☆Develious 3☆

14.2K 526 4
                                    

Cyrus Rein Lee's POV

Nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa bar na pagmamay-ari ng pamilya namin. Kakauwi lang namin galing sa school kaya napagdesisyunan naming mag bar muna. Oo nga pala! I would like to introduced myself. Btw my name is Cyrus Rein Lee. 17 years old. Im the son of Cleifon Lee and Risa Tanaka Lee. My family is well known for being a multi-billionaire in the philippines. Kasama rin kami sa isa sa pinkamayayaman sa buong mundo. I mean pangalawa pala sa pinkamayayaman na tao sa buong mundo. Nagiisa lang akong anak kaya lahat ng gusto ko ay nasusunod. Tahimik lamang akong tao. Hindi gaanong palaimik kaya kapag kasama ko mga kaibigan ko asahan mo ng OP sila sakin dahil daw hindi ako nakikipagusap sa kanila. Actually hindi rin ako nakikipagusap sa mga di ko kilala at ka-close. Mga kaibigan at pamilya ko lang mga kinakausap ko.

Habang nagiinuman kami ng mga kaibigan ko ay napansin ko yung mga lalaki sa kabilabg table na maiingay. Mukhang mga lasing na. Tss.

"Yo! Drake tingnan mo yung chicks na bagong dating! Ang hot men!" Narinig kong sabi ni Erick kay Drake habang sumisipol pa. Tsk! Babaero talaga to. Sila pala yung mga kaibigan ko.

"Wow! Hot nga!" Sang-ayon naman ni Drake. Napailing nalang sa kanila sina Accel at Louie.

"Hey Cyrus! Tingnan mo yung chicks ang Hot!" Ani ni Drake. Dahil sa kuryosidad ko ay napalingon ako sa isang babae na nakaupo magisa sa pinakadulong stall ng counter. Nakasuot lang ito ng simpleng shirt at naka fitted na jeans. Tss.

Parang lalaking manamit. Walang fassion sense.

"Tss. Tomboy yata yan eh!" Sabat naman ni Cassy. Isa rin sa mga kaibigan ko. Siya lang ang nagiisang babae sa amin.

"Bitter mo! Hindi ka kasi hot!" Pang-aasar sa kanya ni Drake. Bigla naman siyang binatukan ni Cassy. Napatawa nalang si Erick.

Hanggang ngayon ay nakatingin parin ako sa babaeng nakaupo sa counter. Napansin kong parang kakaiba ang aura niya kumpara sa mga ordinaryong tao. Hanggang sa may lumapit sa kanyang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali sa kabilang table lang nanggaling yung lalaking yun. Napa-tss nalang ako at nag iwas ng tingin sa kanila.

Maya-maya lang ay may isang kalabog kaming narinig. Napatingin kami sa isang table na kung saan may lalaking duguan ang ilong.

"F*CK YOU KA! MAGBABAYAD KANG BABAE KA SA GINAWA MO!" Galit na galit na sabi nung lalaking duguan yung ilong. Napatingin ako sa taong pinagsabihan niya. Tsaka ko lang narealize na yung babae pala yun.

"Huwag niyong pakawalan ang babaeng yan! Mali siya ng kinalaban!" Sabi pa nung lalaki. Pinalibutan siya ng mga kasamahan nito. Nang lingunin ko yung babae ay bigla nalang itong napangisi ng tulad sa demonyo. Bigla akong kinalibutan sa nakikita ko. Hanggang sa bigla nalang nawalan ng ilaw yung buong lugar.

"ARRRGH"

"UGGH!"

"F*CK Y-YOU!" mga daing ng mga lalaki. Madilim kaya hindi namin makita ang mga pangyayari. Makalipas ang 2 minuto ay bigla nalang bumukas ang ilaw at nakita namin yung mga lalaki na puro bagsak at duguan na walang malay. Hinanap ko yung babae pero wala na ito. Maraming tao ang nagpanic kaya yung iba ay nagsalabasan ng bar. Napakunot yung noo ko bigla. Siya ba ang may gawa nito? Paano siya nakaalis agad? She's very mysterious.

☆☆☆

Ashley Fredrich Hell POV

Mabilis akong lumabas ng bar. Salamat kina Krish dahil pinutol nila yung linya ng kuryente sa bar. Nakakainis lang dahil nasundan nila ako agad. Mga stalker talaga. Nandito kami ngayon sa loob ng 7-11 at pinapagalitan nila ako.

"Bakit kaba umaalis ng hindi nagpapaalam! Pinag-aalala mo kami eh!" Saway sakin ni krish. Sumisipsip lang ako ng Slurpee habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Hoy! Nakikinig kaba?" Sabi pa nito. Nakakairita boses nito parang nakalunok ng mega phone araw araw!

"Pasa--" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil isinalpak ko sa bunganga niya yung tinapay na hawak ko. Tumawa naman silang lahat except sakin. Ingay kasi eh -______-

"Huhuhu! Ashie naman eh~" Nakapout na sabi nito.

"Ingay mo." Sabi ko naman. Naka pout parin siya at pabalang na umupo. Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob.

'Wahhhh! Ang gaganda nila no? Mga model kaya sila?'

'Artista siguro!'

'Pre ang ho-hot oh!'

'Ligawan mo pre!'

"Tss." Cj.

"Bangasan ko kaya mga mukha nila! Tsk!" Nic habang nakabusangot.

"Umuwi nalang tayo." Sabi ko sa kanila.

"Mabuti pa nga." Pag sang-ayon naman ni Aimee. Nagnod lang sila at tsaka ako tumayo sa kinauupan ko. Nang lingunin ko si Krish ay nakaupo parin ito sa kinauupuan niya kaya ang ginawa ko ay hinila ko yung tenga niya palabas ng 7-11.

"Waaaaah! Ashie mashakeeeet~" maktol nito. Binitawan ko naman agad yung tenga niya. Psh!

"Sakay." Sabi ko. Napa huh lang siya. Tss! Ang hina talaga ng utak ng isang to.

"Sumakay ka sa motor ko!" Inis kong sabi. Napakamot naman siya sa ulo at nagpeace sign.

"Hehehe! Sorry na ashie ko~ Peeshh~!" Krish.

"Tss." Ani ko tsaka pinaandar ang motor ko. Pauwi na kami ngayon sa mansion.

Nakakaasar! Hindi man lang ako narelax kahit saglit. Bwesit kasing mga istorbo yun eh!

Nang makarating kami sa mansion ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at sumalampak sa kama. Kailangan ko ng magpahinga dahil bukas ay aalis na kami sa mansion at maninirahan sa isang condo na galing kay uncle. Duon na daw kami muna titira habang nag-aaral kami dahil malapit lang daw dun yung school na papasukan namin. Kahit na ayokong pumasok sa school ay kailangan ko dahil iyon ang kahilingan ni uncle tss! Bukas ko nalang poproblemahin ang letseng eskwelahan na yan at matutulog na ako.

GOOD NIGHT!!



☆☆☆

Good night everyone!!

Tulog na me :)

Bukas nalang po ukit ako mag U-UD xD

Ingat sa mga babangungutin diyan XD

Jowk!

OYASUMI NASAI MINNA ☆ミ ☆彡

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now