☆Develious 22☆

9.6K 287 4
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV

Pagkalabas ko agad sa labasan ng entrance ay bigla agad bumungad sa akin ang isang text na naglalaman na nasa kanila daw si Lexxy. Dahil naunahan na ako ng galit ay mabilis akong sumakay sa motor ko tsaka walang takot na pinatakbo ng mabilis. Halos liparin na ang motor ko sa sobrang bilis. Wala pang ilang minuto ay nakarating na ako sa lugar na binigay nila. Pagkababa ko palang ay ramdam ko na agad na may masamang mangyayari. Habang nakikiramdam ako ay maya maya lang ay may biglang nagsilabasan na mga lalaki. Sinamaan ko sila ng tingin. Sila yung mga lalaki kaninang kumuha kay Lexxy. Ngunit bigla akong naalarma ng bigla akong may naramdamang ibang presensya na nakasunod sakin. Sa hindi kalayuan ay kitang kita ko ang lalaking iyon. Ilang sandali lang ay natigilan ako ng bigla nila akong tinutukan ng baril. Nang muli kong nilingon si idiot sa likod ay napansin ko ang sanang paglusob niya sa akin ngunit may biglang humampas ng baril sa kanyang batok dahilan ng pagkawala ng kanyang malay. Lihim kong naikuyom ang kamao.

Ang tanga talaga! Naisaisip ko tsaka muling ibinalik ang tingin ko sa mga lalaking nakatutok na baril sa sakin.

"San niyo dinala si Lexxy?" Malamig na tanong ko sa mga ito. Napansin kong natawa ang isa at biglang sumunod ang mga kasamahan nila. Kumunot ang noo ko sa inis. Konti nalang at mapapatay ko na ang mga to. Ngunit mukha yatang napansin ng isa ang ekspresyon ko kaya bigla nitong tinutok sakin ang baril.

"Oppss! Easy ka lang. Baka nakakalimutan mo na hawak ko yang lalaki mo." Pagkasabi niya yun ay bigla nilang hinagis si idiot sa harapan ko. Napansin ko na nagdudugo ang ulo nito. Gawa siguro ng paghampas sa kanya ng baril.

"What are you going to do now?" Tanong ko sa mga ito.

"Sumama ka lang sa samin. Walang mangyayaring masama sa lalaki." Sabi pa nito.

"What if i dont?" Tanong ko pa habang nakatingin ng seryoso sa kanila. Nakita kong ngumisi yung isa at kinasa ang hawak niyang baril tsaka itinutok kay idiot. Wala akong nagawa. Pabigat kasi ang lalaking to. Tsk!

"Fine. I'll go." Walang magawang sabi ko. Tsaka nun ay hinawakan nila ako sa magkabilang kamay tsaka kinadena. Napansin ko pang kinuha rin nila si idiot.

Habang naglalakad kami sa isang tagong hideout nila ay kinabisado ko na ang lahat ng mga dinaanan namin. Sa hindi kalayuan ay may isang abandonadong storehouse malapit sa hideout nila. Pinasok nila kaming dalawa doon ni idiot. Itinali pa nila ang paa ko para hindi talaga ako makatakas. Ganon din naman ang ginawa nila kay idiot na ngayon ay walang malay na nakahandusay sa lap ko. Taena ba naman! Sa hita ko pa talaga hinagis e! -___-
Ilang saglit lang ay iniwan na nila kami at sinarado ang pinto. Narinig ko pa ang pagkandado ng mga ito sa labas. Napabuntong hininga ako.

☆ ☆ ☆

Aimee's POV

Sumapit na ang gabi ay hindi parin nakakauwi si Ash. Samantalang magkakasama lang kami nun nung naguwian dahil nagpaalam lang siya na may kukunin saglit. Pagkatapos nun ay hindi na siya nakauwi. Nabahala na kami kaya naman ay kinontact na namim siya ngunit out of coverage area ang cellphone niya. Hindi ko naman magawang makuha ang location niya dahil alam kong in-off niya ito.

"Shit! Nasan kana ba Ash!" Nag-aalalang turan ni Nic habang panay ang paglalakad. Si Krish naman ay kanina pa umiiyak. Si Cj naman ay tahimik lang sa isang sulok ngunit may mababakas na pag-aalala. Lahat kami ay nag-aalala dahil alam naming simula nung nangyari yung aksidente makaraang linggo lang nung hinahunting na nila si Ash ay sobra na ang pag iingat namin. Kaya ngayon ay ganito na lamang ang pag-aalala namin sa kanya.

"We have to do something. Hindi pwedeng manahimik nalang tayo dito at maghihintay." Natigilan kami ng biglang nagsalita si Cj.

"Aimee, try to connect Ash location again. Use the other transmitter." Sabi pa nito. Tumango ako.

"Krish and Nic. Follow me." Seryosong utos nito. Kahit na umiiyak si Krish ay mabilis itong sumunod. Lihim nalang akong nagdasal na sana walang mangyaring masama sa kanilang lahat.

☆ ☆ ☆

Cyrus Rein Lee's POV

Bigla akong naalimpungatan sa pananakit ng ulo ko. Ngunit nakaramdam ako ng malambot na bagay na nahihigaan ko. Nang idilat ko ang mata ko ay halos wala akong makita sa dilim at naramdaman ko pa na nakagapos ang kamay at paa ko kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Idagdag pa ang pananakit ng ulo ko.

"Are you awake?" Bigla akong natigilan ng marinig ako isang pamilyar na boses.

"Ashley?" Tanong ko. Narinig ko ang paghissed niya.

"Mabuti naman at gising kana. Kanina ka pa nasarapan sa paghiga sa hita ko at kanina pa ako natuod sa ginawa mo." May bahid na inis na sabi nito. Bigla naman akong napangiti.

"Wag kang ngumiti. Mukha kang aso." Biglang sabi nito. Napasimangot naman ako.

"Pano mo naman nalaman na nakangiti ako? May flashlight ba yang mata mo?" Manghang tanong ko dito. Ngunit hindi na ito sumabat. Ilang minutong lumipas ng katahimikan at wala pa ring nagsasalita sa sa amin. Nakaramdam na ako ng pagkahilo.

"Masakit pa ba yang ulo mo?" Maya-maya ay biglang tanong nito. Nakaramdam naman ako ng tuwa sa narinig. Concern sya sakin xD

"Medyo." Sabi ko habang hindi pinapahalata ang pagkatuwa ko. Baka sabihin niya na ang saya ko na tinanong niya lang ako. Baka isipin niya na ang babaw ko.

"Can you move?" Tanong nito. Tinry kong igalaw ang kamay kong may gapos at medyo nakagalaw pa akp dahil hindi gaanong nahigpitan ang pagkakatali.

"Oo." Sagot ko naman. Maya maya lang ay may naramdaman akong bagay na tumunog sa bulsa niya.

"Lumapit ka sakin." Utos nito. Bigla namang napakunot ang noo ko. Kahit nagtataka ay sinunod ko ang inuutos niya. Umayos muna ako ng upo tsaka lumapit ako sa kaniya. Maya maya lang ay natigilan ako ng bigla niya akong niyakap. Pakiramdam ko ay namula lahat ng buo kong katawan.

"Tsk! Pervert." Biglang sabi nito. Napangiti ulit ako. Pota kinikilig na yata ako XD

"Dont move. Idiot." Pagkasabi nito ay may naramdaman akong malamig na bagay na dumampi sa ulo ko.

"Aray!" Daing ko ng makaramdam ng hapdi.

"Tsk! Tiisin mo yung sakit. Bakla ka ba?" Iritang turan nito. Nagpout lang ako. Maya maya lang ay natapos na ang ginagawa niya.

"So forever ka na dyan?" Pilosopong sabi niya sakin. Bigla akong natigilan kaya naman ay umalis ako sa pagkakasandal ko sa dibdib niya.

"Sorry." Namumulang sabi ko dito. Maya-maya lang ay napansin kong bigla siyang tumayo. Naalarma naman ako ng biglang may ingay na nagmula sa labas.

"Shit." Narinig kong mahina niyang mura. Biglang napakunot ang noo ng bigla siyang napaupo. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay pansin ko ang paghihirap niya.

Hanggang sa bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaking tuwang tuwa.

"Kamusta pakiramdam mo? Hindi mo na ba kaya?" Nakangising tanong nito habang nakatingin sa direksyon ni Ashley. Nang tingnan ko ang direksyon niya ay tsaka lang napansin ang kadenang sumisikip sa kamay niya. Kitang kita ko ang dugo na dumadaloy sa kamay niya.

"MGA HAYOP KAYO! ANONG GINAWA NIYO SA KANIYA!" Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya pinilit kong makatayo upang pagsusugurin sila. Ngunit sinipa lang ako nung isa kaya ako natumba.

"PAG AKO NAKAWALA DITO TANDAAN NIYO NA KATAPUSAN NIYO NA!" Nanggigigil na sabi ko. Nagtawanan lang yung dalawa kaya naman naginit yung ulo ko. Mas lalong nag init ang ulo ko ng bigla nilang hinatak si Ashley palabas at ako yung iniwan nila sa loob. Bago nila isara yung pinto ay nagsisisigaw ako.

"ASHLEY! HAYOP KAYO! PAKAWALAN NIYO AKO DITO! ASHLEY!" Sigaw ko habang pinagtatadyakan yung pinto.

Shit!

☆ ☆ ☆

A.N: Hohoho! So this is it! Sinong kinilig?!!!

TAAS KAMAY!! Hahahaha..


Me : (*0*)/

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now