☆Develious 34☆

7.2K 178 4
                                    

Erick's POV

Pagkapasok namin sa loob ng kwarto ay agad akong napatingin kay Krish. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam ko ay may kung anong bagay ang dumudurog sa puso ko pag nakikita ko si Krish sa ganong ayos.

Nang lingunin ko si Cyrus ay napansin kong nakatingin ito kay Ashley. Dahil sa kuryosidad ay napalingon ako dito hanggang sa napatingin ako na hawak-hawak niya. Bigla akong natigilan sa nakitang hawak nito. Iyon ang necklace na binigay ko sa kapatid ko sampung taon na ang nakakaraan bago siya maaksidente at mawala. Nakita ko yung larawan naming dalawa sa necklace na iyon. Biglang pumasok sa isip ko ang taong nakahiga ngayon sa kama at walang malay. Nilapitan ko ito habang nakatulala. Feeling ko anytime maiiyak na ako.

"E-erich..." tawag ko sa pangalan ng kapatid ko. Nakatingin ako sa nakapikit na kapatid ko. Siya nga yun. Hindi ako nagkakamali. May luhang pumatak sa mata ko. Ngunit bigla akong nagulat ng may humatak sa damit ko. Nakita ko ang nanlilisik na mata ni Ashley.

"How did you know her!?" Galit at nanlilisik na tanong nito. Panay ang tulo ng luha sa mata ko. Nakita kong pinigilan si Ashley ng mga kaibigan nitong babae.


"Ash! Tama na yan!" Pigil ni Cj dito habang pinipilit na bitawan ako sa pagkakahawak ni Ashley. Nasasakal na rin ako sa higpit ng pagkakahawak nito. Hindi ko aakalain na may ganon itong lakas. Hindi nalang ako magtataka dahil nung una palang naming makita ito ay kakaiba na.


"I repeat! Who are you!?"  Muling tanong nito.

"I-im her brother!" Pagkasabi ko nun ay bigla akong binalibag ni Ashley. Natigilan ang lahat sa nasaksihan at walang sino man ang gumawa ng aksyon para pigilan ito.

Mula sa pagsasalampak ko sa sahig ay nilingon ko siya. Kumalma na ang mukha niya at may bigla itong binato sakin. Nang masalo ko yung binato ay tiningnan ko ito. Bumuhos muli ang luha ko. Hinarap ko si Ashley at pinunasan ang luha ko gamit ang palad.


"Make sure your going to take care of her.... if you don't, i won't hesistate to kill you even if your her brother." Pagkasabi niya nun ay bigla siyang umalis ng walang pasabi. Sumunod dito yung lalaking kasama niya. Napangiti ako ng wala sa oras tsaka tumayo. Hinarap ko ang walang malay na kapatid ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

All this time malapit lang pala siya... Ang tanga ko dahil hindi ko agad nalaman... sa sampung taon na yun ay hindi kita nakasama. Ano kaya ang buhay na meron ka... Sana mapatawad mo si kuya... Erich...

☆☆☆

Ashley Fredrich Hell's POV


Mabilis ko agad linisan ang lugar na iyon. Sumama lang ang pakiramdam ko. Naramdam ko agad ang taong naka sunod sakin mula sa likuran. Tahimik lang akong naglalakad

"Are you okay?" Tanong ni Cas sa likuran ko. Tipid akong ngumiti.


"Maybe. I don't know." Sagot ko habang naglalakad. Napahinto nalang ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran ko.

"You did a great job... now it's time to rest, okay?" Bulong nito sa tenga ko. Natigilan naman ako at biglang bumagsak ang luhang pilit na kumawala sa mata ko. Kanina ko pa iyon pinipigilan. Nanatili lang kami sa ganong posisyon at hinayaan niya muna akong umiyak ng umiyak. Nasa parking lot kami kaya walang makakakita samin. Hinayaan ko lang humupa ang sakit na nararamdam ko hanggang sa tumitigil na ako sa pagiyak.

"Feeling better?" tanong nito habang nakangiti. Tumango ako.

"Maybe we should go home. You look tired and you need to rest." Sabi nito.

☆Develious Child☆(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon