Chapter 14

972 38 0
                                    

TW: Abuse

Solene Akasha POV


"Sigurado ka ba talagang mag-bestfriends lang kayo?"


Nagulat ako nang may biglang may magsalita sa likod ko pagkalock ko ng pintuan. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang nakatayo na si Iyah sa may hagdan habang nakatingin sa akin ng nakakaloko.


"Hindi ka na nasanay kay Zeeian." sagot ko sa kaniya.


Nagtungo na ako sa kusina para magtimpla ng gatas ko. Sumunod na rin naman sa akin si Iyah sa kusina habang nakangisi pa rin, halatang nang-aasar pa.


"Dito ka ba matutulog?" tanong ko sa kaniya.


"Oo, ayaw mo ba?" sagot nito sa akin.


"May magagawa pa ba ako? Eh nakapang tulog ka na." saad ko at umakyat na sa kwarto ko.


Nailock ko naman na ng mabuti ang pinto sa baba at nasigurado na rin naman ni Zeeian na nakalock na ang mga bintana pati na rin ang mga saksakan ng mga appliances na hindi naman ginagamit.


Inilapag ko ang gatas na tinimpla ko sa side table at nagtungo sa cabinet para kumuha ng pangtulog na damit. Maliligo na muna ako para dere-deretso na kaming gagawa ni Iyah ng mga assignments namin.


Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Iyah na kavideo call si Calix. Hindi ko alam ang lagay ng relasyon nila ngayon pero sa tingin ko ay medyo lumalambot na si Iyah dahil ilang linggo na rin silang walang bagong issue ni Zeeian.


"Oh sige na, may gagawin pa kami ni Solene." pagpapaalam ni Iyah kay Calix. "Call me if you need me, okay? I'll be there in an instant." sagot ni Calix bago ibinaba ang tawag.


"Sure kang nanliligaw pa rin si Calix? Parang hindi na kase." pang-aasar ko naman na ikinapula niya. "I am planning pa lang naman....na sagutin na siya." kinikilig niyang sagot sa akin.


"Kailan?" excited na tanong ko. "Baka sa Graduation ball natin kung walang bagong issue na lalabas." sagot niya sa akin. "May graduation ball tayo!?" nabigla kong tanong. "Oo! Hindi mo alam? Palibhasa kase puro si Zeeian ang nasa isip mo..at puso?" pang-aasar na naman nito.


Inirapan ko lang siya habang nakatingin sa mga school works namin ni Iyah. Feeling ko namumula tuloy ako sa kilig.


"Oh, bakit ka namumula? May nangyare ba? Ano malaki ba? Mahaba? Katulad ng gusto mo?" sunod-sunod na tanong ni Iyah. "Gaga! Hindi ganun." sagot ko at hinampas ang kaniyang braso.


"So, meron nga!? AHHHHH!" tili ni Iyah na mas kinikilig pa ata sa akin. "Tinanong niya kase ako kanina kung gusto ko raw ba magpakasal sa kaniya kapag 25 na siya tapos 26 ako tapos pareho kaming walang jowa." pagkwento ko sa kaniya habang pinipigilang kiligin.


"Eh anong sagot mo?"


"Wala, sa tingin mo ba hindi magkakajowa ang mokong na 'yun? Feeling ko nga 20 pa lang magkaka-anak na 'yun." paliwanag ko sa kaniya.


"Oo! Kung magpapabuntis ka sa kaniya. Teka, makakabuntis ba si Zeeian?" tanong nito sa akin, nagtataka.


"Hindi ko alam."


"Baka hindi kase ang dami niyang issue na mga babae na naikama sa U-belt Inn pero ni-isa roon wala pang nabubuntis." kunot-noong sagot niya habang nakatingin sa akin.  "Baka may protection. Eh si Calix ba?" pang-aasar ko na naman sa kaniya.


"Hindi ko alam, sabi naman niya sa akin wala raw hindi naman totoo ang mga nasa chika." paliwanag ni Iyah.


"Ayun din ang sabi ni Zeeian sa akin kanina, huwag ko raw ididikit sa pangalan niya ang salitang 'babaero'. Lapitin lang daw talaga siya ng mga babae kase pogi siya." kwento ko sa kaniya.


Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now