Chapter 9

1.1K 38 5
                                    

Solene Akasha POV


Sama-sama pa rin kaming nag-iikot sa buong SJU habang tinatry ang iba't-ibang pagkain sa mga booth na nandirito ngayon. Sinubukan namin ni Zeeian yung ice cream na kapag kinakain ay magbubuga ka ng usok na nakita namin dati sa tiktok. Legit naman yung magbubuga ng usok pero hindi siya masarap kaya ipinakain na lang din namin sa iba pa niyang pinsan na manghang-mangha sa usok na lumalabas sa bibig nila.


Sunod namin ay yung potato twist na medyo nakarami kami ng kain dahil paborito namin pareho ang patatas lalo na yung french fries. Next thing we tried is the shaved ice tapos lalagyan ng chosen syrup flavor. Banana ang pinili ko habang mango naman ang kay Zeeian. It's actually good pero hindi siya nagustuhan ni Zeeian dahil sobrang tamis daw pero nung medyo natunaw na ang yelo ay na-enjoy niya na rin naman dahil hindi na ito ganoon katamis.





"Ate Solene! Pwede po magpapicture? Idol na idol po kita." pagsigaw ng tatlong babae na tumatakbo ngayon patungo sa amin ni Zeeian na sa tingin ko ay nasa grade 7 or 8 pa lamang.





Pero bago pa man sila makalapit sa amin ay hinarangan na sila ng guards na hindi naman namin kasama kanina. Wala naman kaming kasamang body guard except kay Mang Ben na yakap-yakap na ngayon si Pascal.





"Pasensya na po, bawal po lumapit sa kanila." sabi nung guard habang hinaharangan ang daan ng tatlong babae.





"Magpapapicture lang po kami, sir." pagmamaka-awa nung isang babae.





"Pasensya na po napag-utusan lang kami ni Ma'am Bernadett." sagot nila.





Tumingin ako kay Zeeian na nakatingin din pala sa akin na para bang hinihintay lang ang magiging desisyon ko.





"Let them, bal." bulong ko sa kaniya.





Mabilis siyang nagtungo sa mga guards para kausapin ang mga ito, maya-maya pa ay mabilis na tumakbo patungo sa akin ang tatlong babae habang may hawak na mga cellphone.





"Ate Sol, pwede po magpapicture?" tanong nung isa sa akin.


"Ako rin po! Napanood ko po ang fashion show ninyo ate!"


"Fan na fan niyo po ako, ate! Pa-autograph na rin po, please."





Pinagbigyan ko naman silang tatlo sa mga hiling nila. Inutusan pa nga nila si Zeeian na kuhaan kami ng picture, akala ko nga magagalit siya pero todo picture lang siya habang nakangiting nakatingin sa amin. Pinagpo-pose pa nga niya kami tapos halos dumapa pa sa damuhan para raw maganda ang anggulo ng litrato.





"Grabe, ang dami mo ng fans, bal. Hindi na kita iga-gate keep para may pambili ka na ng mga bagong heels mo." natatawang saad niya sa akin.



Bago pa man ako makasagot ay may biglang humila sa akin papalayo kay Zeeian. Marami sila kaya ang iba ay hinawakan din si Zeeian papalayo sa akin.


"Bal! Sino ba kayo?! Saan niyo siya dadalhin!? Hoy sagutin niyo ko put-"


Pilit akong lumingon sa paligid ko, hindi ko makita sila ate Z dahil humiwalay kami ni Zeeian kanina para bumili ng shaved ice. Hindi ko na rin marinig pa ang sigaw ni Zeeian mukhang inilayo na rin siya sa akin.





"S-saan niyo po ako dadalhin?" kabado kong tanong sa mga humihila sa akin.





"Pasensya na po napag-utusan lang." sagot nung isa.





Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now