☆Develious 15☆

10.4K 349 2
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV


Tahimik lang akong nakaupo  sa kotse niya at nakatingin sa labas upang hindi tamarin. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipang sumama sa lalaking to. Kanina ko parin napapansin ang pasimple nitong pag sulyap sa akin. Ang akala niya siguro hindi ko nakikita -__-


Napansin kong huminto kami sa isang cover court na malapit sa 3rd district. Alam ko ang lugar na ito dahil dito ang tambayan ng mga gangster. Kung hindi ako nagkakami ang lugar na ito ay madalas ring nagkakaroon ng Gang war.


Nang bumababa siya sa kotse ay bumaba na rin ako. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob. Nakita kong maraming mga gangster ang nagkalad. Napaismid na lang ako ng mapansin ang hindi kanais nais na mga mukha ng mga ito.


Napansin kong may sumalubong sa amin na isang lalaking may itsura naman. Nanonood lang ako sa kanila ng mapansin ako nito at nakita ko ang pagngisi nito na hindi ko nagustuhan.


"Siya ba yung dinala mo? Okay a. Pwede na." Nakangisi pa nitong turan kay Glenn. Hindi ko nalang iyon pinansin at nanatiling nakikinig lang sa pinag uusapan nila hanggang sa hinawakan nito sa braso at hinila sa kung saan. tumigil nlng kami sa gitna at pinatayo niya lang ako dun. Napakunot lang ang noo ko.


"Pasensya ka na kung nadamay ka dito, pero promise hindi ko hahayaan na makuha ka nila."  hinging paumanhin nito. Abat letse to, nakuha pa akong ipang pusta -__-  Hindi nalng ako umimik at nakita kong naguumpisa na ang munti nilang palabas. Nanonood lang ako sa kanila at prenteng umupo sa sahig.


1v1 lang gagawin nilang labanan. Nakita kong yung lalaki kanina yung makakalaban niya.Napansin may pagkamayabang ang lalaking iyon pero sa tingin ko ay may ibubuga rin ito. Kung sya yung tinutukoy na leader na sinasabi ni Aimee, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatay ang lalaking to.


"Simple lang ang magiging rules ng laban. Pag nakatama ka sakin kahit na isa pasok ka na, pero pag napatumba kita ng isang beses talo ka at mapupunta sakin ang babaeng yun." Nakangiti niyang sabi at tinuro ako. Feeling ko masususka ako sa pinagsasabi ng lalaking to.


"Sige payag ako." Nakangiti namang sabi ni Glenn. Siguraduhin niya lang na mananalo siya pag hindi ako mismo ang bubugbog sa kanya!


Ilang sandali lang ay nag umpisa na ang laban. Napansin ko ang kakaibang galaw na pinapakita nung lalaking nag ngangalang Zedrick. Pero nakita ko naman na kampante si Glenn sa lahat ng galaw niya. Unang sumugod si Glenn. Mabilis siyang kumilos pero mas mabilis kumilis ang kalaban niya kaya mahihirapan siya. Panay ang suntok at sipa ang ginagawa nito sa kalaban ngunit puro ilag ang ginagagawa nito. Pag nagtagal ito maaaring matalo si Glenn.


Napansin ko na may papalapit sa likuran ni Glenn, Napapailing nalang ako. madumi palang makipaglaban ang siraulong lalaking yun. Hindi nalng ako nakialam at nanonood nalng. Isa pa nakakatamad kung walang trill hindi ba?


☆ ☆ ☆


Glenn's POV


Biglang umatras si Zedrick sa hindi malamang dahilan. Naalerto ako ng may napansin akong anino mula sa likuran ko. Bumwelo ako paharap at nag back kick. Tumalsik yung lalaki at biglang sumugod sakin si Zedrick. Nakita kong masasapak ako kaya mabilis akong umiwas at mabilis na gumilid tsaka bumwelo ng sapak sa kanyang tagiliran. Nabigla siya kaya hindi siya nakaiwas. Tagumpay ko siyang nasapak sa tagiliran at yun ang dahilan ng pagkapanalo ko.


Napangiti akong tumingin kay Ash. Poker face lang ito. Ibang klase talaga ang babaeng to. Napapailing nalang ako. Maya maya lang ay lumapit sakin si Zedrick at tinap ang balikat.


"Magaling ka pala. Congrats." Bati nito sakin. Tumango nalng ako. Pero bigla itong lumapit sakin binulungan ako.


"Pero mapupunta sakin yung babae." Nakangisi nitong sabi. Natigilan ako sa sinabi niya at nag aalalang tumingin kay Ash.


Wala akong nagawa at nanood lang sa kanila. Nakita kong pinalibutan ng tauhan ni Zedrick si Ash. Pero prente lang itong nakaupo. Napansin ko lang din na ako ang mas kinakabahan kaysa sa kanya. Nakita kong tumingin ito sakin at parang may ibig sabihin.


Maya maya lng ay sabay sabay nila itong sinugod. Natigilan ako ng bigla itong nawala ng parang bula. Lahat sila ay napahinto at hinahanap si Ash. Ilang saglit lang ay bigla itong sumulpot at mabilis pa sa kidlat na pinatumba nito ang mga kalaban. Natigilian si Zedrick sa kinatatayuan niya maging ako. HIndi ako makapaniwala sa nasaksihan. Nakatulala lang ako sa pagka mangha.


Sino kaba talaga??


☆ ☆ ☆


Humihingi ako ng paumanhin sa sobrang bagal na UD ko sa story ko na ito. SORRY PO TALGA T^T pero promise ko po na mag UUpdate na ako hindi nga lang po siguro araw araw, sana po maintindihan nyo. SALAMAT PO SA PAG UNAWA.. ^____^

☆Develious Child☆(COMPLETED)Where stories live. Discover now