Chapter 4

1K 36 2
                                    

TW: Violence, harassment


Isang linggo na ang nakalipas simula ng sundan ako ni Miguel no'n sa banyo. Mabuti na lang at sinundan siya ni Calix no'n kaya walang nangyaring masama sa akin nung araw na iyon. Kaya pala ilang sa kaniya ang mga babaeng kaklase namin dahil may taglay pala siyang kamanyakan.


Noong araw na iyon lang kase siya nakalapit sa akin ng ganun dahil hindi ko kasama si Zeeian. Pero sa mga nakalipas na araw ay pansin ko ang paglapit niya sa akin tuwing may chance siya. Hindi ko na rin naman ito sinabi pa kay Zeeian dahil alam kong gugulpihin niya si Miguel kapag nalaman niya lalo na ang nangyare sa banyo.


Pinaki-usapan ko rin no'n si Calix na huwag na munang sabihin kay Zeeian noong una syempre ay hindi siya pumayag pero sabi ko na kapag umulit pa ay ako na mismo ang magsasabi kay Zeeian.


"Good Afternoon, everyone."


Mabilis akong napa-angat ng tingin ng magsalita si Miss Messina na kapapasok lang sa room bitbit ang kaniyang mga gamit.


"Good afternoon, Miss Messina!" bati naming lahat sa kaniya.


"Since you have a lot of things to do in your other subjects I will be giving you all of my time so that you can finish everything on time." anunsyo niya kaya naman nagsigawan sa tuwa ang mga kaklase ko.





"Thank you, Miss! Kaya mahal kita eh."

"I love you, miss!"

"Buti pa si ma'am marunong makaramdam."


Tapos na namin ni Zeeian ang mga projects namin last week pa. Ginagawa kase namin kaagad ito ng sabay isang linggo bago mag-exam or minsan pagkabigay pa lang para hindi kami matambakan ng gawain, lalo na nagttrabaho rin ako.


"Bal, doon lang ako kay Miss Messina ha? Manggugulo lang ako hehe." paalam niya sa akin at mabilis na nagtungo sa teacher's table.


"Solene, pwede mo ba kong tulungan? Naiiyak na ako ang dami ko pang hindi natatapos. Maawa ka naman sa akin, please. Lilibre kita mamaya." naiiyak na paki-usap sa akin ni Iyah.


Katulad ni Zeeian, Iyah is also may childhood friend. Mas nauna nga lang si Zeeian dahil ayaw ko talagang makipagkaibigan dati. Pero noong kinulit ako ni Zeeian noon ay pumayag ako na ikinagalit naman ni Iyah dahil daw bakit kapag siya ay ayaw ko pero kay Zeeian pumayag ako. Kaya simula noon ay naging magkaibigan na kami at sila rin ni Zeeian.


"Oo, sige na. Kawawa ka naman." pang-aasar ko sa kaniya.


Umupo ako sa tabi niya sa may lapag at nagsimula ng tapusin ang iba niyang performance task na ibinigay niya sa akin na medyo patapos na rin naman.


"Tapos ka na ba sa projects mo, Sol? baka mamaya hindi pa pala tapos isisi mo sa akin." tanong niya sa akin.


"Last week pa." maikling sagot ko.


"Palibhasa kase by pair ang paggawa ng project. Kung may ka-pair lang siguro ako baka tapos ko na ito matagal na." mataray niyang saad sa akin.


"Eh kung pansinin mo na kase si Calix edi sana may ka-pair ka na rin sa paggawa ng mga ito." pang-aasar ko sa kaniya.


Calix has a huge crush to my friend, Iyah. Pero katulad ni Zeeian, napakababaero rin ni Calix kaya ayaw na ayaw sa kaniya ni Iyah. Pero kahit ganun ay walang sawa pa rin niyang nililigawan si Iyah at kapag medyo lumalambot na ang kaibigan ko ay may biglang lalabas na issue tungkol kay Calix at sa iba't-ibang babae kaya back to start na naman ulit siya.


Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now