramdaman ko na ang paghapdi ng kamay ko dahil sa pagpipilit na makawala. Hindi ko na mapigilan ang saril ko. Ang tanging nasa isip ko lang ng mga sandaling iyon ay makatakas at patayin ang hayop ma lalaking yun. Tumawa lang ito at nakita kong nagmadali itong tumakbo ito paalis. Muli kong nilingon si lolo. Nakatingin parin ito sakin at halos nahihirapan ng huminga.

No!!


Kahit masakit ay mas lalo kong hinila yung kadena.


No!!


Naramdaman ko ang pagdudugo ng kamay ko. Nang mapansin kong matatanggal na yung kadena ay pinuwersa kong hugutin iyon at natanggal. Kahit nanghihina ay patakbo kong tinungo ang direksyon ni lolo. Hinawakan ko ito balikat.


"P-please! D-don't l-leave m-me a-alone!! P-please!" Pagmamakaawa ko kay lolo habang patuloy ang paglandas ng luha ko. Pagdating sa kanila mahina ako.


No!!


Nakita kong nagsuka ito ng dugo. Napailing ako at pinilit na pigilin ang pagdudugo ng sugat niya. Bigla niya akong hinawakan sa pisngi.


"H-hell...." halata sa boses nito ang panghihina. Hinawakan ko ang kamay niya


"Lo! D-don't t-talk... y-your g-going t-to b-be a-alright!" Nahihirapang sabi ko. Ngumiti lang ito at umiling.


No!!



"i-im...s-sorry...p-please f-forgive...m-me..." sabi nito at may nakita akong luhang tumulo sa mata niya. Ilang beses akong napailing. Panay parin ang pag agos ng luha ko. Halo-halong emosyon. Maya-maya lang ay may kinuha ito sa bulsa niya at inabot sakin. Nanginginig na kinuha ko ito. Isang pendat at singsing.

"T-take c-care....t-this...h-help y-you..."


"I-i...l-love y-yo--" Napayuko nalang ako. Mahigpit kong hinawakan ang binigay ni lolo at tsaka siya niyakap. Nasa ganon lang akong posisyon habang patuloy parin sa pag iyak.

Wala na... wala ng natira sakin... kinuha na nilang lahat..  Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya to!! Hahanapin kita sinusumpa ko!


Nang kumalma ako ay binitawan ko si lolo. Walang mababakas ng emosyon akong nakatitig sa walang buhay nitong katawan. Pakiramdam ko ay namanhid ang buo kong pagkatao. Dahil sa halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ay hindi ko na alam ang ipapakitang reaction. Tumayo ako at mariing kinuyom ko ang palad na may bagay na binigay sakin ni lolo. Nakayuko lang ako.


"Im going to kill you." Malamig na turan ko habang iniisip ang taong yun. Sinusumpa ko na hahanapin kita at papatayin. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa pamilya ko.


***

Aww.. payback time. Kawawa naman si Ash..

☆Develious Child☆(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon