Chapter 1

2.2K 54 5
                                    

Solene Akashi POV


"Magdamit ka nga!" sigaw ko kay Zeeian sabay talukbong ng kumot.


Paano ba naman kase pagkamulat ko palang ng mga mata ko kita ko na agad ang suot niya. She is just wearing a sports bra at nakaboxers lang halatang katatapos lang maligo.


Nasa may sofa siya at nag-aayos na ng mga gamit namin dahil hindi na namin ito naayos kagabi sa dami ng ginawa naming tasks sa iba't-iba naming subjects.


Palibhasa kase alam na alam niya na maganda ang pangangatawan niya. Bonding kase nila ni Ate Zeej at Tita Ianah ang pag-gym kaya naman alagang-alaga ang six packs abs niya at ang kanyang biceps.


TInignan ko sa cellphone ko ang oras at nakita kong maga-alas singko palang ng umaga. Maaga kaming papasok para ituloy ang hindi namin natapos sa laboratory report namin sa general biology naming subject at para na rin mag-aral para sa quiz namin sa calculus.


I still remember kung paano niya ako tinutulungan sa academic noon at kahit sa paghahanap ng mga part time job. She even waited me sa mga pinagttrabahuan ko non para lang mahatid niya ako pauwi at maturuan kapag may mga quiz or exams kami.


I have known her since grade school, we even graduated together. She was there noong nabubuhay pa si nanay. May picture pa nga kaming apat kasama si kuya na nakadisplay sa study table ko sa bahay. I cherished those moments with her, we have been together for a long time already.


"Ayaw mo bang maging good na good ang morning mo? Tss. Bal, tignan mo na wag ka ng magpabebe pa diyan alam kong gusto mo rin." pang-aasar pa nito sa akin.


Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Inabutan niya ako ng malinis na towel at naupo sa tabi ko. She is holding my clean uniform na may kasama ng white socks pati na rin ang ID ko.


"I already cooked our breakfast, bal. Take a shower na, I'll wait for you downstairs, hmm?" sabi niya at tinignan ako.


I smiled a little, ang cute niya kase nakuha niya yung itsura ni Tita Ianah na ang angas tignan tapos pagdating sa akin pa-baby at sobrang soft ng galaw at pananalita. She will always be the girl na bubuhatin yung bag ko everytime na makikita niya akong nahihirapan or kapag mas malaki pa tignan sa akin ang bag ko kesa sa height ko.


"Okay. Please wait for me. And I want milk bal, please?" sabi ko sakaniya.


"Of course, I cooked your favorites, bal. You remember, I promise tita-nanay na aalagaan ko ang nag-iisa niyang anak na babae." natatawa niyang sabi.


"Thank you, bal. Don't ever leave me, Zeek. Ikaw na lang ang meron ako." sagot ko.


"I won't, bal. Tsaka anong ako na lang? Sumbong kaya kita kay kuya Seve." pananakot niya sa akin.


Si Kuya Seve na lang kase talaga ang kasama ko sa buhay. Namatay si nanay noon dahil sa sakit sa puso kaya walang ng nagawa si kuya kung hindi tumigil sa pag-aaral para mabuhay kaming dalawa.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now